Chapter 24

83 7 0
                                    

   Chapter 24: Ariel

Criziah's PoV

It's Saturday and I'm currently casually walking on the street. Sniffing the cold pollution of the city air.

Ayos na sana...kung hindi lang nakabuntot sakin si Butler Jin.

"San tayo pupunta Young Miss?"napahawak ako sa noo ko.

Tiningnan ko ang polished na black suit nya at ang casual na t-shirt at jeans ko.

Yeah, irritating.

"Butler Jin, pwede ka po bang magtago nalang katulad nung iba?"may pakiusap kong tanong.

Tiningnan namin ang mga lalaking nakasuot ng casual attire din na may kanya-kanyang ginagawa.

Kung hindi ko lang alam na mga secret body guard ko sila, iisipin kong simpleng mamamayan lang sila.

"Ah, u-utos ba yun?"Butler Jin stuttered.

I heaved a deep sigh.

"Kung oo, susunod ka po ba?"tanong ko.

Nagulat ako ng yumuko sya at bigla ng nawala.

Nakalimutan kong may pagka-ninja pala si Butler Jin.

Napailing-iling nalang ako at nagpatuloy ng naglakad.

Ohh, this is nice.

Pumunta ako sa coffee shop ni Giane since bukod don ay wala na akong ibang alam na shop dito sa city.

"No, mas bagay ang pink!"

"Anong pink? Ang corny! Violet dapat!"

Hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa coffee shop rinig ko na agad ang nagtatalong boses ni Giane at Gino.

"Good morning!"bati ko kaya napatingin sila sakin.

Walang ibang costumer ngayon bukod sa girl na nagbabasa ng book dun sa corner.

Nakaupo si Giane at Gino sa isa sa mga table at may tinitingnan sa i-pad.

"Uyy, C!"bati agad ni Gino.

"Criziah!"excited na sabi ni Giane at tumayo para yumakap.

"Are you here for a cake?"tanong nya ng bumitaw na.

"Ah, that, and you."pambobola ko then she gleefully smile.

"Sweet!"she shriek kaya tumawa kaming dalawa.

"Ah, come."dinala nya ako sa table nila ni Gino kaya nakita ko kung anong pinagtatalunan nila.

It's a game, a dress up game.

Hilarious!

Bakit nakikipili ng kulay si Gino?

"So what's your order?"tanong ni Giane at binigyan ako ng menu para daw sya nalang ang magsasabi sa counter.

Umalis saglit si Giane kaya kami nalang ni Gino ang naiwan sa table.

Section-G (On-Going)Where stories live. Discover now