Chapter 8

107 9 0
                                    

*This chapter is revised.

Chapter 8: Abduct

Jelo's PoV

"HOY MGA POGI! MAY BISITA TAYO SA BABA!"napa-takip ako sa dalawang tenga ko ng marinig ang maka-basag tenga na boses ni Louie, ang nagsisilbing 'look out' ng Section G. Lagi lang syang naka-stand by sa may railing sa labas o di kaya sa computer nyang lagi nyang dala na naka-konekta sa mga cctv na kami-kami lang ang nakakaalam na nakakabit sa kung saan-saan.

"ANG LAKAS NG BUNGANGA MO, G***!"singhal naman sa kanya ni Rick na pinaka-epal sa aming lahat.

Aaminin kong epal kami lahat pero mas epal ang isang yun.

"Sino ba yung bisita?"naiinis pero malumanay parin na tanong ni Harold na hindi ko pa narinig na nagsalita ng pasigaw o pasinghal sa tinagal-tagal na naming magkakasama.

"MAY MGA KASAMA ANG BRUHA!!"biglang parang nag-panic na tumakbo si Louie palabas ng room at nadala kami kaya mabilis din namin syang sinundan sa railing ng second floor.

Indeed, may kasama nga si Criziah. At ang mga kasama lang naman nya ay ang mga janitor ng school at parang sasabak sa gera ang get-up nila pero ang mga armas ay mop, walis, at mga trash bins.

Ng lumabas sya kanina akala ko sumuko na sya sa pag-lilinis na yan. Yun pala para mag-tawag ng back-up.

"Sabi ko na nga ba may plano ang impaktitang yan."bulong ng kung sino man ang nasa kanan ko. Ng lingunin ko ay bumungad sa'kin ang mukha ni Kian na pa-misteryo epek pa ang ekspresyon.

"Pano mo nasabi?"ibubuka ko na sana ang bibig ko para magtanong sa kanya pero naunahan na ko ng nasa kanan nya.

"'Di mo ba nakita na ngumisi sya kanina bago lumabas?"sagot ni Kian kay Yuan na nasa kanan nya habang nakatingin parin sa first floor kung saan feel na feel ni Criziah ang paglalakad at may pa-slow mo epek pa.

Nagkatinginan naman kami  ni Yuan at naghihinalang unti-unting tumingin kay Kian.

Bakit nya napansin yung ngisi ni Criziah? 

Mukhang nabasa nya ang nasa isip namin ni Yuan kaya nanlaki ang mga mata nya.

"Hoy, hindi ah! Napansin ko lang talaga!"agad nyang depensa pero hindi namin inalis ang nagdududang tingin namin sa kanya at ngumiwi pa.

"Patay sa'kin ang babaeng yun!"biglang sabi ng kung sino at halos lahat ng nandito ay nagsabi ng "Oo nga!" at sinundan na si CJ.

"Uyy sunod!"agad tumakbo si Kian para sumunod sa mga kaklase namin kaya nagkatinginan kami ni Yuan.

Mukhang may tinatago ang isang yun ah. At mukhang iisa lang ang nasa isip namin ni Yuan kaya nanliit ang mga mata namin at agad ng sumunod sa mga tropa.

"HOY BRUHA! BAKIT MAY KASAMA KA AH!? ANONG GINAGAWA NYANG MGA YAN DITO?"maangas na bulyaw ni CJ ng makalapit na si Criziah and crew sa tapat namin. Hinintay pa talaga namin sila dito sa first floor kasi nga nagpapa-slow mo daw sila.

"HOY! 'WAG MONG SINISIGAWAN ANG TEMPORARY PRESIDENT!"bulyaw din sa kanya ni Criziah at sinamaan pa ng tingin si CJ na hindi rin nagpatalo.

"Eh ano ba kasing ginagawa ng mga yan dito?"malumanay na tanong ni Harold at ngumisi si Criziah.

"Tutal ayaw nyong maglinis kaya sila nalang ang maglilinis ng room natin."naka-ngisi nyang sabi at binalingan ang mga janitors. Nanlaki naman ang mga mata naming lahat.

Tss, hindi pwedeng umakyat ang kahit sino sa floor namin maliban sa Principal, President ng school, Chairman, Teachers na naka-assign sa Section, at sa mismong Section-G. Marami kaming mahahalagang gamit sa taas na hindi pwedeng malaman ng kahit sino maliban sa mga nabanggit.

Patay kami nito kay Mr. President 'pag nagkataon. 

Nagkatinginan kaming lahat. Mukhang mapapasabak kami nito sa linisan ah.

.....

Ng sinabi namin na kami na ang maglilis ng sarili naming floor ay pinaalis na ni Criziah ang mga alagad nya.

Pero tinatamad pa kaming lahat na maglinis ngayon kaya naka-isip ang antuking pinaka-tamad sa grupo na si Ravier ng alibi na mamimili muna kami ng mga gagamitin para sa pag-lilinis pagkalabas mamayang hapon.

Sinang-ayunan naman yun ni Criziah pero sasama daw sya.

Wala talaga kaming balak na mamili kaso nga sumama talaga si Criziah sa alibi naming pamimili ng gagamitin sa pag-lilinis.

Kaya ngayon, kalahati ng klase ang nandito sa Mall para mamili ng gamit panlinis para sa Operation: Linis ng Floor, ng acting temporary president namin.

Para rin syang nanay namin na nasusunod sa mga dapat bilhin. Pero hindi katulad ng mga nanay na sya ang magbabayad ng lahat, ambagan ang bayad dito.

Kung bakit pa kasi ako sumama dito eh. Dapat nanliligaw na ulit ako sa Melanie ko.

Speaking of which, mag-iisang linggo ko na syang sinusuyo hindi parin bumibigay.

Lin*** naman kasing babae yun eh, may payakap-yakap pa sa 'kin eh hindi ko nga sya kilala eh. Nakita pa tuloy ng Melanie my loves ko. Ayaw nya rin akong pagsalitain kapag sinasabi kong magpapaliwanag ako.

"Bro, yung Melanie mo oh, may kasama!"pabulong na bulyaw ni Yuan sa'kin na kasama ko dito sa Wallpaint station ng market kaya agad kong tiningnan yung tinuro nya.

Hanep ah! Wala pang isang linggo may kapalit na agad ako? Aba! Hindi ako papayag dyan.

Naalala ko bigla yung sinabi ni Criziah at napakuyom ang kamao.

"Kikidnapin ko na talaga toh!"gigil kong sabi. Tinapik ni Yuan ang balikat ko.

"'Di na yan kid, bro."sabi pa nya pero hindi ko na sya pinansin at agad ng lumapit sa Melanie my loves ko.

Walang sabi-sabing hinila ko sya, aalma pa dapat ang lalaking mukhang paa na kasama nya pero pinigilan sya nila Patrick na nakasunod pala sakin. Ngumisi lang ako sa g*** bago hinila na palabas ang babaeng gusto pang umalpas sa pagkakahawak ko.

Not this time, baby. Hindi kita papakawalan hangga't hindi mo sinasabing naniniwala ka sa paliwanag ko.

"Jelo ano ba! San mo ba 'ko dadalhin? Tapos na tayo diba?"pinipilit nyang sumigaw pero hindi sya marunong nun. Yan ang gusto ko sa kanya eh, prangka sya at madaldal pero hindi maingay kasi hindi sya marunong sumigaw. Parang anghel pa ang boses.

"Babyboo, sinong may sabing tapos na tayo? Ikaw? Pero hindi ako pumayag diba?"nakangisi kong sabi at pinasok sya sa loob ng kotse ko. Kanya kanya kaming sasakyan ang gamit ng pumunta kami dito pagkagaling sa school.

"Pero tapos na tayo!"inis nya ulit na sabi pero hindi ko na pinansin at nagdrive nalang paalis sa lugar na yun.

I swear, hindi kami mag-hihiwalay unless sabihin nyang hindi nya na ako mahal. Pero sa mga pambabalewala nya sakin these days, hindi naman nya yun sinabi eh. Sadyang nagpapa-bebe lang sya at pinapahirapan ako.

***

Thankyou for reading.

Please Vote and 

Let me read your thoughts on the comment below.

-Quelyn05

Section-G (On-Going)Where stories live. Discover now