Chapter 6

137 8 0
                                    

*This chapter is revised.

Chapter 6: Giane

Criziah's PoV

Another day has come to an end.

Akalain mong natapos ko na ang unang linggo ko sa Section G, tho not really whole one week kasi nagstart ako ng wednesday at ngayon ay friday na so probably bukas ay saturday na, weekends.

"Hoy babae, uuwi ka na?"rinig kong tanong ng kung sino pero hindi ko pinansin at dire-diretso lang ang lakad.

Palabas na 'ko ng gate ng Celestine High at maraming katulad ko na babae na naglalakad dito noh, malay mo hindi naman ako yung tinatawag.

Tsaka I don't really give care to that.

"HOY! KAPAG KINAKA-USAP KA-- ARAY!"napangiwi ako ng makita ko si Mau na exaggerated na naka-hawak sa pisngi nya na nasampal ko.

Eh kasi naman bigla nalang nyang hinawakan ang balikat ko at sumigaw pa, hindi nya ata alam na nananampal ako kapag nagugulat.

Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ng ilang segundo pero gumalaw ulit ang lahat ng marinig ko ang tawa ni Jelo at Yuan na nakahawak pa sa mga tiyan nila at mukhang kakalabas palang ng mental-- ayy ng building pala. 

Nag-piece sign nalang ako kay Mau na pinapatay na ako sa mga titig nya at para nang aapoy ang buong mukha.

Alanganin akong ngumiti pero masama parin ang titig nya kaya kumaripas na 'ko ng takbo palabas.

"HOY! PATAY KA SA'KIN BUKAS!"rinig ko pang sigaw nya pero nagpatuloy ako sa pag-lalakad ng mabilis papunta sa parking kung nasaan si Butler Jin. 

Akala nya naman natatakot ako sa kanya, like hello? Wala kayang pasok bukas bwuhahaha!

.....

"Amen."sabay-sabay na sabi namin sa pangunguna ng Priest bago tumugtog ulit ng worship songs ang choir. 

Linggo ngayon at nandito kami ni Lolo kasama si Butler Jin at iba pang bodyguards nya sa simbahan dahil linggo nga.

Kahit busy si Lolo sa business nya ay hindi nya parin nakakalimutan na mag-pasalamat para sa mga yun.

I'm very lucky to have a grandfather like him. Sayang lang at hindi kami kumpleto.

"Wala ka bang ibang pupuntahan ngayon, Criziah? Sumabay ka nalang sa Limo."sabi ni Lolo ng naglalakad na kami palabas ng church.

"May pupuntahan pa po ako eh. See you nalang po sa bahay."sagot ko at humalik na sa pisngi ni Lolo ng marating na namin ang Limo nya.

Sumakay na sya dito ng makapagpaalala sa akin.

Naiwan naman ang dalawang bodyguard ni Lolo at si Butler Jin para maging kasama ko sa kung saan man ako pupunta.

Dapat nga papaiwanan pa ni Lolo ang anim na bodyguard para bantayan ako pero hindi ako pumayag.

Una dahil pakiramdam ko na naman ay ginagawa nya 'kong preso at pangalawa ay dahil alam naman nya kung saan ako pupunta.

Section-G (On-Going)Where stories live. Discover now