Chapter 20

74 5 0
                                    

Chapter 20: Plans

Criziah's PoV

Araw ng lunes.

Napapangiti nalang ako kapag napapatingin sa floor namin. Mag-tatatlong linggo na kaming magkakasama at dalawang linggo na rin simula ng nalinisan ang floor namin pero hindi parin ako makapaniwala. Ibang iba na talaga ngayon dahil malinis na.

Bumili din kami ng family sala set at nilagay namin yun sa labas ng room para tambayan.

"'Nakatunganga ka na naman dyan habang nakangiti. Nababaliw ka na."napangiwi ako ng makita si Yuan na umiiling-iling habang nakasandal sa may pinto.

Inirapan ko nalang sya at pumasok na sa room.

Hindi talaga ako nagsasawang titigan ang malinis na naming room. Kaso wala eh... nasa Section-G parin ako.

Kahit gaano kalinis ang paligid hindi magbabagong magulo parin ang mga tao.

Buti na nga lang gumawa ng rule si President Kleine na 'Kalat mo, linis mo!'–tho suggestion ko yun– kaya wala ng nagkakalat. Speaking of...

Si Kleine agad ang hinanap ng mga mata ko at nakita ko syang natutulog sa may bintana katabi ni Owen na busy sa cellphone.

Huminga nalang ako ng malalim.

Nakaka-inggit silang dalawa ni Ravier. Nakakatulog sila sa ingay ng paligid?

Hope I can do the same.

Kalalagay ko lang ng bag ko sa upuan ko ng bigla akong hinila nila Rick at Ryan at dinala sa upuan sa sulok ng room.

"Anong kailangan nyo?"gulat kong tanong ng pinaupo nila ako sa nag-iisang upuan at sila ay nakatayo lang sa harap ko.

May tinapat silang brown na flier sa harap ko.

"Ano yan?"taka kong tanong sa kanila at tinaasan nila ako ng kilay.

"Do you not know how to read?"nakataas ang kilay at sarcastic na tanong ni Ryan.

Tinaasan ko rin sya ng kilay.

"Ah sorry, kung sinasabi nyo kasi sana kung para saan yan, diba? Anong gagawin ko dyan? Kakainin ko?"sarcastic ko ring banat at umirap pa.

"Try mong kainin, baka masarap."sarcastic ding sabi ni Rick na kinabuka ng labi ko.

"Ba't di ikaw ang mag-try? Tas sabihin mo sakin kung masarap!"painis ko ng sabi at umirap na naman.

Nakakainit sila ng ulo!

"Na-try ko na, hindi masarap."pairap na sabi pa ni Rick.

I gritted my teeth in total annoyance and angrily stood up.

Hindi talaga ako mananalo sa dalawang toh noh?

"Ewan ko sa inyo! Dyan na nga kayo!"pabulyaw kong sabi at aalis na sana ng pinigilan nila ang magkabilang braso ko at inupo ulit ako.

"Eto naman. Highblood agad eh!"nakangusong sabi ni Ryan kaya napataas ang kalahati ng upper lip ko at nagsalubong ang kilay.

"Oo nga! Binibiro ka lang naman."nakanguso ring sabi ni Rick kaya napairap ako.

"Ano ba kasing kailangan nyo?"tanong ko nalang para mawala na ang pagkakanguso nila. Masyadong cute eh. Bonus pa yung mga gwapo ang itsura nila.

Nasabi ko bang gwapo lahat ng lalaki na nasa Section-G? Well kung hindi pa, sinasabi ko na. Kung nasabi ko naman na, sasabihin ko ulit.

Walang itatapon sa Section G kung itsura ang paguusapan, lalo na kung alam sa public na hindi sila nanggaling sa normal na pamilya.Baka naging sikat na sila. Tho sikat naman sila, pero in a negative way.

Section-G (On-Going)Where stories live. Discover now