Chapter 1

352 11 0
                                    

Chapter 1:

Criziah's PoV

"Class dismiss."

Agad akong napaangat ng ulo ng naulinigan ko ang sinabi ng teacher namin.

"Yan, dyan kayo magaling eh noh."sarcastic na puna ni maam sa klase. Bilang isa sa tinamaan ng salita, napakamot nalang ako sa pisngi ko.

"Hay!"maingay na bumuntong-hininga si maam kaya natahimik ang buong klase

"Basta tapusin nyo yung pinapagawa ko ah. Kapag wala kayong naipasa bukas, may punishment yon."huling sabi nya bago lumabas na.

Naging maingay na naman ang kwarto habang ang iba ay nagsilabasan na.

Bored kong sinukbit ang bag ko at lumabas narin.

First week palang ng klase may mga assignment agad, haist.

Ako si Criziah Celestine, 3rd year student ngayong taon.

At kasalukuyan akong naglalakad palabas ng school para umuwi na at matulog.

Hayst, my boring life.

"Young miss"

I shriek ng biglang may sumulpot sa harap ko ng makalabas na ako sa gate.

Alam mo yung nakayuko ka habang tahimik na naglalakad kasi nga antok ka na talaga tapos bigla nalang mula sa kung saan ay may tatawag sayo at susulpot pa sa mismong harap mo?

Nakakagulat kaya!

I clutched my chest sa sobrang gulat ko.

Muntik ko pa ngang masampal si Butler Jin eh, buti nalang nakilala ko agad ang namumuti na nyang buhok sa tuktok.

Sumimangot nalang ako sa kanya at pumasok na sa binuksan nyang pinto ng sasakyan.

Eto na nga ba, nahanap na nila ko. Or baka nga matagal na pero ngayon lang sila nagparamdam.

"They want you back, Young miss. 'Wag mo na silang pahirapan."nakasimangot akong tumingin sa rearview mirror nitong sasakyan para makita ang seryoso paring mukha ni Butler Jin.

Kahit kailangan talaga napaka-seryoso ng matandang toh.

"Anim na buwan mo na silang pinagtataguan. Sa tingin mo ba hindi nila alam kung nasan ka?" nagsalita na naman sya kaya lalo akong napasimangot.

Alam ko naman yun, alam na nga ni Butler Jin kung nasan ako eh pano pa kaya ang mga yun? Tsaka alam ko namang unang araw palang ng paglalayas ko, alam na agad nila kung nasan ako.

"Pero I'll lose my freedom na naman po. Masaya po ako dito, Butler Jin. Kung ako ang papipiliin, pipiliin ko po dito."malungkot kong sabi at humarap sa bintana.

Nagsisimula ng dumilim sa labas. Parang ang tagal ng biyahe ko pauwi.

"Hija, hindi mo naman kailangan takasan ang mga bagay na hindi ka pa pinapanganak ay para sayo na talaga. Kapag gusto mo ng iwanan yun lahat, magagawa mo naman eh. Ang samin lang, kailangan mo kami para maprotektahan mo ang mga bagay na para sayo, gusto mo man yun o hindi. Your a strong independent women, but your still young. Ma-handle mo man ang mga bagay sa tulong ng dalawang kamay mo, kakailanganin mo parin ang mga kamay namin o ng ibang tao."

Natahimik ako sa mahabang speech ni Butler Jin.

"O andito na tayo. Basta kapag nagbago na ang isip mo, tawagan mo lang ako."nginitian ko nalang si Butler Jin bago lumabas ng sasakyan. Nasa harap na pala kami ng gate ng village kung nasaan ang inuupahan kong maliit na apartment.

Siguro itutulog ko nalang itong lungkot ko. Naisip ko lang, pano kung bumalik ako? Masasayang ba ang anim na buwan kong pamamalagi sa lugar na to... ng mag-isa? Siguro nga dapat bumalik na ako sa kanila. Pero paano ang isang yun? Baka patayin na talaga ako nun. Hayst!

"MAY SUNOG!!!"napa-angat ako ng ulo ng makarinig ako ng sigawan. Nag-kakagulo ang mga tao at ang iba ay may dala-dalang timba at papunta sa isang bahagi ng kalsada. May mga firetruck din sa paligid at bussy sila sa pag-patay sa sunog.

For a minute, I just stand there tilting my head side to side while looking on the burning small apartment. Then biglang nawala yung antok ko ng ma-realize ko ang isang bagay.

Apartment ko yan ah!

.....

Kapag naiisip ko ang kama ko na hihigaan ko na sana at tutulugan ngayon, naiiyak ako. Pero wala ng magagawa ang pag-iyak dahil wala na yung kama ko. Mabuti nalang talaga at tubig lang laman ng maliit na cooler dun. Tapos, mga damit ko lang ang nandun, madali lang mapalitan. Yung mga papeles ko naman para sa school ay nasa admin parin ng school namin at tinatamad pa 'kong kunin yung mga original files na ang dapat pala ay xerox lang ang ipasa.

Ng tinanong ko naman yung isang tao dun kung anong pinagmulan ng sunog, sabi yung outlet daw na nakalimutang bunutin. Eh as far as I remember, hindi ko hinahayaang nakasaksak ang mga outlet dun bago umalis. Mabuti nalang at walang katabi yung apartment ko at ako lang talaga ang nagamit nun. 1 room apartment lang kasi yun kaya para lang syang maliit na bahay. at ang next apartment naman ay nasa kabilang block pa.

Nanliit ang mga mata ko ng makita ko si Butler Jin na nakasandal sa kotse ng makalabas na ako sa gate ng village. Hindi pa sya naalis simula kanina?

"Young miss, ang bilis naman ata magbago ng isip mo."lalong nanliit ang mga mata ko ng makabahid ako ng playfulness sa boses ni Butler Jin ng magsalita sya. Naka-lean parin sya sa kotse at cool na cool na naka-pasok ang mga kamay sa bulsa ng black tux nya.

Naglakad ako palapit sa kanya ng may malalalim na hininga. Parang alam ko na ang nangyari.

Pinanliitan ko sya ng mata at sinuri ng mabuti. Seryoso lang naman sya pero mababahidan ng pagkapanalo ang tingin ng mata. Sabi ko na nga ba, paniguradong may kinalaman sya sa pagkasunog ng apartment ko.

Ngumuso nalang ako.

Tinaas ko kapantay ng mukha ko ang dalawa kong kamay at pinag-salubong ang mga kilay.

"Fine, take me in jail!"madamdamin kong sabi at nagkunwaring maiiyak.

Ngumisi lang sya at binuksan na muli ang pinto para sa'kin.

One thing I know ng pumasok ako sa kotse... my freedom is now gone.

I'm going back to my cage, and I don't know when will I got a chance to get out again to see the real world behind the golden bars.

***

Section-G (On-Going)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt