Wish

52 0 0
                                    

Ang wish ko lang naman ay yung sumaya na ang buhay kong malungkot. Yung tahimik kong buhay ay maging maingay. Yun lang naman ang hiling ko sa araw araw.

At syempre sino ba naman yung babaeng hindi hinihiling na maranasan din ang magkalove life diba. Oo na. Malandi na sa malandi. Pero aminin nyo rin na gusto nyo rin magkasyota.

Sasabihin na 'Bat sila may syota? Di naman maganda.' Mga insikyora. Ito lang tatandaan nyo. May taong maganda na hindi ligawin (ako yun) at may mga pangit na ligawin.

Hiniling ko na sana kahit ngayong 4th year high school ako ay maranasan ko rin ang mga nararanasan ng karamihan.

Yung tipo na ang saya saya ng araw mo kasi may isang espesyal ba tao ang magsasabi sayo ng 'good morning'. At alam mo sa pagpasok mo makikita mo siya.

Lahat yun nangyari at tinupad Nya ang hiling ko.

Enrollment nun ng makilala ko siya. Nasa may bench ako noon at nakikinig sa musika habang hinihintay ang Nanay at kapatid kong magpaenroll.

May lalaking tumabi sa akin at umupo. Hindi ko sya mamukhaan. Siguro ay isa syang transferee.

May sinasabi sya pero hindi ko maintindihan dahil sa lakas ng volume ng musika.

Bigla nya ako siniko kaya napatingin ako ng masama sa kanya pero sya todo ngiti.

Tinggal ko ang earphones na nakapasak sa tainga ko at tinanong sya kung may problema ba. Istorbo ay.

"Wala. Sabi ko ang ganda mo. Bingi nga lang."

"Hindi ako bingi. Nakita mong nakaearphones ako kaya hindi kita narinig. Buwisit." Tumayo ako dahil mukhang tapos na naman magpaenroll sila Mama dahil kumakaway na ito mula sa malayo.

"Nice too meet you Ateng maganda na bingi. Hahah."

Pinasadahan ko sya ng matalim na tingin saka tumakbo papunta kila Mama.

Ang akala ko ay hindi ko na makikita ang hambog na lalaki na iyon pero sa kasamaang palad ay nakita ko syang muli.

"Oh. Ateng maganda na bingi. Nice to see you again." Umupo sya sa katabi kong bakanteng upuan.

Inirapan ko sya at dumukmo na lamang.

Nagsimula ang klase at ang pinaka ayoko sa lahat ay ang pagpapakilala sa harap.

"Louisse Andrei Valencia." Bukod sa kabang nararamdaman ko ay ayoko talaga binabanggit ang buong pangalan ko. Ayos na ang Louisse kaso dinagdagan pa ng Andrei. Ano ako lalaki?

Pagkaupong upo ko tawa agad ang sinalubong sa akin ni Lawrence Andrei.

"Nice Ateng maganda na bingi. Akalain  mo yun magkapangalan pa tayo. Nice."

"Shut up."

"Love you." Napatingin ako sa kanya. At ang damuho nakapeace sign at ngiting ngiti. Pakyu.

Lumipas ang mga buwan na puro pamemeste ang natatanggap ko sa katabi kong damuho.

"Sige na bestfriend Andrei pakopya." Tinatawag nya akong bestfriend sa tuwing may kailangan sya at kapag wala ay seatmate. Sarap kaltukan ng isa na to.

"Pagpinakopya mo ako official na tayo." Napatingin naman ako sa kanya ng wala sa oras.

"O-official?"

"Oo. Official bestfriend."

Ouch.

Ilang buwan na rin nakakalipas simula ng maramdaman ko ang ganitong pakiramdam. Hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko. Dapat naiinis ako sa kanya sa tuwing inaasar nya ako pero napapangiti na lang ako sa tuwing inaasar nya ako. Hindi kompleto araw ko kapag hindi ko sya nakikita. Siguro nga ay crush ko na sya.

Lumipas pa ang mga ilang buwan at naging mas close pa kami. Sinasabi ng iba namin mga kaklase ay may something sa amin o di kaya ay kami na raw. Pinagtatawanan na lang namin iyon kapag naririnig namin. Pero sa loob loob ko ay kilig na kilig ako.

Nung minsan ay naclinic ako dahil nagkasugat ako sa katangahan ko. Nagpagulong gulong lang naman ako sa court.

P.E. subject namin noon at required kaming tumakbo para malaman kung gaano ka kabilis tumakbo. Nakatakbo na ako noon paikot sa court ng ayain akong muli ng leader namin na sabayan syang tumakbo dahil sya na lang ang hindi pa nakakatakbo sa grupo namin. Eh sa mabait ako. Sinabayan ko sya sa pagtakbo. Nung pabalik na kami naramdama ko yung bigat ko na napunta lahat sa ulo. Yung parang natalisod ka at lahat ng bigat sa katawan mo napunta sa ulo. Ganun. Kaya iyon ang ending napagulong gulong ako sa court.

"Bestfriend ko!" Agad na tumakbo papalapit sa akin si Lawrence at inakay ako patayo.

"Sabi ko naman sayo hindi swimming pool ang court. Wag kang magdive." Hinampas ko na lang sya sa balikat at pumunta sa clinic.

Mga ilang sandali pa ay may isang babae na tumatakbo papalapit sa kamang kinaroroonan ko. Si Allisson.

"Louisse. Omygad. What happened to you?" Halata mo na alalang alala sya sa akin. Sinabi ko na ayos lang ako at bumalik na sya sa klase nya.

"Sino yun?"

"Bestfriend ko sya. Kaya lang nagkahiwalay kami ng section kaya hindi halata. Hahah."

"Talaga?" Nagulat ako sa paglapit ng mukha nya sa mukha ko. Hindi ako agad nakaimik. Yung puso ko...

"Tulungan mo naman akong ligawan yun." May parang kumirot ata sa puso ko. At ano sabi nya? Tulungan syang ligawan si Allisson? Ako na lang kaya ligawan mo?

Niyugyog yugyog nya ang braso kaya napaaray ako. Doble doble sakit ang nararamdam ko ngayon. At ngayon ko na realize na mahal ko na sya at hindi na basta basta crush.

Lumipas ang isang buwan at naging magsyota na silang dalawa. Masakit man sa akin wala akong magagawa.

Sabi nga nila kung mahal mo talaga ang isang tao matuto kang magparaya.

Ngayon ko rin narealize na sana hindi ko hiniling yon dahil hindi pa ako handa sa ganitong sitwasyon.

Matuto tayong maghintay dahil may nakalaan para sa atin ang Diyos. Huwag madaliin ang bagay na alam mo namang ibibigay Nya sayo sa tamang panahon.

Hindi naman masama humiling pero isipin mo muna kung maganda ba ito sa kinabukasan mo.

One shots (EXO)Where stories live. Discover now