Mich

20 0 0
                                    

"Marami na namang jeje na first year." Nagtawanan kaming lahat ng mga kaibigan ko dahil sa sinabi ko.

Third year na kami noon ng mapansin ko sya. Isa lang sya sa mga bagong first year sa paaralan namin.

"Oy si Clye oh." Tinuro ito ng isa kong kaibigan. Kaya lahat kaming magbabarkada ay tumingin sa tinuturo nya.

Guwapo. Yan lang ang nasa ko sa isipan ko. Kahit na bata sya ay hindi mo mababakasan ng pagkabata ang mukha nya. Mature kumbaga.

"Sikat yan sa kabilang school eh. Bakit kaya lumipat yan dito?" Dugtong pang payahag ng kaibigan ko.

Wala na akong naintindihan sa mga kuwentuhan ng mga barkada ko dahil masyadong nakapokus ang isipan ko sa kanya.

"Crush mo?" Bulong sa akin ng isa ko pang kaibigan. Siya yung tipo na tahimik sa barkada namin at walang pakialam sa amin. Pero kahit ganyan yan mahal ko yan.

Tumango tango lang ako bilang sagot sa kanya. Hinawakan nya lang ako sa braso saka umalis na sa tabi ko.

Sinabi ko sa buong barkada na crush ko si Clye kahit ata buong kaklase ko ay alam yun.

Tuwing makakasalubong namin si Clye ay lagi akong tinutukso ng mga barkada ko. Ngingiti lang sa amin si Clye dahil sa mga kalokohan ng mga kaibigan ko.

Nagtry out ako sa volleyball para extra curricular. Hindi ko inaasahan na sasali rin ng volleyball si Cyle kaya ang magagaling kong kaklase ay walang hiyang tinawag si Cyle at tinukso tukso lang ako rito.

Water break ng lapitan ako Cyle. Nagulat pa ako dahil sa biglang ininuman nya rin ang basong ininuman ko. Nag indirect kiss kami? Gosh.

"Pahiram ako ng baso mo ha." Huli nya na sinabi dahil umiinom na sya. Pagkatapos noon ay nginitian nya ako at ginulo gulo ang buhok ko. Emerghed. Kenekeleg eke.

Nang tumagal tagal ay nagiging mas close na kami ni Cyle. Lagi na rin kami nag-uusap tuwing uwian.

"Musta?" Kinuha nya ang bag ko at sinakbit nya iyon sa kanyang balikat. Sinasabi ng iba na kami na raw pero sinasabi ko lang na 'friends' kami dahil iyon naman ang totoo.

Nasa facade kami at hinihintay namin ang kanya kanyang service.

"May crush ako." Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Matutuwa ba ako o masasaktan ako. Hindi ko alam.

"S-sino?" Nanginginig ko pang tanong. Kinakabahan ako. Mawawalan na ako ng pag-asa sa kanya.

"Ikaw." Umiwas sya ng tingin at sa sahig na lamang tumingin.

Dug.dug.dug.

Nakahawak lang ako sa dibdib ko dahil sobrang lakas ng kabog nito. Ako crush rin ni crush?

Hindi na ako napagreact dahil dumating na ang kanyang service. Ginulo gulo nya muna ang buhok bago sya umalis. Naiwan naman ako nakatulala lang doon.

Simula noon ay nagpaparamdam na sa akin si Cyle. Sinabi ko iyon sa kaibigan kong tahimik palagi. Si Gaile.

"Gaile. Nanliligaw na si Clye sa akin." Kinikilig kilig pa ako nun habang kinukuwento ko sa kanya.

"Mahal mo na?" Iyan ang tanong na nagpatahimik sa akin sandali. Mahal ko ba siya? O crush lang itong nararamdaman ko?

"Mag-inggat ka na lang Mich, dahil sa pagkakaalam ko hindi nagseseryoso yang si Cyle."

Marami na rin na nagsasabi sa akin na 'manloloko' si Cyle. Marami na rin nagkukuwento sa akin kung gaano kaloko si Cyle pagdating sa mga babae.

Pinipigilan ko ang sarili ko na mahulog kay Cyle dahil alam kong lolokohin nya rin ako tulad ng ibang babae. Unti unti kong nilayo ang loob ko kay Cyle.

One shots (EXO)Where stories live. Discover now