Tissue Paper (Xiumin)

146 2 2
                                    

"Argh. Badtrip na sipon." Sabi ko sabay singa sa tissue.

"Hoy tama na yan. Barado naman." Sabi ng kaibigan ko.

"Sipsipin mo nga ng di magbara."

"Ang eeeww mo."

"Ha...ha..hachooo!"

"Spell kadiri.... J-E-M"

"Ang bad mo. Hahawaan kita."

Pinahid pahid ko sa kanya yung kamay kong kakapahid palang sa ilong ko.

"Excuse me?" Nahinto kami sa paghaharutan at tumingin sa likod.

*O* Omo si crush!

Why so pogi?

"Pwede pahingi ng tissue?" Hala tissue raw? May sipon din ata.

"A-ah sure." Inabot ko sa kanya yung tissue box ko.

Kumuha siya ng isa.

Isa?

Bat isa lang!

Damihan mo kuha mo !

"Ah Jem tapos na ko kumuha pwede ka na humarap sa blackboard." Sabi ko nga. Hmp.

-3-

*kalabit

"Bakit?" pacute kong sabi.

Hindi siya sumagot bagamat inabot niya sa akin yung tissue. Ano gagawin ko rito? Naku nangtritrip ata ang isang to. Kinuha ko yun at humarap na uli.

"Oh ano yan? Papatapon sayo. Hahah. Baka mamaya may sipon yan. Yuck!" Maarteng sabi ng kaibigan ko.

Tama!

Nakakaturn off naman.

Nilukot ko ito at saka tinapon.

Maya maya may kumalabit uli sakin.

"Ano na naman!?"

"Penge pa tissue. Last na." Pacute niyang sinabi.

Tss. Swerte ka at crush kita!

Inabot ko uli sa kanya yung tissue box ko.

At isa na naman ang kinuha.

Ano ba kasi ginagawa nya sa isang tissue? At may mga krayola pa sa ibabaw ng arm chair nya? Bata lang,

*kalabit

"Oh!?" Nakakairita na ha. Kalabit ng kalabit

"Wag mo itapon. Basain mo ito at makikita mo kung ano nakasulat."

--------------

Break time....

Nagbreak time na at sinunod ko ang sinabi niya.

Nandito kami ngayon ng kaibigan ko sa CR.

"Hoy Jem. Ano ba meron sa tissue na yan?"

"Ewan sabi ni Xiumin basain ko raw para makita kung ano nakasulat."

Binasa ko na ito at nakita ang nakasulat.

Hoy Jem Mahal Kita!

One shots (EXO)Where stories live. Discover now