Vampire (Sehun)

36 0 0
                                    

Naglalakad ako papasok ng school ng bumungad sa aking harapan ang isang guwapong nilalang.

Makalaglag panga.

Parang nagslow motion ang paningin ko ng dumaan siya sa aking harapan.

Ang kulay brown niyang mga mata na bagay sa kanyang maputing kutis at ang mapula niyang labi.

'Shet!'

Nakatulala lang ako sa kanya hanggang sa pumasok na siya sa loob ng campus.

'Sino siya?'

Nasa likuran niya lang ako at sinusundan siya. Pinagmamasdan.

Kahit ang ilang kababaihan ay napapatigil din dahil sa taglay niyang kaguwapuhan. Mayroong kinikilig kilig pa ang reaksyon.

'Minsan na nga lang magkacrush may kaagaw pa.'

Lumiko na ako dahil magkaiba kami ng daan na tutunguhin.

'Sayang, hindi ko siya magiging kaklase.'

Pumasok na ako sa aming classroom at umupo sa aking puwesto.

Wala akong naging kaibagan dahil sa dumidistansiya silang lahat sa akin dahil na rin sa aking kalagayan.

Isa akong bampira kaya lahat ng tao ay umiiwas sa akin.

Walang gustong lumapit o tumabi sa akin. Lahat ng kanilang upuan ay malayo sa akin kung kaya't mag-isa ako na nasa likuran.

Pumasok na ang aming guro at ipinakilala ang bagong estudyante na magiging parte ng klase namin.

Pumasok ang isang guwapong lalaki at muli nag-slow motion ang paligid ko at siya lang ang nakikita ko. Bumilis din ang tibok ng aking puso.

'Ito ang unang pagkakataon na tumibok ng mabilis ang puso ko.'

Ng magsalita siya ay parang musika iyon sa aking pandinig.

"Oh Sehun. Nice to meet you all."

Nagbow siya at ngumiti. Iyon na siguro ang pinakamagandang ngiti na nakita ko.

"Puwede ka ng maupo, doon." Tinuro ng aming guro ang katabing upuan sa aking tabi.

Nagsimulang magbulong-bulungan ang paligid.

Umupo siya sa tabi ko at ngumiti. Iniusog ko ng kaunti ang upuan ko palayo sa kanya.

"Bakit inuusog mo upuan mo? Natatakot ka ba sa akin?"

Hindi ako makapagsalita dahil sa hiya at dahil na rin sa bilis ng tibok ng puso ko dahilan para maninikip ang dibdib ko.

Luminga linga siya at mukhang nagtataka. Iniusog nya ang upuan palapit sa akin at nagkadikit ang aming mga balat. Parang may kuryente na dumaloy sa aking katawan.

"Anong pinagbubulungan nila? Siguro ako pinag-uusapan nila. Guwapo ko kasi."

'Oo guwapo ka pero hindi ikaw pinag-uusapan nila. Kung alam mo lang.'

Lumipas ang oras at recess na namin.

"Hindi ka magrerecess?"

Umiling lang ako bilang sagot at nagpatuloy sa pagkopya ng notes.

"Pansin ko lang. Parang lumalayo sayo ang mga kaklase natin."

Nahinto ako sa pagsusulat at hindi makagalaw.

"Bully ka siguro no?" Tumawa siya ng malakas at humarap sa akin.

Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ang kanyang mukha.

'Mas cute ka kapag natawa. Nawawala ang mga mata mo at nagiging guhit na lang.'

"Pero may tanong ako, totoo bang may bampira dito sa school?"

Muli hindi na naman ako makagalaw at makapagsalita.

"Gusto ko siya makilala. Kilala mo ba siya?"

"Hindi mo na kailangan kilalanin pa ang bampira dahil yang babaeng nasa harapan mo ay bampira."

Sabat ng isa kong kaklase at nagsimula na rin magsipasukan ang iba ko pang kaklase.

Lumaki ang mga singkit niyang mata at hindi makapaniwala sa kanyang nalaman.

"Woah. Astig!"

Ang akala ko ay matatakot siya sa akin pero iba siya sa mga taong nakilala ko.

Sa unang pagkakataon ay nagkaroon ako ng kaibagan, masaya na ako kahit hanggang magkaibigan lang kami kahit papaano ay tanggap niya ako at hindi siya takot sa akin tulad ng iba.

Tuwing magkasama kami ay nakakaamoy ako ng matamis na dugo.

Kapag ang bampira ay nakaamoy ng matamis na dugo isa lang ang ibig sabihin non. Destiny.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One shots (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon