Peg-ebeg (Luhan)

101 0 0
                                    

Pag-ibig?

Ano nga ba ang tamang definition para sa salitang ito?

Mahirap ipaliwanag.

Mahirap ding iparamdam at sabihin.

Nasabi mo na ba sa magulang mo na mahal mo sila? Karamihan hindi pa.

Ang dahilan ay dahil sa nakakahiya, malaki na sila, hindi na kailangan sabihin pa yon.

Yung tipong nasa jeep kayo ng Nanay mo at tinanong ka nya, na kung mahal mo ba siya? Pero ikaw titingin ka muna sa paligid kung mayroon bang nakarinig o nakatingin sa inyo. At kapag mayroon, mahihiya ka na magsabi ng oo.

Pero kapag sa ibang tao madaling magsabi ng mahal kita. Yung tipong nililigawan ka pa lang ng isang araw, sasagutin mo na agad.

Hindi natin tularan si San Pedro, tinanong siya ng Panginoon na mahal mo ba ako? Agad na sumagot si San Pedro ng oo. Hindi siya nag-alinlangan na sumagot dahil tunay ang kanyang pagmamahal sa Panginoon at hindi niya iyon kinahihiya.

Pero hindi ibig sabihin na kapag sumagot ka kaagad ng oo ay true love na agad. Aral muna bago landi.

Madali magsabi ng mahal kita, mahirap gawin.

Kung papapiliin ka...

Yung mahal mo o yung mahal ka?

Maraming nagsabi ng yung mahal ka.

Dahil daw sa aanhin mo yung mahal mo mayroon naman ng mamahal sayo.

Tama naman sila. Pero para sa akin pipiliin ko yung mahal ko. Dahil doon mo mapapatunayan na mahal mo siya. Dahil naniniwala ako na kapag pinaghirapan mo ang isang bagay makakamit mo ito.

Ako si Beatris Manansala. Hindi susuko sa pagmamahal sa taong mahal ko. Ipaglalaban ko ang nararamdaman ko.

"Tris!" Nawala ako sa pag-iisip nang tawagin ako ni Luhan. Oo kilalang kilala ko na boses nyan. Paanong hindi, eh sa loob ng 4 years na nanliligaw sakin yan, hindi pa ba ako maririndi sa boses nyan.

"Nakabusangot ka na naman Love." Love. Tinatawag nya akong Love kahit hindi pa kami. Kahit ilang beses ko sya suwayin tinatawag nya pa rin akong Love kaya kinasanayan ko nalang.

"Nakita kasi kita." Kahit ilang beses ko na siyang nireject, nandiyan pa rin siya, nanatiling nasa tabi ko.

"Guwapo ko kasi, diba?" Bigla nya akong kiniliti kaya ginantihan ko rin sya, ilang minuto kaming nagkulitan ng pumasok si Kris. Dahil don natigilan kami ni Luhan sa pagkulitan. Masamang tingin ang itinapon sa akin ni Kris. Uy selos si Kris. Palihim akong kinilig.

Si Wu Yi Fan o mas kilalang Kris, ang taong mahal ko. Ewan ko nga ba at nagustuhan ko sya samantalang lagi nya naman akong sinusungitan. Three years na akong nanliligaw sa kanya pero lagi nya lang ako binabasted, pachix nga yan. Oo ako talaga nanliligaw, eh sa mahal ko siya. Sabi nga nila "Ligawan mo na baka maagaw pa ng iba."

Maraming nagsasabi na ang tanga tanga ko raw, nandiyan naman si Luhan humahanap pa ako ng iba. Bakit ba, natuturuan ba ang puso na kung sino ang dapat na mahalin? Hindi ko naman din sinasadya na mahalin si Kris eh.

Magkakaibigan kami noon nila Kris, Luhan at ako. Bestfriends ang turingan namin sa isa't isa. Hanggang sa magtapat sa akin si Luhan na may gusto sya sa akin, medyo lumayo loob sa akin ni Kris, hindi ko sya maintindihan noon. Minsan mabait sya sa amin, minsan galit, dahil doon unti unti na akong nahuhulog kay Kris.

Hindi ko pinaalam kay Luhan yon dahil alam kong masasaktan sya, hindi ko rin masabi kay Kria dahil nahihiya ako. Hanggang sa nanligaw na sa akin si Luhan, pinigilan ko sya noon pero nagpumilit sya. Gusto kong ibaling ang pagmamahal ko Luhan dahil nararamdaman kong wala akong pag-asa kay Kris. Pero hindi ko kaya, si Kris lang talaga ang mahal ko.

Simula rin ng manligaw ako kay Kris, mas lalong lumayo ang loob nya, lalong nagalit sa akin. Hindi ko sya maintindihan. Ako na nga tong nanliligaw, nagpapakipot pa sya!

"Si Kris na naman ba?" Nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Luhan kaya huh nalang ang naisagot ko.

"Naiintindihan ko. Siya talaga mahal mo. Nirerespeto ko nararamdaman mo. Kaya ititigil ko na itong panliligaw ko sayo. Pipilitin kong mawala na itong nararamdaman ko para sayo, kasi mahal kita. Sana lang huwag kang lalapit sa akin na umiiyak dahil hindi ako magdadalawang isip na kunin ka." Parang nadurog ang puso ko ng sabihin yon ni Luhan. Kahit papaano naging kaibigan ko sya, bestfriend.

Tinupad nga ni Luhan ang sinabi nya, lumalayo na sya sa akin. Nabalitaan kong may nililigawan na syang iba. Masaya ako para sa kanya.

At ako, nganga pa rin, nilulubayan pa rin ako ni Kris. Hanggang isang araw pumunta sya sa bahay ng hating gabi na lasing.

"Tris, mahal... na... mahal... kita..." Yan ang sinabi nya bago sya tuluyang makatulog. Nagliwanag ang mga mata ko non, at biglang nabuhayan ang puso ko.

Kinabukasan tinanong ko sya na kung totoo ba yung sinabi nya pero ang sinagot nya lang ay wala syang maalala na sinabi nya yon.

Patuloy pa rin ako sa panliligaw kay Kris at ngayon si Luhan ay may girlfriend na. Nakakamiss din kasama si Luhan dahil sya ang nagpapatawa sa akin sa tuwing umiiyak ako.

One time pumunta ako ng mall, nakita ko si Kris na may kasamang babae, hindi na bago sa akin yun, sanay na akong makita syang may kasamang iba. Hindi na ako lumapit sa kanila dahil alam ko naman na magagalit si Kris. Ayaw na ayaw nya kasing magpakita ako sa kanya kapag may kasama syang iba, nasisira raw diskarte nya. Naiintindihan ko naman sya.

Dahil ang tunay na pagmamahal ay ang paghihintay mo sa taong mahal mo. Tatanggapin mo at rerespituhin ang desisyon nya.

Habang tumatagal ng tumatagal paunti unti ko nang hindi nakikita si Kris. Hanggang sa malaman ko nalang na kinasal na sya.

"Akala ko ba mahal mo ako Kris?" Umiiyak ako ngayon sa harapan nya.

"Tris. Mahal kita, oo pero hindi ako yung taong para sayo. Hindi ako ang nakatadhana para sayo"

"PUWEDE! KAYA NATIN ITADHANA ANG ISA'T ISA"

"Tris. May mga bagay na hindi natin nakukuha kahit pinaghirapan natin ito. Tulad nitong pagmamahal mo, alam kong ilang taon kang naghintay na suklian ko rin ang pagmamahal mo pero hindi sapat yun dahil alam kong may mas sasapat pa sa pagmamahal ko sayo. May mas hihigit pa sa pagmamahal na kaya kong ibigay sayo at alam ng Panginoon yon kaya hindi nya ako binigay sayo dahil may mas nararapat pa sa akin para sayo. Suklian ng buong buong ang pagmamahal na binibigay mo."

"PERO IKAW ANG GUSTO KO!" Wala rin akong nagawa noon kahit ipaglaban ko ang pagmamahal ko sa kanya.

Pumunta ako sa bahay nila Luhan dahil wala naman akong iba pang malalapitan na kaibigan para paglabasan nitong nararamdaman ko.

"Sabi ko naman sayo, babawiin kita sa oras na lumipat ka sa aking umiiyak diba?"

Napatunayan ko na tama nga si Kris, hindi talaga sya para sa akin at may mas hihigit pa sa kanya. Yon ay si Luhan.

Kahit gaano mo ipaglaban ang mahal mo, kung wala talaga, wala talagang mangyayari. Aasa ka lang nang aasa na mayroon.

Nabubulag tayo sa isang bagay kaya hindi natin nakikita ang mga ibang bagay na mas nararapat sa iyo.

At may mga bagay talaga na kahit gaano natin itong paghirapan kung hindi naman ito para sa atin, hindi natin ito makukuha. Pero tandaan may nilaan ang Panginoon na mas nararapat sa atin.

Siguro nga hindi true love ang naramdaman ko noon kay Gi dahil lang sa iniisip kong ito na yon, true love ko siya. Hindi ko rin kasi muna pinakinggan ang tinitibok ng puso ko.

Sa pagmamahal mas nangingibabaw ang puso, oo puwede natin sundin ang iniisip natin pero dapat mas sundin natin ang tinitibok ng puso.

One shots (EXO)Where stories live. Discover now