Tumingin ako sa kanya ng masama.

Tumingin naman sya sakin na naka-smirk.

"Bibigyan kita ng tatlong segundo para makatakbo.."

"Kung kaya mo akong habulin." ginulo nya ang buhok ko at nagsimula nang tumakbo.

"ICE!!!"

"Hoy! Baka madapa ka, Bambi!" rinig kong sigaw ni Kuya Flame.

"Sali ako diyan!!" at out of nowhere, bigla na lang akong hinahabol nitong si Rock O,O

- - - - - - - -

[3RD]

Darkness.

Tulog lahat ang mga tao ng ganitong oras.

Sa paanan ng bundok ay may nakatayong isang kubo na kung saan natutulog dito ang isang pamilya.

*RRRRGGGGGG*

Napabalikwas mula sa pagkakahiga ang bata nang marinig ang isang ingay mula sa.. itaas? Tiningnan niya ang kanyang mga magulang ngunit nananatili silang mahimbing ang tulog.

Umulit ang tunog at tila palakas ito ng palakas.

Parang papalapit sa kanila.

*RRRRGGGGGG*

Lumabas sa kanilang tahanan ang bata at tiningnan ang maitim na kalangitan.

Bakit walang mga bituin? Sobrang dilim.

Nanatili siyang nakatingin sa kalangitan nang biglang may kung anong kumislap.

Isang bituin?

Hindi. Papalapit ito ng papalapit at lalong lumakas ang ingay na kanina pa niyang naririnig.

Isang malaking bagay. Isang malaking bagay na bumagsak di kalayuan sa kanyang kinatatayuan.

Isang spaceship.

Nanlaki ang mga mata ng bata at parang nanigas sa kanyang pwesto.

Gusto niyang bumalik sa loob ng kanilang kubo ngunit hindi sya makakilos.

Biglang nagbukas ang pintuan ng spaceship at may mga taong lumabas dito.

Mga itim ang kanilang kasuotan. At kahit sobrang dilim ng mga oras na iyon at isang poste ng ilaw lamang ang naroroon, kita ng bata ang kadiliman ng kanilang mga mata.

Kumawala ng isang di mawaring tunog ang bata na ikinasanhi ng paglingon sa kanya ng anim na lalaki.

"May nakakita sa atin." sabi ng isang may malalim na boses. Kinilabutan agad ang bata.

Biglang may nagpakita sa unahan niya.

Paano agad sya nakarating dito?

"Bakit gising ka pa?" tanong ng lalaki. Hindi kalayuan ang pagkalalim ng boses nya sa naunang nagsalita.

Nanginginig na sa takot ang bata dahil sa tingin ng lalaki. At doon niya nahanap ang kanyang boses, "Mama! Papa!"

Bumukas ang ilaw ng maliit na bumbilya sa kubo at napatingin ang anim na lalaki doon.

Tumingin ang lalaking kumausap sa bata sa isa niyang kasama at parang may ipinapahiwatig mula sa tingin niya.

Tumango naman ang lalaki at tiningnan ang poste sa di kalayuan.

Tinitigan niya ito hanggang sa sumabog ang bumbilya at nagliyab ang poste.

Ngumiti ng matagumpay ang lalaki. Talagang nakikisama pa rin sa kanya ang kuryente.

Remembering Bambi (Babysitting 6 Aliens #2)Where stories live. Discover now