Chapter 25

10 1 0
                                    


Curt's POV:


Tinanaw ko si Ace na nakatayo sa may verandah namin dito sa bahay. Kasalukuyang nagse-set up ng table at chairs sila Kuya Charlie sa backyard lanai namin para sa balak nilang "dinner" outside.

Kauuwi lang namin galing sa ospital. Stable at conscious na si Kuya Carlo kaya naman pinili na rin naming umuwi. Naiwan si Ate Rose para magbantay samantalang isinama naman namin pauwi ang kambal.


Nagmerienda lang kami saglit sa SM Baliuag pagkatapos ay nagtake out para sa hapunan. Kaya lang, naisipan din ni Papa na maglagay ng barbecue grill para mag-ihaw ihaw para sa pulutan mamaya.


Bumuntong-hininga ako at nilapitan siya. Hindi siya pinatulong nila Papa sa paghahanda dahil bisita raw namin siya. Tumingin siya sa akin at bahagyang ngumiti. I smiled back.

"Pasensya ka na ha? Ganito sila kapag may bumibisita kasi sa bahay. Bukod dun, madalang din kasi akong makauwi at magdala ng kasama," paliwanag ko.


Ngumuso siya ng bahagya at tumangu-tango. Inabot niya sa akin ang hawak kong bote ng isang mamahaling alak na nakatago pa sa cabinet ni Papa.


Kumunot ang noo niya. "This one is for keeps," sabi niya at tumingin sa akin.

"Yan yung pinalabas ni Papa sa akin. May nagregalo lang sa kanya niyan kaya siguro ngayon niya susubukan."

"I feel special because of this, Curt. I will give him another kapag nakabalik ako."


Wow, may pagbalik pang nalalaman ang isang ito. I smirked. "Talaga lang ha? Sige, palitan mo na lang yan pagbalik mo. Kung makakalabas ka ng buhay dito."


"Ha?"


Sinadya kong hinaan ang boses ko sa huling sinabi kaya siguro hindi niya narinig. O baka hindi rin niya na-gets.


"O, tama na yan. Kakain na dito," singit ni Caleb sa amin.


Nakilala na niya si Caleb pagdating na pagdating namin dito sa bahay. Ewan ko ba naman at isang bugok at kalahati ang kapatid ko na una pa niyang niyakap si Ace kahit hindi naman niya kilala. Na-Marites na naman siguro si Kuya Charlie bago pa kami dumating.


Ace just chuckled and guided me outside. Hindi lang pahalata ang pamilya ko pero nagbubulungan sila Kuya Charlie at Caleb malapit sa barbecue grill.

"Hoy, kayong dalawa! Grabe sa catching up ah. Kunin niyo nga yung lalagyan ng kutsara at tinidor sa loob," sigaw ko sa kanila dahil hindi ko na mapigilan ang asar ko.


"Huwag na. Magkamay ka na lang. Di ba marunong yang manliligaw mo magkamay?" Si Caleb.

Napaikom ang bibig ko sa asar at sinimangutan siya. "Papa o!"

"Curt. It's okay. Actually, mas masarap kumain ng nakakamay," awat sa akin ni Ace, hawak-hawak ang siko ko.


He gave me an assuring smile at pinaupo na niya ako sa upuan.

Di nagtagal ay kumain na rin kami. Buti na lang at hindi hinayaan ni Papa na usisain kami ng kambal at ng dalawa ko pang kapatid tungkol sa aming dalawa habang kumakain. Nagkwentuhan lang kami ng tungkol sa pagkain hanggang sa napunta sa quality ng service ng ospital na pinag-operahan ni Kuya, sa school ni Mica at Mark, sa panliligaw ni Caleb kay Erica at iba pang getaway niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 06, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love or ScamWhere stories live. Discover now