Chapter 24

12 1 0
                                    




Curt's POV:


Madaling kausap si Ace. Or is it more appropriate to say that he's always respected every decision I make? Matapos ng nangyaring confrontation sa conference room ay puro trabaho lang talaga ang inaatupag namin sa opisina pag nagkakasama sa meetings.

No staring, occasional eye-to-eye contact though, no asking of final says within group meetings. He clearly said to the CM team that we both would like to separate work from personal matters to which all of them agreed as well. Takot lang nila.


Days after, I requested to him that he should stop sending flowers in the office because I am after the practicality. Sinagad ko na ang pagsasabi sa kanya na hindi ako nadadala sa mga ganong bagay. Sumunod na araw ay hindi na nga ako nakatanggap ng bulaklak pero personal naman siyang pumunta para bumisita. He simply said he missed me so he dropped by after his meeting with the Finance.

He's consistent with his actions but I don't find him boring. There's something in him or maybe sa aming dalawa na hindi nawawalan ng sasabihin o kwento o witty ideas pag nagsama.





Pinatay ko ang alarm ng phone ko matapos tumunog niyon. I stretched after that pero hindi ako agad bumangon. Tumulala muna ako sa kisame. Nilalasap ang weekend.

May lakad kami ngayon ni Ace. Nasabi ko kasi sa kanya na gusto kong panuorin ang last leg ng paborito kong action trilogy sa sinehan.

We set the date before lunch dahil sa mall na kami kakain. I checked my phone.

Good morning! I will be there by 10. Is Jane around? I will bring her snacks. See you. :)


Napangiti ako. At may pa-smiley pa nga sa dulo.

Bumangon na ako matapos magreply na wala si Jane dahil may lakad. Dumiretso na ako sa banyo para mag-prepare.

Around 10 AM, binuksan ko na ang pinto para sa kanya.

Mabilis kong napagmasdan ang suot niya today. He's wearing a blue polo shirt partnered with white maong shorts and navy blue slip ons. Muntik ko nang kagatin ang labi ko sa harap niya.


I cleared my throat. "Hi. Come in."

Niluwangan ko ang bukas ng pinto para makapasok siya at makadiretso sa sala. Nakabihis na rin naman ako at ready to go na. Magsusuot na lang ako ng sandals at kukunin ko na lang ang bag ko sa loob ng kwarto.


"You look beautiful, Curt," he said and smiled.

My cheeks definitely blushed. He just never fails...

"Thanks! You look so gwapo too." My smile's immediately gone and I put on a straight face.

Just what the fuck, Curt?

He chuckled, "Salamat. Nagpa-gwapo talaga ako para hindi ako iwan sa itsura pag nagkatabi tayo."


I shook my head. Mabilis na akong pumasok sa kwarto ko at kinastigo ang sarili pagkatapos isara ang pinto. Hindi ko na pinatagal ang pagsusuot ng sandals dahil kanina pa ako natutunaw dito sa hiya.


"Let's go?" He asked and I nodded. Tumunog lang ang phone ko sa isang tawag. It was Kuya Charlie.

"Hello, kuys? What's up?"

"Curt. Nasa condo ka ngayon?"

"Ahm.." Tumingin muna ako kay Ace habang nag-iisip ng isasagot. Paalis na ako e.

"Sinugod sa ospital si Kuya. Sa may Plaridel. Pupunta ako ngayon dun. Dadaanan na sana kita kung nasa condo ka ngayon."

"What? A-anong nangyari kay Kuya Carlo?"


Love or ScamWhere stories live. Discover now