Chapter 11

11 2 0
                                    

Curt's POV

"How about your project, Engr. De Luna?"

Lumingon kaming lahat kay Kat nang siya naman ang tanungin ni CM tungkol sa project niya.

"80% projected accomplishment, CM pero 68% actual. Nagka-problema lang po kami sa accomplishment ng subcon. I will send report on Monday."

Tumango si CM. "Okay, send a catch-up schedule kung mapo-project mo na hindi mami-meet ang deadline and give me heads-up."

This is a weekly meeting ng CM Department. Ginagawa namin ito every Friday kung hindi naman masyadong busy at naglalaan kami ng oras pagkatapos mag-site visit.

"Engr. Salazar, yung Cebu project bidding. Next week na lang natin i-discuss kapag nakabalik na si Engr. Romualdez. You're currently reporting to the President about this project right?"

I nodded. Ariel and Joanna looked at me with obvious envy in their eyes. Hulaan ko ang iniisip ng mga yan.

Sana all.

Girl, hindi niyo lang alam kung gaano ka-slave driver ang Ape-pol na yun pagdating sa trabaho.

"He has concerns about the latest market price ng mga materials sa BOM, CM. Although that is QS scope, magdidirekta na kami sa suppliers pagbalik ni E-Engr. Romualdez."

"Good."

I sighed softly. Hanggang ngayon, hindi ko pa makontak si Gio. Sinusubukan ko siyang tawagan pero lagi siyang out of reach. Sa mga kasama ko, si Genesis lang ang nakakahalata na hindi ako okay lately pag pinag-uusapan si Gio. Lalo na dahil siya yung nakakita sa akin noong nakaraan na mangiyak-ngiyak.

Hindi pa rin ako makapag-concentrate ng maayos sa trabaho minsan. I was spacing out every once in a while.

Buti na lang, hindi na masyadong marami ang pinapadalang consolidation reports ni Sir Ace. Mukhang nakaramdam naman yata na masyado siyang pahirap sa buhay ko.

Alam ko namang trabaho ko yun. Pero sinabayan pa kasi ng personal na problema kaya naman medyo mabigat ang mga iniisip ko lately. Gusto ko na ngang manghingi ng leave pero gusto kong pagbalik ni Gio, nandito ako. I will try to reach out to him when he gets back.

Hindi ko maintindihan kung bakit biglang nagkaganun. Did he suddenly find me annoying and clingy? I think I deserve an explanation naman kung bakit.

Para sana maitama ko. Or makapag-adjust ako.

Napalingon kami sa pintuan ng big conference room nang bumukas ito. Sabay-sabay din kami halos napatayo nang makita kung sino ang pumasok.

It was the President with his assistant.

Agad niyang nahanap ang mga mata ko. I looked away. Bakit bigla namang napadayo itong lalaking ito dito sa office namin?

The Chairman is also sometimes visiting us without prior announcement kapag meeting pero hindi ko akalain naman na ganun din ang gagawin niya kahit isang linggo pa lang naman siya sa office.

"Sir Ace, good afternoon," bati ni CM sa kanya sabay lahad ng swivel chair sa may harap. All of us greeted him too.

Naalala ko tuloy ang nangyari noon sa bar ni Anton. Gaddh! Ano ba ang naisip ko nung time na yun para makapag-diskusyon sa kanya tungkol sa Philippine at US Constitution?

Nagsimula lang yun sa National Building Code hanggang sa napunta sa Safety and Health eh.

Lakas talaga ng loob mo makipagbalitaktakan sa lalaking yan, Curtney!

Love or ScamWhere stories live. Discover now