Chapter 8

14 2 0
                                    

Warning: SPG

Gio's POV

I clearly remember it when Curt called me up Sunday morning to check up on me. Hindi kasi ako nakapagreply sa kanya the whole day yesterday dahil naging busy ako.

Naging busy ako sa ibang mga bagay.

I know it's wrong but why is it that every time Hannah is there, it feels so right? Is it because she is my first love and that she always has a special place in my heart?

Napabangon ako at nagmamadaling umuwi sa bahay matapos ang tawag dahil alam kong narinig ni Curt ang pagtawa ni Hannah sa tabi ko. Nag-away kami ni Hannah dahil dun.

She always said that she's okay being the second option. Or that she's willing to take just a tiny portion of my time hangga't nandito ako sa Tarlac.





"Gio. Gio, look. I'm sorry. H-hindi na mauulit."

Nagawa akong puntahan ni Hannah sa bahay bandang hapon para humingi ng pasensya sa nagawa.

Gusto kong ibalik sa kanya na girlfriend ko si Curt at may karapatan talaga siyang kausapin ako anumang oras na gustuhin niya. Akala ko, she settled for that.

"Ay naku, Gio. Kakakausap mo lang kay Curtney kanina. Mabait na bata ang girlfriend mo. Matagal na rin kayo. Mag-isip-isip ka," malakas na sabi ni Mama noong nagpunta siya sa kusina.


I looked at Hannah. Tahimik lang siya at nakayuko. Tinamaan na naman ako ng simpatya para sa kanya.

"Okay na ako, Gio. Okay lang ako na hanggang ganito lang, please. Mahal kita. Kung pwede lang turuan ang puso," mahinang sabi niya habang gumagaralgal ang boses.

Napabuntong-hininga na lang ako at kinabig siya para mayakap bilang kaibigan.


Hindi ako nakatulog ng gabing iyon kakaisip sa maraming bagay. Hindi ko rin naman kayang pagdating ko sa Manila, parang wala lang sa akin ang nangyari sa amin ni Hannah.

Hindi ko alam kung paano ko pakikiharapan si Curt na wala lang sa akin ang nangyari kasi ginusto ko naman yun.

I chose it. I repeatedly chose to cheat.

Wala akong ibang makukuhang depensa sa bagay na yun. Tinawag ako ng makamundong pangangailangan.

Na hindi pa maibigay sa akin ni Curt kahit pitong taon na kami.

Kahit anong patunay ko na paninindigan ko siya.


I met with Hannah the following night to say my decision. Hindi ako makatingin sa kanya habang nakasakay kami dito sa aking kotse. Tahimik lang din siyang pinagmamasdan ang ilog sa ilalim ng hanging bridge sa labas ng kanyang bintana.


"Hannah, I'm sorry."

Yun pa lang ang nasasabi ko ay humarap na siya sa akin.

"Bakit? Konting oras lang naman ang hinihingi ko, Gio. Hanggang sa makabalik ka lang sa Maynila."

I clenched my jaw and tried to look at her in the eyes. "Hindi talaga tama itong ginagawa natin."

"Hindi tama ito kung nakatali ka na. Ramdam ko, Gio, sa tuwing may nangyayari sa atin na mahal mo rin ako. Isinakripisyo ko ang trabaho ko sa Alabang para makasama ka. Konting panahon lang naman ang hinihingi ko from you hanggang sa makaya ko na."

I closed my eyes. May kurot sa puso ko na makita ko siyang umiiyak at nakikiusap. I cherished her noong mga bata pa kami at tama siya, pinapahalagahan ko pa rin siya hanggang ngayon.

Love or ScamWhere stories live. Discover now