Chapter 21

15 1 0
                                    


Curt's POV



Three days.

Nakakatatlong araw pa lang akong hindi pumapasok sa trabaho ay gusto ko na ulit bumalik sa office dahil sa boredom. Natapos ko ng dalawang araw ang pag-gegeneral cleaning sa condo unit at naipadala ko na sa isang NGO ang mga gamit na regalo sa akin ni Gio since college.

A part of moving on is taking away all the things that could make me remember him. Kaya isa iyon sa una ko talagang ginawa.

Pero Wednesday pa lang at heto ako, pinaglalaruan na ang remote control ng TV namin ni Jane sa sobrang inip.


"Bakit ba kasi hindi ka umuwi sa Bulacan? Ang haba-haba pa ng bakasyon mo oh," Jane said while watching me playing with the TV.

"Ayoko nga kasi magtataka pa sila Papa kung bakit ako naka-leave ng ganito katagal. Magtatanong pa yun at mag-aalala."

Inabutan niya ako ng isang tub ng ice cream galing sa ref at tumabi sa akin sa sofa. "Pasasaan ba at malalaman din naman yun nila Tito na hiwalay na kayo ni Gio? Unless, hindi mo sabihin sa kanila ang totoo?"

"Syempre, sasabihin ko rin naman. Wag lang ngayon kasi hindi pa naman talaga ako totally okay."

"Kahit na. Atleast, pag nalaman nila, mas magiging masaya sila na hiwalay na kayo ng gagong yun at baka mas makatulong pa sila para makapag move on ka."


Bumuntong-hininga ako. Yes, for sure mas magiging okay sila sa balitang hiwalay na kami ni Gio. Hindi ko ba naman kasi alam kung bakit hindi nila gusto si Gio sa simula pa lang. Okay naman ang pakiharap sa kanila ng tao.


"Ah basta, hindi ako uuwi. Makapagtravel na nga lang," sabi ko at kinuha ang phone para magtingin ng malapit na beach resorts.

"Huy, sama ako."

"Gaga, may trabaho ka. Tatlong araw ang gagawin kong bakasyon dun para pagbalik ko, ni bahid ng halik niya, mabubura ng alat ng dagat."

"Ay, napakapait naman!"


Umirap na lang ako sa kanya at sinimulan nang mag-search sa cellphone. Napatigil lang ako at tiningnan siya nang maramdaman ang titig niya sa akin.


"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

Umiling siya at ngumiti ng bahagya sa akin. "Wala. I just find it odd to see you not crying for that asshole. Kasi base naman sa pag-iyak-iyak mo nung mga nakaraan, akala ko papasok ka na bilang drama actor sa isang movie."

"Ano ka ba? Naubos ko na siguro yung luha ko sa lalaking iyon dahil Killing me softly ang ginawa niya sa akin."

"Well, I won't question that. I've actually seen it. I'm just thankful that you are getting there, you know? Buti ka pa nga. Alam mo na ngayon na hindi siya ang para sayo."

"Bakit? Si Raf ba, finally, nagigising ka na rin sa katotohanan na hindi siya ang para sayo?"

She rolled her eyes. "This is not about me. Matagal ko na ring tanggap na we are just enjoying each other's company habang hindi pa dumarating ang magpapabago sa aming dalawa. Alam namin sa isa't-isa yun. Ang akin lang, since wala na kayo ni Gio. Baka naman pwede kang tumingin-tingin sa paligid mo na ngayon at mapansin baka naman nandyan lang sa tabi-tabi ang naka-destino para sayo." She said while wiggling her eyebrows.

Love or ScamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon