Chapter 5

15 3 0
                                    




Gio's POV

"Kamusta ka na?"

Mula sa pagkakatanaw sa ilog ay naramdaman kong tumingin sa akin si Hannah. Nandito kami ngayong dalawa sa may tulay malapit sa bahay namin.

The bridge was made up of wooden planks and was suspended and supported by ropes kaya hanging bridge kung maituturing.

Dito kami madalas na tumambay noong mga bata pa kami dahil sa malinis at nakaka-refresh na tubig sa ilalim at kapag sunset na ay nasisilungan ng mga nagtataasang puno sa paligid.

Dito rin kami noon na madalas nagde-date noong high school.


I looked down and smiled a bit, "Ayos lang naman ako."

"I heard from Gianna, Engineer ka na daw sa Manila... Congrats, natupad mo ang matagal mo ng pangarap," she softly said.


Since the beginning, alam niyang ito ang pangarap ko, maging isang magaling na Civil Engineer. High school pa lang kami, puro topic at studies sa Engineering ang madalas kong ikwento sa kanya. Kaya naman alam kong genuine ang pagbati niya sa akin ngayon na natupad ko na ang matagal ko ng gusto.


"Salamat. Ikaw, nakapagturo ka na ba sa UP? Sabi sa akin ni Ante Sonia, sa Alabang ka raw nagtatrabaho ngayon," I said and turned to look at her.

Ngumiti muna siya at yumuko, "Hindi ako naka-graduate bilang teacher eh. Kasi simula noong lumipat kami sa Cavite, kinailangan ko munang tumulong kila Papa para may pang-suporta kami sa mga gastusin niya sa pagpapagamot. Ayun. Pero nagtatrabaho ako bilang sales lady sa Star Mall."

"Ah ganun ba?"


There was an awkward silence passed by kaya naman lumingon na ako sa gawi ng bahay namin. I was thinking to say my goodbye when she spoke.

"Sorry nga pala, Gio."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Sorry kasi hindi ako formal na nakapagpaalam sayo nung araw na umalis kami para pumunta sa Cavite. Hindi ko rin naitext sayo dahil na-snatch yung cellphone ko noong mga unang araw ng pagtira namin doon."


Days after they relocated in Cavite, hindi ko na siya nakontak. Akala ko kung ano na ang nangyari pero since kaka-graduate pa lang namin ng high school at hindi pa uso ang facebook at iba pang social media noon dito sa lugar namin, hindi ko na siya nagawa pang makausap.


I had to accept that we broke up without closure.


I cleared my throat, "H'wag mo nang isipin yun. Matagal na yun."

"Hanggang ngayon, mahal pa rin kita Gio."


Wala akong naramdamang katuwaan sa sinabi niya sa akin. More like, nagulat lang ako dahil sa nasabi pa niya iyon kahit maraming taon na'ng nakalipas.

I took a deep breath, "I- I don't know what to say, Hannah. Actually, kinalimutan ko na yun. Sorry."


Nakita kong nanggigilid ang luha sa mga mata niya sa sinabi ko.


"Meron na ba?" Maikling tanong niya sa akin. Gets ko naman kung ano yun. Kung sino yun.

Tumango ako at tumingin ng diretso sa kanya.

"Halos pitong taon na kami."


She licked her lips kaya napatingin ako doon.

Love or ScamOnde as histórias ganham vida. Descobre agora