Chapter 20

19 1 0
                                    


Gio's POV


I was an asshole, I know.

Alam ko naman sa simula pa lang na mayroong mga consequences ang bawat desisyon na gagawin ang isang tao. Kaya aware ako, sa simula pa lang na pinili kong muli na makipaglapit kay Hannah, na kailangan kong mamili at kailangan kong bitawan ang isa sa kanila.

I was happy with my decision to bring her to Manila. Kasama ko na siya sa unit na inuupahan ko sa Mandaluyong and I was not regretting even a bit. Kaya lang, hindi ko na-anticipate na mahirap pa lang saktan si Curt na nakasama ko sa loob ng pitong taon. Yes, she was there with me all along and I appreciated it.

That's why I found a hard time telling her that I wanted to get out. Alam kong nararamdaman na niya iyon since I got back from Tarlac. Gusto kong siya na lang ang lumayo sa aming dalawa at ako ang lumabas na maiiwan. I smirked at the fucking idea. Playing the victim I am, right.



Nasampal lang ako ng katotohanan nang makita kami ng bestfriend ni Curt. Kasama ko noon si Hannah sa isang convenience store malapit sa unit namin na malapit din sa pinagtatrabahuhan ni Jane.

"Bilhin mo na kasi ito. I really like it when it's rough," sabi ni Hannah, pinatutungkulan ang textured condom na makikita malapit sa cashier. She bit my ear after she said that.

"Walanghiya ka!"

Ni hindi pa man ako nakakalingon sa nagsalita ay kaagad bumaling ang mukha ko sa kaliwa. Agad kong naramdaman ang hapdi ng pisngi ko at ang pag-iinit ng tainga ko dahil sa malakas na sampal na iyon.

"Hayup ka! Manloloko ka!" Hindi lang isang beses na sampal ang nakuha ko sa kanya. Umulit pa ng tatlo hanggang apat na beses iyon.

"What the fuck?" Awat ni Hannah sa kanya at pati na rin ng guard ng convenience store.


Namumula siya sa galit at nagwawala kahit pa hawak hawak na siya ng guard.

"Bitawan mo ako, kuya! Manloloko ang lalaking iyan! Kaya pala nagkakalabo kayo ni Curtney ay dahil totoo ang hinala kong may babae ka! Hayup ka! Sabi nang bitawan mo ako, Kuya! Sasampolan ko lang ang lalaking ito!"


"Hoy, Miss. Kung sino ka man na kakilala si Curtney. Hiwalay na sila ng babaeng iyon. Matagal na. Ako na ang girlfriend niya ngayon. Ako ang nauna at ako ang huli. Kaya tumigil ka na. Nakakahiya ka."

"Aba't--- Hoy, babaeng hitad! Huwag kang masyadong mapagmalaki dyan at baka mabusog ka nang sinasabi mo. Kilala ko ang mga ganyang galawan. Makikita mo at gagawin din niya sayo kung ano ang ginawa niya kay Curtney!"

"At ikaw!" Dinuro niya ako. I swallowed a lump on my throat. "Ayusin mo ang gulo at kababuyang sinimulan mo. You hear me? Layuan mo si Curt. Nakakadiri kang hayup ka."


She almost spit at me due to disgust. "Layuan mo ang kaibigan ko kung hindi ay ako na mismo ang magsasabi sa kanya ng kagaguhan mo." Huling banta niya sa akin bago siya umalis ng convenience store na iyon.



Hindi ko alam kung nakarating na iyon kay Curt pero nakita kong pagkakataon ang naging pagsasagutan namin sa isang meeting namin sa office. Tuloy-tuloy kong nasabi ang totoo kong nararamdaman dahil sa bugso ng damdamin at pressure sa opisina.

I was pressured by Hannah too to officially end things with Curt at kung hindi ay siya mismo ang magsasabi kay Curt ng mga nangyari sa amin.

I know how big of an asshole I am pero alam ko rin naman na hindi deserve ni Curt ang masaktan pa ng ganon. So I chose the shortest way.

Love or ScamWhere stories live. Discover now