Chapter 15

6 5 0
                                    

"Make sure to check your things before leaving," I reminded them.

Puno ng bagahe ang living room ng bahay at sobrang gulo naman ng mga kasamahan ko. They were busy roaming around the house, checking if there's something they forgot. May hawak pa ngang papel si Vance, listahan ata ng mga dadalhin niya pauwi ng Wintan.

"Right! Kulang ang nabili kong pasalubong! Oh no!" Lily was hysterical. Kanina pa siya paikot-ikot ng sala, kinakausap ang sarili niya. "Maybe I should drop by the downtown later for my pasalubong? Ahh, 'wag nalang! Mom's gonna be okay with these, right? Yeah, she's fine with these."

Napailing ako habang pinapanood siya. Sa kabilang banda naman, nakaupo si Lyndon sa sofa habang kandong ang napakalaking bag. Chinecheck niya ang mga laman no'n. Medyo nakakunot pa ang noo niya sa sobrang pagco-concentrate. Si Vance naman, nakatayo kaharap sa bagahe niya. May pa-check check pa siyang nalalaman sa list niyang sobrang haba. Sa sobrang dami ng mga bag at bagahe sa sala, aakalain mong hindi na sila babalik ng HA. Parang hinakot na lahat ng gamit e.

"Finally, the gorgeous man's done!" Pumalakpak pa si Vance sabay taas ng kamao niya. "Ay, may kulang pa pala!"

"Ano pa bang kulang? Sobrang dami na ng dadalhin niyo."

Tumayo ako at lumapit sa kanya sabay kuha sa checklist niya. My brows immediately furrowed when I saw all are already been checked.

"Wala namang kulang ah."

"Meron!" He eyed me seriously. Lumapit pa siya at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Ikaw. Ikaw ang kulang pretty girl. Sumama ka sa'kin at nang makita mo ang tirahan ng pinakagwapong nilalang sa balat ng Hexen!"

"I'm fine here, thanks," umiling pa ako.

"Hindi ka ba uuwi sa inyo, Hyeri?" Singit ni Lyndon pagkarinig niya sa pinag-usapan namin ni Vance. "Hindi kita nakitang nag-empake."

Umiling ako. "Nope. Next year na lang ako uuwi."

"Sama ka sa'min ni Lyndon, Hyeri! Masaya do'n sa Erda! Mag-eenjoy tayo!"

"No! Sa'kin ka sasama, pretty girl! Mas masaya sa Wintan. Ang fresh ng hangin. Kasing fresh ko!"

Napabuntong-hininga ako. Why is everyone inviteling me to come with them. Do I look like a loner now? Choice ko namang hindi umuwi ah.

"She's coming with me."

Napalingon kaming lahat sa lalaking kabababa lang ng hagdan. Nakasukbit sa balikat niya ang isang strap ng malaking backpack niya habang hawak-hawak sa kamay ang isa pang strap ng isa ring malaking backpack.

Lumapit siya sa'kin pagkababa ng hagdan saka inihagis ang bag na hawak niya. Agad ko naman 'yong sinalo.

"Check your things. Baka may naiwan ka."

I nodded and did what I was told. Hindi ko na pinansin ang pag-aalburoto ni Vance.

"Bakit ka sa kanya sasama? Hoy Frost! Ba't sa'yo sasama si pretty girl?! Pinilit mo siya 'no?"

"I didn't."

I raised my brows at Frost's response. Talaga lang ah? Hindi raw ako pinilit e hindi nga siya nakinig sa desisyon ko at agad na lumabas matapos niya akong ayain. At bumalik pa talaga siyang may dalang malaking backpack para sidlan ko raw ng gamit ko.

Okay! Hindi niya ako pinilit.

Pero mas mabuti na rin 'to kaysa naman tutunganga lang ako sa kwarto. And Wazzar seems a nice place naman.

"Wait!" Sambit ko nang mapansing wala sa bag ang sketch book ko. Agad akong tumayo saka tumakbo paakyat sa hagdan. "I forgot something!"

"Hurry up!"

The Mavens of Hexen Academy Where stories live. Discover now