Chapter 10

3 5 0
                                    

Isang matalim na tingin ang agad kong ipinukol kay Frost. Pababa ako ng hagdan nang makita ko siyang komportableng nakaupo sa sofa habang may subo-subong lollipop sa bibig. Tinaasan niya ako ng kilay nang makita niya akong masama ang tingin sa kanya. He seemed unbothered by my glare. Gagong lalaki.

"What?" He asked.

Inirapan ko siya at hindi pinansin. bago ako pumasok sa kusina para mag-almusal. I took two cup noodles in the cupboard for my breakfast. Wala akong ganang magluto ng agahan ngayon lalo na't may asungot na nakaupo doon sa living room at nagmamasid sa'kin na para bang may gagawin akong masama. Stupid rude guy!

I brushed my teeth after eating and immediately headed out without saying anything. Wala akong planong manatili sa bahay kasama iyong isang iyon.

Busangot ang mukhang pumasok ako sa paaralan. Hindi kasi maalis sa isipan ko ang mga sinabi ng lalaking iyon sa'kin kagabi. Nakakaasar lang!

Pabagsak akong naupo sa upuan ko nang makapasok sa classroom.

"Bad mood, Hyeri?" Nithera asked.

"You have no idea."

I placed my bag on the table and leaned towards it. I was about to lean on my desk when someone tapped my shoulder. I raised my head and scowled when I saw it's Seji. Ano na naman kayang kailangan nito?

"Hi, Eri!" He beamed, not minding my scowl. "Sayang hindi ako makakatabi sa'yo."

"Paki ko naman?" I crossed my arm and sighed exasperatedly. I didn't mean to be rude but i'm just not in the mood today.

"Ang harsh mo ah!" He dramatically gasped pero agad namang nagseryoso. "Anyway, usap tayo mamaya. Mukhang may problema ka e."

Tumango lang ako at umayos ng upo habang pinapanood siyang bumalik sa upuan niya. Hindi siya tumabi sa'kin dahil bawal na daw ang magchange seats. Wala namang kaso sa'kin iyon dahil si Nithera naman ang katabi ko.

Our subject teacher didn't show up because of another meeting so our room was noisy with my classmates doing their own thing. To entertain myself, I took my sketch book out of my bag and started sketching, or should I say doodling. I just let my hand go with the flow.

I was engrossed to sketching that even Nithera chose to stay silent the whole time. She was just reading a book and glancing at my drawing time to time.

"U-uhm... Hyeri, si Frost ba 'yang inisketch mo?"

Napakurap ako at napatitig sa inisketch ko nang biglang nagsalita si Nithera. Namilog ang mga mata ko at agad na napamura nang mapansin ang ginuhit ko.

It wasn't finished yet. Kalahati pa lang ng mukha ang naguguhit ko pero makikilala mo na kung sino ang mukhang naisketch ko. Padabog kong binitawan ang lapis ko at huminga ng malalim. I was so bothered by that guy that I unconsciously sketched his face!

Ipapakulam ko kaya 'to?

Padabog kong sinarado ang sketch book ko at isinauli sa bag saka ako dumukmo sa mesa. Naisipan kong itulog nalang ang inis ko. Sinabihan ko na si Nithera na gisingin ako kapag may papasok na guro.

Ilang minuto rin siguro akong tulog hanggang sa nagising ako sa mahinang pagyugyog sa balikat ko. Inangat ko ang ulo ko sabay kusot ng mga mata ko saka humikab.

"I'm sorry for waking you up, Hyeri." I heard Nithera's voice on my side while I yawned. "Recess time na kasi. Gutom na ako, tara na!"

She grabbed my arm and dragged me but I didn't budge. Nanatili lang akong nakaupo sa pwesto ko habang umiiling.

"Ayokong magrecess. Wala akong gana."

"Sige na, Hyeri! Tara na, please!" She pouted and kept dragging my arm while I keep hitting her hands, trying to loosen her grip. Sinabing wala akong gana e!

The Mavens of Hexen Academy Where stories live. Discover now