Chapter 05

3 5 0
                                    

"My god, Hyeri! Bakit ka gano'n?! Kinakabahan ako sa'yo!" Bulyaw sa'kin ni Nithera matapos niya akong hatakin sa kung saang lugar 'to. Inilagay ko sa bermuda grass ang tray ng pagkain at umupo saka siya nilingon habang kunot ang noo, nagtataka sa pagiging problemado niya.

"Pinapagalitan mo ba ako?" I nonchalantly asked.

Nanatiling nakakunot ang noo ko habang pinapanood siyang sinasapo ang mukha niya na akala mo ay sobrang big deal ng ginawa ko kanina. Para sa'kin, hindi naman big deal iyong ginawa ko. Maybe I got overboard a bit but I don't really care so it's not a big deal for me. Pero kung makahysterical 'to akala mo sobrang laki ng kasalanan ko.

Pasalampak siyang umupo sa tabi ko at kinuha ang slice ng pizza. "Hyeri naman e! Ako ang natatakot sayo." Sabi niya sabay kagat ng pizza.

Tinignan ko siya ng masama. "Talagang matakot ka sa'kin matapos mong kunan ang pagkain ko."

Tamo 'tong babaeng 'to. May gana pang kumuha ng pagkain ng may pagkain. Gutom pa naman ako. Makakatikim 'to sa'kin e.

"Seryoso, Hyeri. Ba't mo ginawa 'yon? Kilala mo ba ang babaeng nakabangga sa'yo-?"

"Hindi," sagot ko.

Sinamaan niya ako ng tingin. I just shrugged and ate my slice of pizza. She doesn't get my humor. Pikon.

"Patapusin mo ako pwede?"

Tumango lang ako, hindi na sumagot dahil puno ang bibig ng pagkain.

"Yung bumangga sa'yo, si Clara 'yon. Member siya ng A-Listers."

Kumunot ang noo ko habang lumulunok. "A-Listers? Ano yan, dance group?" Ang sagwa ng pangalan ah.

But the girl's name reminded me of Carla. Actually, her attitude towards me reminded me of that brat from Fyrr. No wonder agad akong nairita sa babaeng iyon.

Tinaasan ko lang ng kilay si Nithera na siyang ikinabuntong-hininga niya. She really didn't get my humor.

"Hindi. Isa siyang A-Lister. Sila ang pangalawang grupo ng malalakas na flairies dito sa HA. Kinakakatakutan sila. Lalo na 'yong si Clara kasi nga, maldita. At ngayong binangga mo siya, siguradong nasa iyo na ang atensyon niya at ng buong estudyante sa campus. She can make your life miserable."

"As if namang matatakot ako," I shrugged.

Kaya ko ang sarili ko, tutal sanay naman ako sa mga ganyan, though stressful para sa'kin ang ganoon. Binubully na nga ako ni Carla doon sa Fyrr, pati ba naman dito? Pero kung gusto niya ng away, bahala siya.

Wala akong pakialam!

"Ewan ko sa'yo, Hyeri. Kaya mo naman siguro sarili mo diba?" Nag-alalang tanong niya.

"Of course. I'm not weak."

"May isa pa palang problema, Hyeri. Iyong ginawa mong pagsagot at pag-utos nina Lily at Lyndon kanina."

"What about them?" Tanong ko, walang pake.

Wala naman sigurong masama doon. I mean, they're also students here and I know them. Hindi ko naman sila inaway o ano.

Malakas na bumuntong hininga si Nithera.

"Siguradong nasa iyo na talaga ang atensyon ng lahat bukas," aniya saka tumayo. "Tara na. Ito-tour pa kita."

"Teka lang, ano meron kina Lily?" I asked as I got up, too.

"Isauli muna natin 'tong tray sa cafeteria saka kita ito-tour," dinampot niya ang tray saka nagpatiuna na sa paglalakad. Sumunod naman agad ako sa kanya.

Hindi siya sumagot at halos tumakbo na palayo sa'kin. Nagtataka akong sumunod sa kanya. I can tell she's avoiding my question. Nacu-curious tuloy ako kung ano bang meron kina Lily at Lyndon.

The Mavens of Hexen Academy Where stories live. Discover now