Chapter 01

8 5 0
                                    

"Pasensya na Eri pero wala na talagang bakanteng posisyon, e. Sorry!"

Napabuntong-hininga ako saka nanghihinang tumango.

"Okay lang. Sige alis na ako ah, salamat nalang."

Nanlumo akong umalis sa lugar na iyon. Kanina pa ako naghahanap ng trabaho pero wala talagang tumatanggap sa'kin. Muli akong napahinga ng malalim. Nanumbalik na naman ang iritasyong nararamdaman ko kanina pa. Kasalanan 'to ni Carla e. Nakakainis.

Kanina pa ako palipat-lipat ng lugar para maghanap ng trabaho pero wala na talagang tumatanggap sa'kin. Kahit na halatang nangangailangan sila ng aplikante, ayaw parin akong tanggapin.

Huminto ako sa paglalakad saka huminga ulit ng malalim. Pagabi na at hindi pa ako nakahanap ng mapapasukang trabaho. I'm blaming Carla for this but I also acknowledged my mistakes too. Kung hindi ko lang sana siya pinatulan edi sana may trabaho pa ako ngayon. Pinairal ko na naman kasi ang pagiging mainitin ng ulo ko.

Carla was the Mayor's daughter. Kilala siya sa pagiging bratinella niya at ako ang gusto niyang target. She's a frequent costumer of the cafe i'm working just to piss me off, at dahil napuno na ako sa ugali niya, hindi ko napigilang lumaban. I punched her face and burned the lower half of her hair, na sana ay hindi ko ginawa dahil napatalsik ako sa trabaho dahil do'n at ngayon ay wala ng tumatanggap sa akin.

Kung alam ko lang na mapapatalsik ako, sana kinalbo ko na siya para sulit!

I sighed once again and started heading home. Nawalan na ako ng pag-asang makakita ng mapagtatrabahuan. Nalibot ko na kasi ang buong Fyrr kakahanap ng trabaho pero walang tumatanggap sa'kin. Bawal pa naman pumunta sa kabilang distrito para maghanap ng trabaho.

I'm a flairie and I lived in an elemental place called Hexen. Binubuo ang Hexen ng isang Capital na siyang pinapagitnaan ng apat na distrito. These four districts separated every flairies according to their flairs. I lived in the west district called Fyrr because of my fire flair. The north district was called Wintan, kung saan naninirahan ang may mga air-related flairies. Wazzar naman ang tawag sa distritong nasa east at mga water-related flairies ang nakatira doon. The last was the south district called Erda where earth-related flairies live.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpunta sa ibang distrito ayon sa hari. For what reason? I don't know and I don't seem to care. One thing I know is i'm stuck in this district with nothing to eat. Nawalan pa talaga ako ng trabaho. Maghihirap na naman ako nito.

"Nandito ka lang pala, miss Eri. Sakto hindi na kami maghahanap sa'yo."

Napahinto ako sa paglalakad at kunot ang noong bumaling sa mga lalaking humarang sa'kin. I sighed and controlled my rising irritation. Ang malas ko ata ngayong araw para maranasan 'to.

"Padaanin niyo 'ko." Sinubukan kong lagpasan sila pero hinarahangan ako noong isang lalaki.

"Whoops! 'Wag ka munang umuwi, miss Eri. Magsasaya pa tayo."

I raised my eyebrow as a stared at the ogre talking. No offense but he really looked like an ogre. They all do.

Huminga ako ng malalim saka matalim silang tinitignan. I'm getting more irritated now.

"Anong kailangan niyo?"

"Gusto naming sumama ka sa amin."

"Fuck off," ani ko sa malamig na boses.

"Aba! Ang tapang nito ah! Akin siya mga pre. Hahaha!!"

Walang emosyong pinanood ko ang lalaking nagsalita. Kung makatawa 'to, ang lakas e bungi naman.

"Langya pre. Dadalhin pa natin 'yan kay boss. Hahaha."

"Pwede naman tayong mag-enjoy muna bago siya dalhin kay boss diba? Sayang rin e, maganda pa naman."

The Mavens of Hexen Academy Where stories live. Discover now