Chapter 03

3 5 0
                                    

"Are we there yet?" I asked for the nth time.

Pagabi na at kanina pa kami naglalakad sa gitna ng gubat. Naiinis na ako. I'm starting to think that coming with them was a bad idea. Sa tingin ko kasi ay hindi dito ang daan papuntang Capital. Nasa gubat naman kasi kami e may sementadong kalsada naman. We even walked for hours! Wala bang dalang kotse ang mga flairies na 'to? I thought they're rich!

"Hey guys, are you sure we're not lost?" Tanong ko sa kanila.

Kanina pa kasi kami naglalakad at nagsisimula na akong mapagod. Ginugutom pa ako dahil wala naman na akong madalang pagkain kasi naubos na kanina pa. Ang tanging laman nalang ng shoulder bag ko ay ang picture frame na may lamang picture namin ni Nana, isang sketch book at ang flairen kong foldable sword.

Tumigil si Lily sa paglalakad at bumaling sa'kin ng nakangiti.

"Hindi tayo naliligaw, Hyeri. Sadyang matagal lang tayong makakarating sa Capital kasi naglalakad tayo-"

"Sino ba kasing maysabi na maglalakad tayo?!" I snapped. Nagsisimula na kasi akong mainis! At isama pang gutom ako. That two was never a good combination for me. Mas lalo akong nagiging mainipin!

"Relax lang, Hyeri. Makakarating din tayo do'n bago pa maggabi. Inom ka muna ng tubig oh."

Lumapit sa'kin si Lyndon at binigyan ako ng isang bottled water. Ininom ko iyon at inubos, pilit na pinapakalma ang sarili ko.

Huminga ako ng malalim at inayos ang pagkakasukbit ng shoulder bag ko sa balikat ko. Konti lang ang laman ng bag ko kaya magaan lang. Wala naman kasi akong mahahalagang bagay na dapat dalhin at libre din naman daw ang mga pagkain doon sa bago kong pagtitirhan. May mga nakahandang damit na rin daw na para sa'kin doon kaya wala ng problema.

"Kaya mo pa ba, pretty girl? Pwede muna tayong tumigil para magpahinga kung hindi mo na kaya," sabi ni Vance saka ako inakbayan. Tinanggal ko naman ang pagkakaakbay niya at sinamaan siya ng tingin. Kanina pa siya ganyan. Napakatouchy na lalaki. Nakakainis.

At mga feeling close rin kahit ngayon ko lang sila nakilala.

"Oo nga, Hyeri. Magpapahinga muna tayo do'n sa may puno, dali!"

Nagmadaling tumakbo si Lily palapit sa ilalim ng malaking puno ng acacia. Agad naman kaming sumunod sa kanya para makapagpahinga saglit.

"Buti naisipan n'yo pang magpahinga. Akala ko buong araw tayong maglalakad e." I tsked and sat on the big stone near the tree.

Hinalungkat ko ang dalang bag ni Lyndon na nasa gilid ko lang para maghanap ng makakain. Gutom na talaga kasi ako!

Napataas ako ng kilay nang makita ang mga tinapay at bottled water sa loob. May mga pagkain naman pala ang mga 'to, nag-abala pa akong maghanda sa kanila na siyang ikinaubos ng grocery ko kanina.

Kumuha ako ng tinapay saka binalingan si Lyndon na nakaupo hindi kalayuan sa'kin.

"Hey Lyndon. I'll gonna eat this bread!" Saad ko at nilantakan ang tinapay kahit hindi pa siya umoo.

"Sige lang, Hyeri. Kain ka lang para hindi ka magutom," sagot niya.

Inangat ko ang hawak na tinapay bilang pag-aya sa kanilang kumain rin. Isa-isa silang lumapit at kumuha ng tinapay saka iyon kinain.

We started walking again right after we ate. Paminsan-minsan ay napapahinga pa ako ng malalim dahil sa bagot. Pinanood ko lang ang ginawang pagtakbo ni Lily na may kasama pang pagtatalon. Sinusundan naman siya ni Lyndon habang pinagsasabihan itong tumigil sa kakatalon.

Ngumiwi ako sa pinapanood bago binuksan ang hawak na bottled water para makainom ng tubig. Napatigil ako sa pag-inom nang maramdaman ko ang pag-akbay ni Vance sa'kin. I stopped drinking and glared at him.

The Mavens of Hexen Academy Where stories live. Discover now