Chapter 13

4 5 0
                                    

"17... 18... 19... Don't stop!"

Sinamaan ko ng tingin ang walanghiyang si Frost habang nagpupush up ako.

Nandito kami ngayon sa training room. Umaga pa lang pero pawisan na ako dahil sa mga pinapagawa niya. He just made me run 20 laps around the open field, do jumping jacks for 10minutes and push-ups 50 times!

Isang linggo na akong pinapahirapan ni Frost. Ewan ko nga kung talagang parte 'to ng training o pinagtitripan lang ako ng halimaw. Tama nga siya, I did regret what I did before. Simula kasi ng mangyari 'yon ay pinapahirapan na niya ako ng husto. Tinotoo niya ang sinabi niyang hellish training dahil ramdam ko talagang parang nasa impyerno ako at syempre, sino pa ba ang demonyo? Edi walang iba kundi siya! Frost Jackson is the demon! Wala siyang awa!

Ang nakakainis pa, kapag tumitigil ako ay nagagalit siya. And his favorite line?...

"Don't stop! Kasalanan mo 'yan! Kung hindi ka naman kasi sumuway sa'kin at lumandi, hindi ka maghihirap. Now, continue! Don't stop or else you will suffer more!"

Sinamaan ko siya ng tingin at pinagpatuloy ang pagpush up ko.

Iyan. Iyan lang naman ang famous line n'ya. 'Di na 'ko magtataka na binanggit niya iyon ngayon-ngayon lang.

Hindi na ako nagsalita at tinapos nalang ang pagpush up ko. Napahiga ako sa sahig nang marinig ko siyang nagsabi ng fifty. Atlast! Tapos na!

"Stand up. You still need to do planks for 5 minutes!"

"Pinagtitripan mo na ako ha!"

Feel na feel kong pinagtitripan na niya ako. Ano ba kasing kinalaman ng plank sa training ko? At 5 minutes pa ah!

"Just do it or i'll make it 10."

I groaned. "Fine!"

Nagplank na ako. Nangangawit na ako sa posisyon ko pero tiniis ko nalang para matapos na. Hell, i'm exhausted AND hungry! Mag-aalas onse na kaya at oo tumitingin ako sa oras. Ayoko ng maulit 'yong last time na nakalimutan namin 'yong oras.

Nagtraining kaming dalawa no'n hanggang alas dos ng tanghali nang walang kain. Ayun pagkarating ko sa bahay sobrang dami kong kinain. Parang akong batang palaboy na hindi nakakain ng ilang buwan. Gano'n ako kagutom. At ayaw ko ng maulit 'yon kaya simula no'n, lagi na akong tumitingin sa oras.

"Okay, times up! Let's eat lunch."

I immediately got up. Finally!

Agad akong nagpalit ng damit saka tumakbo palabas ng training room. Nilagpasan ko si Frost na naghintay sa'kin sa labas. Nagpatuloy ako sa pagtakbo patungong cafeteria. Agad akong pumila at nag-order. Marami ang inorder ko dahil gutom na talaga ako. Nagsimula akong kumain, hindi na hinintay si Frost.

"You didn't wait for me!"

Padabog niyang nilagay sa lamesa ang order niya saka umupo katapat ko. Nilingon ko lang siya at nagpatuloy sa pagkain. He just tsked and started eating.

Wala kaming imik habang kumakain. I didn't mind the stares if the students around us. Sanay na ako roon. All I think right now is to eat because I know later will be another hellish training.

At tama nga ako. Matapos kaming kumain ay pinagpahinga lang ako ni Frost ng isang oras saka kami bumalik sa pagtetraining.

This time, hand to hand combat ang itinuro niya which is on my advantage. I'm a fire flairie. Flairen lang ang gamit namin kaya kasama sa lesson namin no'n ang hand to hand combat. Only Nana Linda and Seji knew about my real flairs kaya nagparticipate parin ako sa training doon sa Fyrr.

I smirked at Frost when we started. But my smirk gradually faded as the time went by, and that is because I can't beat him. I didn't know he's skilled at this!

The Mavens of Hexen Academy Where stories live. Discover now