Chapter 14

6 5 0
                                    

"Why didn't you fight?! You almost got killed!"

I stared at Frost who's ranting in front of me. Pinapagalitan na naman niya ako. Kanina pa niya ako pinapagalitan.

I wanted to talk back pero hindi ako makasingit dahil tuloy-tuloy ang pagsasalita niya. And I also can't seem to find my voice. Hindi kasi mawawala sa isipan ko ang sinabi ng babae kanina.

Tinitigan ko nalang si Frost na nagdadaldal sa harapan ko.

"What are you staring at?! Akala mo palalampasin ko ang ginawa mo?! I know you lack at training and that Shaitan was stronger than you, cause she's a Senior, but why didn't you fight back?!"

He exaggeratedly sighed when I still didn't talk. "I'm done here. Ang tigas ng ulo mo. Wala kang kwentang kausap."

I made face as I watched him turned his back on me and walked out of the clinic. Hinayaan ko lang siya. Hindi pa rin kasi matanggal sa isip ko iyong nangyari kanina.

Ang pagkakatulala ko habang tinitignan ang babae. Her face brought back memories. Tragic memories that I don't want to remember anymore.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na natulala hanggang sa namalayan ko nalang na hawak na niya ang leeg ko at pilit akong inaangat mula sa lupa.

I gasped for air as I tried to remove her grip from my neck. Hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala siya sa'kin. Was I that occupied?

"Is this what you've got? Your weak."

I tried to kick her but she didn't budge. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakasakal niya sa'kin. Nahihirapan na akong makahinga. Bumibigat na ang talukap ng mga mata ko.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang bigla nalang akong bumagsak sa lupa kasabay ng pagsigaw ng babae.

That's when Frost arrived. He fighted the Shaitan. Hindi ko sila maaninag dahil malabo pa ang mga mata ko.

Narinig ko ang sigaw ni Frost at may biglang bumulong sa'kin. "I know who you are. Magpalakas ka, hinihintay ka na ng hari." Then she touched something on my nape that made me lose my consciousness.

Nagising ako na nasa loob na ng clinic habang si Frost ay nagsimula ng pagalitan ako. Nalaman kong nakatakas ang Shaitan Senior na nakaharap ko kasama ang isa pang Senior ag naubos daw ang lahat ng Feebles.

I heaved a sigh and stood up from the bed and faced the nurse on her desk. "Alis na po ako, salamat sa paggamot."

"Walang anuman, iha. Basta mag-iingat ka para hindi ka maging suki nitong clinic." She chuckled.

"Hindi ko po masisiguro 'yan. Sige po, alis na po ako." Saka ako lumabas at naglakad paalis sa clinic.

Iniisip ko ang sinabi ng babae hanggang sa makarating ako sa bahay at nakapagligo. Okupado ang isip ko hanggang sa nagbihis na ako.

Nagtataka ako sa sinabi niya. Magpalakas daw ako dahil naghihintay sa'kin ang hari? For all I know, ang hari ng mga Shaitan ang pinapahiwatig niya.

At ano daw? Kilala niya ako? Nakita niya ako noon kahit nagtatago ako?

Napabuntong hininga ako saka kinuha ang bag ko at nilabas ang sketch book ko. Isang taon na rin pala. Isang taon na mula ng mawala sa'kin si Nana Linda.

Galing akong paaralan no'n at nagmadaling umuwi para makatulong kay Nana Linda. Nang malapit na ako sa bahay ay nakarinig ako ng ingay kaya nagmadali ako. Pero bago pa ako makapasok sa loob ng bahay ay narinig ko ang sigaw ni Nana.

"Hinding hindi ko siya ibibigay sa inyo! Hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko!"

Lumipat ako sa bintana para makita ko ang nangyari sa loob. Nakita ko si Nana na naliligo sa sarili niyang dugo kaharap ang isang babaeng may hawak na espada.

The Mavens of Hexen Academy Where stories live. Discover now