Chapter 02

5 5 0
                                    

Pinakiramdaman ko ang malamig na hangin na humahaplos sa katawan ko habang nakaupo sa tuktok ng isang burol. Nakatitig lang ako sa magandang tanawin sa ibaba ng burol nang may humawak sa mukha ko at hinarap ako patagilid.

I stared at the pair of gray orbs who's also staring intently at me. Nagtataka ko siyang tinitigan pabalik nang bigla siyang ngumiti.

"You have a mole, Ri-ri!"

Kinapa ko ang mukha ko at pilit na hinahanap ang nunal na sinasabi niya.

"Where?"

Lumapit siya sa'kin saka tinuro ang sinasabi niyang nunal ko. Dumapo ang daliri niya sa kaliwang pisngi ko, just below my left eye.

"Here. It's so tin it looked like a dot."

Kinapa ko naman ang sinasabi niyang nunal. Mayroon pala ako nito? Ba't hindi ko napansin? Nilingon ko siya ng may pagtataka sa mukha.

"How did you notice it?"

He chuckled. "It's because I always look in your eyes. Nasa ibaba lang kasi ng mata mo ang nunal kaya ko napansin. I like it, Ri-ri. It suits you."

Tumingin ako sa kanya. Ngumiti siya kaya napangiti rin ako.

"Nga pala, why did you ran away from me earlier, Ri-ri?" Nakapuot niyang sabi.

Napalitan ng pagtataka ang ngiti ko. "Huh? Kailan?"

"Just this morning. I saw you na naglalakad sa garden niyo kaya tinawag kita. You just looked at me then tumakbo ka papasok. You didn't even say hi," nakasimangot niyang sabi sa'kin na ipinagtaka ko lalo. Hindi naman kasi ako nagtagal sa labas kanina.

"What did I wear when you saw me?"

"You're wearing a yellow dress and your hair is braided."

Mas lalo akong nagtaka. I got dazed for a second bago ko narealize ang tinutukoy niya. I tried to smile at him, feeling sorry.

"Ang dirty ko kasi kanina dahil tumulong ako sa pagdilig. Ayokong harapin ka kasi dirty ako. Sorry na!"

He just touch my hair and pouted but he smiled after. "It's okay. Basta bukas ah, we will be here to attend your fifth birthday. Wag mo na akong takbuhan, ah! At may gift ako sayo."

I smiled and nodded. "I promise."

He extended his pinky finger at me. "Pinky promise?"

"Pinky promise!"

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang tunog ng kulog na sinamahan pa ng kidlat. Sobrang lakas ng ulan sa labas. Mag-uumaga na rin pala.

Umayos ako ng upo at napatulala. That boy in my dream. I've been dreaming about him for a while now. Who is he? Ipinilig ko ang ulo ko. Wala namang silbi kung alalahanin ko pa ang panaginip ko. I know that it's baseless. It's just a dream, a product of my subconscious mind.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang bukas ang bintana ng kwarto ko. Pumapasok ang malakas na hangin at naaambunan pa ang lamesang nakalagay sa harap ng bintana. Nagmadali akong tumayo para isara iyon. I sighed as I stared at the wet table. Kinuha ko ang sling bag na nakalagay doon at napahinga ng maluwag nang makitang hindi nabasa ang sketch book na nasa loob no'n.

Lumabas na ako ng kwarto para makapaghanda ng agahan ko. I tsked when I noticed that my cupboards were almost empty, which reminded me of my lost job. Kailangan ko na palang makahanap ng panibagong trabaho ngayong araw kundi ay wala na akong makain. It took me few minutes to cook my breakfast. Humihina na ang ulan nang mag-agahan ako hanggang sa ito'y tumila na.

I was currently washing my dishes when I heard a knock on my door, which made me raise my brows. I didn't expect someone today. Wala naman na kasi akong kaibigan. Given that my childhood friend already left me on my own a year ago, my house was also placed on top of the hill, isolating myself.

The Mavens of Hexen Academy Where stories live. Discover now