“Gano'n mo ba talaga kagustong mamatay?”

“Oo,” kaagad kong sagot sa kaniya. Nakikitaan ng gulat sa kaniyang mga mata. “Gustong-gusto ko nang mamatay... Gustong-gusto ko nang maglaho, Zenric. P'wede mo bang pagbigyan ang hiling ko?”

“Rora!”

“Please kill me, Zenric. I don't wanna live my life anymore...”

“No! You can't die! You will never be! I won't let you to die! You can't be! No, I won't let you, Rora. Kahit gaano mo man kagusto... Ayoko...” he seriously said, while shaking his head. “Ngayon lang ulit kita nakasama tapos iyan pa ang hihilingin mo sa akin? Masyado kang makasarili! Hindi mo iniisip ang mga taong nakapaligid sa iyo! Ang mga taong nagmamahal sa 'yo!”

“Kaya nga gusto ko nang mamatay, 'di ba? Para wala na kayong iintindihin! Para hindi na kayo mag-alala sa 'kin! Alam kong nahihirapan na kayo!”

“Damn it, Rora! Yes, it's hard pero masisisi mo ba kami kung gusto ka namin makaahon?! We're damn here, Rora! Supporting you, loving you, and taking care of you! Kulang pa ba iyon para mabago ang isip mong mawala sa mundong ito?!”

Natutop ko ang aking bibig. Umiling ako ng umiling. Naging sunod-sunod naman ang pagpatak ng mga luha ko.

“H-Hindi mo kasi naiintindihan ang nararamdaman ko, Z-Zenric... I'm dying inside... I'm tired. P-Paulit-ulit na lang na ganito, iyong nangyayari sa akin... Biglang may ituturok sa 'kin na pampatulog tapos magigising na lang ako sa kung saang lugar. P-Pagod na pagod na ako! Hindi ko na kaya! Bibigay na ang katawan ko, lalo na ang utak ko...”

Bakit kasi gano'n? Bakit ganito? Bakit ako lagi ang malas? Bakit ako lagi ang nadedehado? Bakit ako ang may pinakamalas na buhay? Bakit ang unfair pagdating sa akin?

Nagtagal ng ilang minuto, hindi pa rin kumikibo si Zenric at mukhang tuluyang natulala na. Kaya naman naisip ko nang talikuran siya.

“Did something happen? Wanna go outside to engrieve fresh air?” Ohne spoke when he saw me walking towards on him. I didn't answer, I just hugged him. Naroon ang pagpitlag niya ngunit hinayaan na lamang ako at marahang hinaplos ang likod ng aking ulo.

Minsan ang kailangan lang natin ay yakap. Walang salita. Walang payo. Kundi isang mahigpit na yakap lang.



_




“Gaano mo kilala ang pamilyang kinabibilangan ko, Ohne? Paano mo nakilala si Zenric?”

“Your cousins mother is my dad's mistress.”

“W-What? Anong kabit ng tatay mo?”

He sighed. “I don't want to talk about it but you have to know everything. Hindi dapat ako nagsasabi nito pero mukhang walang lakas na loob ang kakambal mo.”

“P-Paanong nangyari iyon? Si Tita Hana may affair sa tatay mo? Totoo ba 'yon?”

“They're have been together for almost five years now. Hindi ko alam kung saan sila nagkakilala... It hurts, ako pa mismong nakakita ng kabalbalan nilang ginagawa. Dad was cheating on my mother. It was ridiculous, woman. My mother didn't ever get mad at him even once. Ang ginawa lang ni Mommy kundi ang umalis ng Germany kasama kami ni Karla. Si Dad? Iyon… Happy living with Tita Hana,” kaswal lang iyong pinapahayag ni Ohne pero ang mababasa ang lungkot sa kaniyang mga mata. “Paano ko naging matalik na kaibigan si Zenric? Magkaklase kami simula mag-grade one hanggang grade eight. Your brother is a great football player, siya ang naging dahilan kung bakit naging player din ako ng footballl. He's a good man, generous, polite, and intelligent. Nung mga panahong naglalaro ako sa Germany, hindi ko pa alam na may iba na si Daddy. Si Tita Hana, madalas kong nakikita dahil siya ang guardian ni Zenric. Ang akala ko nung una siya ang parent ni Zenric.”

MADNESS IN LIFEWhere stories live. Discover now