Humalakhak pa siya lalo kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Lumalakas pa ang tawa nang makitang asar na asar ako.

I really missed his laughs and smiles. Na-miss ko ang pagtawa niya ng gano’n kalakas na parang wala ng bukas na darating… Ang mukha ngayon ni Gabrielle ay maaliwalas, hudyat na wala itong iniintinding problema.

Maaari ba akong manatili sa lugar na ito? At hindi na muling magising sa panaginip na ito.

Napaawang ang bibig ko nang mapansing parang lumalabo sa paningin ko si Gabrielle. Dumilat-dilat ako, napahawak na ako sa aking ulo sa kadahilang bigla itong kumirot.

“G-Gabrielle…” tinawag ko siya na siyang ikinatigil niya sa pagtawa. “H-Hindi kita makita nang maayos, Gab! A-Anong nangyayari?! Bakit lumalabo ka sa paningin ko?”

“Sane…”

Batay sa tono niya, alam ko na ang pinararating niya!

“G-Gabrielle, ayoko!” agaran akong umiling nang umiling bilang hindi pagsang-ayon. “Please… Please… Please! Let me stay here! I want to be with you!”

“It’s not your time yet… See you when I see you, Sane…”

“H-Hindi! Ayoko na, Gabrielle! Dito na lang ako, Gabrielle! Pagod na akong makipaglaban sa sakit at puot—”

“They are waiting for you there. Higit na masasaktan sila kapag iniwan mo sila ng tuluyan. Marami ang lumalaban para sa ‘yo, Sane. Huwag kang sumuko, please? Malapit ka nang matapos, malapit ka na sa wakas na siyang karapat-dapat para sa iyo, bakit ngayon ka pa susuko?”

“Mas gusto kitang kasama, Gabrielle! Ayokong iwan kita rito! Ayoko na sa kanila!”

He just smiled genuinely at me. “This is not the right time for us to be together, Sane. Someday you will understand why we need to be separate.”

“Don’t do this to me, Gabrielle Rey!” pagmamakaawa ko. Luluhod na sana ako sa kaniyang harapan nang maagap niya akong pinigilan. Sa halip, muli akong napayakap sa kaniya at humagulgol nang humagulgol sa kaniyang dibdib.

“You have everything you need, Sane…”

“Ikaw… Ikaw ang kailangan ko…”

“Hindi pa ito ang oras. Marami ka pang dapat na ipaglaban sa buhay. Gusto kong tuparin mo ang lahat ng mga pangarap na sinimulan natin. Gusto kong mamuhay ka ng payapa na siyang lagi mong hinihiling sa Maykapal,” batid kong lumuluha na siya ngayon dahil sa pag-uga ng kaniyang balikat. “Magkita tayong muli sa tamang oras at panahon, Sane. Mahal kita…”

Iyon na ang huli niyang pahayag matapos kong matagpuan ang aking sariling nakaratay sa isang putting kama. Pumihit ako ng malalim na paghinga.

Narito na akong muli sa realidad na puno nang kasakitang unting-unting pumapatay sa akin.

Isa-isa kong pinagtatanggal ang mga aparatong nakakabit sa katawan ko at bumaba ng kama. Hindi pa ako gano’n kalakas para makatayo ng diretso. Kinailangan ko pang kumuha ng suporta sa pader para makatindig ng maayos. Hinang-hina akong tinutungo ang banyo. Nasa punto na akong pipihitin ang pinto ng banyo nang bigla itong bumukas.

Napaawang ang kaniyang bibig sa gulat, ilang beses pa siyang kumurap-kurap. Parang siyang nakakita ng multo.

“W-Woman…”

“T-Tapos ka na m-magbanyo?” doon ko lang narinig ang aking tinig. Halos mawalan na pala ako ng boses. “N-Naji-jingle na ‘ko, O-Ohne…”

“Gising ka na…”

“H-Hindi ba.. halata?”

“Woman.”

“P-Paraanin mo ako at ihing-ihi na ako…”

MADNESS IN LIFEWhere stories live. Discover now