"Oo, bakit kuya, may problema ba?"

Umiling si Lucifer. Nagtaka naman si Elijah akala kasi niya pagsasabihan siya ng kuya niya.


"I'm proud of you. You can do it, your as strong as I am. I believe in you."

Napangiti naman siya dahil dun. Akala talaga kasi niya pagsasabihan din siya ng kuya niya gaya ni Life. Ang diyosa ng mga baliw na yun, talagang walang tiwala sa kaniya. Lagi nalang siya nitong kinokontra.

" Salamat, kuya."

Ngumiti lang ang kuya niya. Aalis na sana siya ng tawagin na naman siya nito. Ewan ba niya, kinabahan siya bugla ng tawagin siya nito.


Nakangisi ang kuya niya at matalim ang tingin na ibinibigay sa kaniya. Kahit hindi na nito sabihin, parang alam na niya kung ano ang sasabihin nito. Tahimik na nagdasal siya, sana mali ang hinala niya. Pero sino ba ang piangloloko niya maliban sa sarili niya



"You have 1 day, only 1 day. Kapag hindi mo nadala at naipakilala sa akin ang walang hiyang naglakas loob na ligawan ka ng wala ang permiso ko, ako mismo ang dadalaw sa kaniya."


Gusto ng maiyak ni Elijah. Lalo na sa huling sinabi ng kuya niya. Hindi nama kasi ito dadalaw. Ang espada nito ang siyang dadalaw sa papi jiya at pa patay dito. May sarili buhay ang espada ng kuya niya. Kaya nitong patayin ang sino mang gustong ipapatay ng kuya niya sa isang iglap lang, kahit pa wala ang kuya niya para kontrolin ito. Nagagawa niya din itong tawagin anong oras niya man gawin, ngunit sa ngayon, hindi niya ito magagawa dahil nadin sa kakagising niya lang at mahina oa ang katawan niya.

"Kuya? Pwedeng mag pass? Hehehe, sige na. Sa susunod na lang. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Paano oag tinanong niya ako kung sino ka? Ano ang isasagot ko?"


Matamis siyang nginitian ng kuya niya. Sana nga hindi nalang siya nito nginitian e. Mas gugustuin pa niya na walang emosyon siya nitong tinitingnan. Mas nakakatakot kaya ang kuya niya kapag nakangiti.



"Bring him here or I'll visit him by myself. Mamili ka."


Nakangusong tiningnan ni Elijah ang kuya niya. "Sabi ko nga e."

Marahas na isinara niya ang pinto. Nakakainis ang kuya niya.


"HUHUHU!! PAPI, ASAN KA? KAILANGAN KITA! MAMAMATAY NA AKO! HUHUHU!"

___

"PAPI, ano ba. Bilisan mo namang maglakad. Dali!!"


Nagmamadali si Elijah. Kasi naman, napagod siya sa pamimilit sa papi niya na samahan siya. Tinanong kasi siya nito kung saan sila pupunta e hindi niya masabi kung saan. Kaya hayun, ayaw pa lumakad.

Sa huli napilit padin naman niya. Nagtamputampuhan ang bruha. Effective naman ang pagdadrama niya dahil napapayag niya ang papi niya.



"Sandali lang naman. Tsk. Ano ba kasi ginagawa natin dito sa hospital."


Hindi naman patanong ang tono ng papi niya sa huling mga salitang binigkas nito. Nag cross arms si Elijah. Kasi naman, tiyak na naiinip na kakaintay sa kanila ang kuya niya. Mapapagalitan na naman siya nito. Hayst, kasi naman ang papi niya e. Pagkabagal bagal mag lakad. Nakakainis.

"Papi naman kasi, pakibilisan naman maglakad. Dali na. Makisama ka naman. Ngayon lang 'to promise."


Halos maiyak na siya. Kasi naman, nang dumako ang tingin niya sa ikaapat na palapag ng hospital, nakita niyang nakabukas ang bintana ng inaakupang silid ng kuya niya. Masama ang tingin nito sa kaniya at sa papi niyang hindi man lang pinansin ang may ari ng matang nakatingin sa kaniya kahit pa ramdam naman niya ang nga tingin nito.



Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterOn viuen les histories. Descobreix ara