Chapter 33

1.2K 46 11
                                    

CHAPTER 33


NANGHIHINANG bumangon si Elijah sa kanilang kama. Hanggang ngayon masama padin ang pakiramdam niya. Ikaw kaya ang kumain ng pagkaing 99 percent asin. Tingnan natin kung hindi sumama pakiramdam mo.


Wala dito ang papi niya. Maagang umalis para magtrabaho. Siya naman ay naiwan dito. Bago ito umalis narinig pa niya ang ibinulong nito sa kaniya. Nagtulog tulugan kasi siya, sigurado naman siya na alam nito na gising siya. Yun pa ba?





"Pag uwi ko at wala ka dito, asahan mong kakain ka ulit ng niluto ko. Hmm?"




Habang nakapikit napalunok nalang ang dalaga ng dahil sa narinig. Nang makaalis ang papi niya saka lang siya nakahinga ng maluwag.




Napailing iling nalang si Elijah ng maalala na naman niya ang sinabi nito. Grabi, wala talagang patawad ang papi niya. Tumayo nalang siya saka nanghihinang tinungo ag banyo. Napahawak pa nga siya sa pader para lang kumuha ng lakas duon para marating ang banyo ng hindi natutumba.



Nang marating ang banyo, nag toothbrush siya saka naligo. Matapos maligo nag apply ng lotion at kung ano ano pang abubot sa katawan. Pumasok din siya sa walk in closet at pumili ng susuotin niya.



Kumuha lang siya ng ripped jeans at over size black t-shirt. Pinaresan niya ng converse shoes. Kasuotan kung saan komportable siya.




Matapos niyon ay naghanda siya ng makakain saka tinungo ang garahe at minaniobra ang isa sa kotse ng papi niya.



Tinungo niya ang lugar kung saan makikita ang dalawang magkasintahan. Yohann and Lianna.


Suot ang isang baseball cap at isang black mask, pinasok niya ang building. Bago siya makaderetso sa opisina ng magkasintahan. Hinarangan siya ng sekretarya ni Yohann.



"Miss, saan po ang punta mo?"



"Sa impyerno, sama ka?" gusto niya sanang sabihin yan kaso wag nalang. Nag bago na isip niya. Mabait siya for today. For the mabait ang ferson.


"CEO"


Napalunok ang sekretarya ng CEO dahil sa lamig ng boses niya. Kahit siya nga ay medyo magulat din. Hindi naman niya akalain naganun kalamig ang boses niya. Hayst, gusto tuloy niyang tampalin ang sarili niyang noo. Mukhang natakot pa ang sekretarya ni Yohann ng dahil sa kaniya.



Ilag kasi ang tingin nito sa kaniya. Pansin din niya ang panginginig ng mga kamay nito. Nang mapansin niya na nakatitig si Elijah sa nga kamay niyang nanginginig, kaagad niya itong itinago sa likod niya saka utal na kinausap siya.



"If you're g..going to meet the CEO, you must have an appointment. Sorry to say this but you have none so please leave the building before I call the guard to escort you out."




Napahinga ng malalim ang dalaga. Napahakbang paatras ang sekretarya dahil sa pag aakalang may bubunutin siyang baril sa likod niya. Hindi na tuloy napigilan ni Elijah na mapailing iling. Ganun ba siya kasama? Para isipin nito ma bubunot siya ng patalim o baril sa likod niya?



Kinapa kapa niya ang bulsa sa likod ng ripped jeans na suot niya. Nang makapa ang hinahanap, kinuha niya mula sa right pocket na nasa likod ng suot niyang ripped jeans ang isang golden card na pinamimigay ng CEO ng Mc'Green corporation sa mga piling magong maaaring maglabas masok sa kompanya ng walang appointment appointment.





Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon