Chapter 3

4.5K 159 13
                                    

CHAPTER 3

SPREAD LIKE WILDFIRE, MISUNDERSTOOD(MS. MURFEY) MISJUDGED(QUEEN), SMALL FIGHT, HANDSOME DUDE, COLDY? COLDY WHAT!!????

Cutie_pie_the_series:THAT'S Queen of KdC right? Oh my god! I knew it, she really is a b*tch.

Earthmix: Yvck, having an affair to a married guy? That's eww.. Ayoko nalang mag talk.

OffGun: And she have the guts to act all high mighty in KdC, when she had this dirty affair with a married politician.

OhmNanon: Lizzere Murfey too, look at that disgusting nude photo of her with the boyfriend of her sister. Yvck, she obviously having s*x with her sisters boyfriend.

Bl_loves: Shameless, b*tches, and sl*t.

I_love_Gun: Aurghhh, I don't wanna see them in person, I hopr not to cross my path with them. They are so ewwww.

Maraming negatibong komento ang patuloy na ibinabato ng mga nag-ko-comment sa comment section ng post ng isang anonymous person. Mula gabi ng inilabas ang mga larawan hanggang sa umabot na ng umaga buhay na buhay padin ang comment section, iba't ibang klase ng masasamang komento galing sa iba't ibang mago na natatagpuan sa apat na bahagi na bumubuo ng Sentro.

Samantalang ang pasimuno ay sarap na sarap sa kaniyang pagtulog, ang dalawang babae naman na nasa litrato ay iyak ng iyak, nagbabasag, napapasabunot sa kanilang buhok at maya maya ay tatawa na para bang nababaliw na.

LIZZERE MURFEY, hindi niya sukat akalain na lalabas ang litratong yun. Sigurado siyang wala siyang pinagsabihan ng sekreto niya, wala ding ibang may nakakagalaw sa cellphone niya maliban sa kaniya kaya hindi niya alam kung paano kumalat ang litdato niyang hubad kasama ang boyfriend ng ate niya.

Nasa kuwarto lang niya siya. Iyak ng iyak habang nag dadasal na sana hindi malaman ng ate niya at hindi makita ng ate niya ang mga litrato njyang kumakalat sa social media kasama ang boyfriend nito. Nagsisisi na siya. Sana pala hindi na niya inakit ang kasintahan ng kaniyang ate. Naiinis kase siya dito, siya ang unang nakakita sa binata pero inagaw ito ng ate niya. Hindi naman talaga inagaw, hindi naman kasalanan ng ate niya na siya ang niligawan at siya ang minahal. Mahal? Hindi din siguro, kase kung mahal mo, bakit ka magloloko? Ang malala pa dun, sa kapatid pa ng kasintahan mo.

"YOU B*TCH, GANIYAN KA NA BA KAKATI AT SA BOYFRIEND KO PA!? HAH! NAGING MABUTI AKONG ATE SAYO, TAPOS ITO ANG IGAGANTI MO? MAY KAHIHIYAN KA PA BANG NATITIRA DIYAN SA KATAWAN MO? O BAKA NAMAN NAUBOS NA DAHIL SA KALANDIAN MO!"

Umiiyak na napahawak nalang si Lizzete sa kaniyang kanang pisngi na sinampal ng kaniyang ate. Pulang pula ito at bakas ag marka ng palad ng ate niya, ikaw ba naman ang sampalin ng pagka lakas lakas. Umiiyak na tinitigan ni Lizzete ang kaniyang ama at ina. Humihingi ng dispensa sa pagkakamaling kaniyang ginawa. Dismayado ang kaniyang ama samantalang ang kaniyang ina naman ay umiiyak na umiiling iling.

"Liz, binigay namin lahat ng gusto mo. Gusto mo ng ganito, ganiyan, walang pag aatubili naming binibigay. Bakit? Bakit, Liz? Bakit mo kame inilagay sa sitwasyon na ikakahiya namin. Hindi lang namin kundi ng buong angkan natin."

Umiiyak ang kaniyang ina, mas lalong napalakas ang hagulhol niya. Ngayon lang niya naintindihan ang lahat. Ngayon lang, pero huli na. Kalat na kalat na sa buong Sentral ang ginawa niya, ang kahihiyan niya. Paano pa niya ito aayusin.

Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterDonde viven las historias. Descúbrelo ahora