Chapter 39

1K 48 8
                                    

CHAPTER 39

"ANO na naman ba ang kailangan niyo? Hah! Bakit pinapunta niyo pa ako dito sa bahay niyo? Wala ba kayong tiwala sakin? Sinabi ko naman na sa inyo diba! Sirang sira na sila. Akin na ngayon si William. Hahaha." tumawa pa na parang isang baliw ang loka lokang si Devine. Ang lapad ng ngiti nito sa labi.

Napaangat ng tingin si Justine, nginitian niya ang kasintahan matapos nitong ilapag sa mesa ang juice natinimpla nito.

Itinulak niya ang basong may lamang orange juice pa punta kay Devine. Iminuhestra niya ito sa ginang.

"Kayo namam, nag abala pa kayo. Salamat dito hah, kanina pa kasi talaga ako nauuhaw, nahiya lang akong manghingi ng tubig."

Gusto sanang matawa ni Justine. Hinfi niya sukat akalain na may hiya pa pala ang ginang na nasa harapan niya. Hindi nalang siya nag salita, bagkus, inilingan niya nalang ang ginang.

Palihim na nagkasulyapan sila ng kasintahan at sabay na umangat ang gilid ng kanilang labi ng makita nilang naubos ng ginang ang lamang juice ng baso. Mabuti, hihintayin nalang nila kung ano ang mangyayari.

Wala silang alam kung para saan at kung ano ang epekto ng gamot nayun, kahit ang nobyo niya ay binabalot ng kyuryusidad nito sa gamot.

Naupo ang ginang. Tulad ng nauna, malandi nitong tinitigan ang nobyo ni Justine kaya nag init ang ulo ng binata. Hindi niya lang pinahalata. Pinanatili niya ang ngiti niya sa kaniyang labi.

Gusto niyang putulin ang dila ng ginang matapos nitong ilabas ito saka dinilaan ang gilid ng labi habang mapang akit na nakatingin sa kasintahan niya.

Ang malanding ito, ang sarap kumuha ng kutsilyo at pagsasaksakin ang makasalanan nitong mata na may pagnanasang humahagod ng tingin sa kabuoan ng kasintahan niya.

Naramdaman ni Justine ang marahang pag hagod ng kamay ng nobyo niya sa likod niya. Pag tingala niya at ng magkasalubong ang tingin nilang dalawa, inilingan siya nito.

Napabuga ng marahas na hangin ang binatang si Justine. Sana pala tulad ng ibang gamot ng kaibigan ay kaya ding pumatay ng gamot na ibinigay nito, yung limang segundo lang ay mamamatay na ang sino mang makainom nito.

Nabalik ang atensyon ng binatang si Justine sa ginang na si Devine ng mapang akit na kinausap nito ang nobyo niya. Aba't gusto talaga ng bruha na mapatay niya.

"Ano ang pangalan mo, hmm? Ang gwapo mo naman. Bagay tayo. Alam mo ba yun?"

Sasabat sana sa usapan si Justine ng unahan na siya ng kasintahan niya. Malamig ang boses nito, walang emosyon ang mukha at malamig kung tumingin.

"Mago ako hindi bagay."

Lame but it actually made him smile. Ano ka ngayon, sa kay Justine lang yan lumalandi. Si Justine lang ang may kayang magpatayo sa alaga niyan. Talandi mong bruha ka. Akala mo naman talaga maganda ka. Katawan mo lang ang maganda pero ang mukha mo? Nakakasuka. Gusto sanang ipagsigawan yan ni Justine sa bruhang ginang, kaso, huwag nalang pala. Nagbago na ang isip niya.

"Ikaw naman, masyado kang seryoso. Ngiti naman diyan. Kahit isa lang, para sakin." pabiro na may halong panlalandi na sabi ng ginang na si Devine sa binatamg si Finligh.

Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon