Chapter 40

1.1K 53 8
                                    

CHAPTER 40


NAPALUNOK ang dalaga. Hindi niya kayang makipagtitigan sa babaeng kasama ng kuya niya. Walang emosyon ang mukha nito. Maging ang nga mata nitong nakatitig da kaniya ay nakakaintimida.



Mabilis na nagtago siya sa likod ng kasintahan niya. Isiniksik ang mukha sa pagitan ng balikat nito. Inilingan naman siya ng nobyo niya saka ginolo ang buhok nito.


Gulat na tinitigan nilang dalawa ang kasama ng kuya nito na isang lalaking matatawag natin na poganda, pogi na, maganda pa.



Binatukan kasi nito ang babaeng nakatitig sa kaniya kanina. Napangiwi ang dalaga. Tiyak siya na masakit yun, rinig kasi niya ang lakas ng tunog ng paghampas ng binatang poganda na nasa tabi ng kuya niya sa babaeng kanina ay masama ang tingin sa kaniya.



Ang masamang tingin nito ay napunta na sa katabing binatang poganda ng kuya niya. Napangiwi ulit siya, sa sama ng tingin nito sa binatang katabi ng kuya niya, kulang nalang ay bumulagta ito at maligo sa sariling dugo.





"Bakit mo naman ako binatukan? Sira ulo ko ah! Gusto mong mamatay ng maaga? Hah!" inis na sabi ng dalaga.



Paano ba naman kasi, ang ganda ganda ng pananakot na ginawa niya tapos ang hinayupak niyang kaibigan hindi man lang siya sinoportahan. Ineenjoy pa nga niya yung pananakot niya e.




Panira talaga. Inirapan siya ng binata. Alam kasi niya na tinatakot lang nito ang kakambal ng nobyo niya. Syempre, hindi niya hahayaang magtuloy tuloy yun, duh, kailangan niyang magpalakas sa kakambal ng kapatid niya.






"Pwede ba, tigilan mo na yang pananakot mo sa kanila. Mukha mo palang sapat na para matakot sila, hindi mo na kailangang dagdagan ng patalim talim ng tingin mo."







Sinigurado niyang maiinis ang kaibigan niya sa kaniya. Aba, minsan lang niya ito maasar, itodo na niya.





Akmang babatukan siya ng kaibigan ng maharangan ng nobyo niya ang harapan niya.





"Traidor ka! Taksil!" akusa sa kaniya ng dalaga na may kasama pang pagduro sa kaniya. "Nakita mo lang ang kakambal ng nobyo mo e, nagpapalakas ang tang'na!"





Inungusan siya ng binata. Medyo nahihiyang sumilip ng tingin ang binata sa kapatid ng nobyo niya na may malaking question mark sa noo.



Paano ba naman kasi, wala siyang may maintindihan sa pinagsasabi ng dalawa. Saka kakambal ng nobyo nito? Hindi ba siya ang kakambal na tinutukoy ng babaeng kanina lang ay masama ang tingin sa kaniya?napakamot siya sa batok niya.




Wala talaga siyang may maintindihan. Ano ba kasi ang pinagtatalunan ng dalawa?




Habang ang nobyo naman niya ay nanlaki ang mga mata ng tuluyan ng rumihistro da kaniyang isipan ang ibig sabihin ng dalaga.




Gulat, hindi sapat ang salitang gulat para isalarawan ang nararamdaman niya. Hindi niya sukat akalain na ang kaibigan niya ay pumatol sa....




Napailing iling nalang siya habang pinipigilan ang sumusupil na ngiti sa labi. Sino ba siya oara husgahan ito? Sana lang, sana lang talaga ay kayanin nila hanggang dulo. Lalo pa at sa kalagayan ng mga ito at sa tingin ng lipunan sa mga uri nila, natitiyak niya na mahaba habang istorya ang para sa dalawang ito. Puno ng hurap, sakit at sarap.



Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon