Chapter 37

1.1K 49 6
                                    

CHAPTER 37

MAY lumabas na dugo sa bibig ng dalaga matapos lumabas ng bloody infant na ibinigay ng kuya niya sa kaniya, sa katawan niya. Pinahiran niya ang gilid ng labi niya gamit ang likod ng palad niya. Napangisi siya ng tuluyan ng makaalis ang bloody imfant niya, dala sa magkabilang palad ang dalawang espadang ibinigay sa kaniya ng kuya niya.

Naupo siya ng maayos, ipinikit ang kaniyang mga mata at hinintay na marating ng bloody infant niya ang lugar na paroroonan nito.

Nakaangat ang gilid ng labi niya habang ang nga mata ay pikit na pikit. Nakikita niya sa kaniyang isipan ang ano mang nakikita ng bloody infant niya. Nang nasa tagong lugar na ito, lahat ng madadaanan nito ay walang awa nitong pinapatay.

Ni hindi na magawang makapag react ng mga biktima nito. Walang babalang pinagpupugutan sila ng ulo ng bloody infant niya, ang iba ay pinutulan pa ng kanang braso. Ang mga pinutulan nito ng kanang braso ay ang mga nanakit sa papi niya.

Makasalanan ang mga braso ng nga ito. Nararapat lang na putulin. Napahinto ang bloody infant niya sa harap ng maotoridad na general ng matamdang gorilla. Ang alipin nito na talaga namang masasabi nating sunod sunuran sa amo.

Mas lalong lumapad ang ngiti ng dalaga. Marami rami na siyang napapatay sa galamay ng matandang gorilla. Nakaka excite talaga. Natitiyak niya na nag uusok nanaman ang ilong ng matandang yun sa galit. Lalo pa at Natitiyak niya na nakarating na dito ang balitang nawawala sina Mc'Greem at White.

Napailing iling siya, sayang talaga. Hindi niya nasaksihan ng personal ang pangyayari. E di sana natuwa na naman siya.

"Anong klaseng nilalang ka? Animal ka! Pinatay mo lahat ng mga tauhan ko. Papatayin din kita."

Natawa ang dalaga ng dahil sa nadinig. Papatayin nito ang bloody infant niya? Nagpapatawa ba talaga ito?

Kahit anong gawin nito, hindi nito mapupuruhan ang bloody infant niya. Maliban nalang kung ang gamit nitong espada ay may basbas galing sa itaas. Pili lang ang espadang may basbas galing sa itaas.

Bilang lang din sa daliri ang mga magong may hawak ng mga espadang ito. Hindi kasama ang pipityuging heneral ng matandang gorilla na yun sa listahan kaya paano nito nasabi na papatayin nito ang bloody infant niya? Hahaha, patawa, baka siya pa ang mapatay nito.

Nakipagbuno ang bloody infamt niya sa heneral ng matandang gorilla. Napailing iling ang dalaga. Ang hina kasi talaga ng heneral ng matandang gorilla para sa kaniya.

Kaya lang, may naisip siyang kalokohan. Bakit hindi niya gawin? Tutal bored siya. Puro mahihina ang tauhan ng matandang yun. So much for the word basic.



"HAH! MAMATAY KA NA!" sigaw ng heneral ng matamdang gorilla ng akala niya ay napatumba na nito ang bloody infant niya.

Nakasalampak sa damuhan ang bloody infant niya. Ang dalawang espada ay nasa kamay padin nito.

Sasaksakin na sana ito ng heneral ng matandang gorilla ng bigla nalang magbukas ang pulang mga mata ng bloody infant niya. Nakaangat ang isang labi na iniangat nito ang sword of fire niya, walang pag aalinlangan na tinusok ang kanang mata ng heneral ng matandang gorilla.

Napaatras ang heneral at napahawak sa kanang mata niya na ngayon ay nagdurugo na. Umaagos ang dugo sa kaniyang kanang pingi mula sa kaiyang kanang mata na walang awang tinusok ng bloody infant niya.

Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon