Chapter 11

2.9K 112 7
                                    

CHAPTER 11

SLIGHT MATURED CONTENT 🙏


"WHAT THE HELL ARE YOU TALKING ABOUT?"

"VIRGIN COCONUT HOLE??? THE FVCK!"



Napatakip naman sa kaniyang tenga si Elijah. Ang lakas naman ng boses ng mga 'to. Buti nalang walang may pakalat kalat na estupidyante sa kinatoroonan nila ngayon.



"Maka sigaw naman, ang OA ah. Hayst, kainis."


Sinamaan siya ng tingin ni Justine habang si Finligh naman ay wala sa sariling panitik ang noo ni Elijah. Inambahan ng suntok ni Elijah si Finligh, hindi naman nakaiwas kaagad ang huli.




"Aray bakit ka ba nanununtok!?"

"E bakit ka din ba namimitik ng noo? Hah! Masakit yun ah!"



Hinimas himas naman ni Finligh ang braso niyang sinuntok ni Elijah, habang si Elijah naman ay abala din sa paghimas sa noo nitong pinitik ni Finligh. Sa hula niya ay namumula ito, ang sakit kasi pumitik ni Finligh. Ang sarap niyang ibalibag. Promise. Habang si Justine naman ay napabuntong hininga na lang. Feeling niya pasan pasan niya sa dalawang balikat niya ang mundo.




"Bakit ba ako napapalibutan ng mga baliw? Masisiraan na ako ng bait" Justine



"Bakit mo ba kasi naisip na may nangyari samin? Sira ulo ka ba? Saka bakit mo sinabi sakin na isinuko ko sa lalaking 'to ang virgin coconut hole ko? Ano ba yun!?" medyo inis na tanong ni Justine. Medyo, oo, medyo palang. Promise, medyo lang. Hindi pa naman umaabot sa puntong gusto niya nalang mawala sa mundo.




Napanguso naman si Elija, itinuro niya si Finligh na nagtataka ding itinuro ang sarili nito.



"E zabi niya kanina may nangyari sa inyo e. Hmp, ano pa ba ang ibig sabihin nun? Maliban sa may nangyari sa inyong dalawa, sa kama. Hahaha, yieee, ikaw Justine hah, talandi mo. Isinuko mo agad ang virgin coconut hole mo kay pareng Finligh. Hindi ka man lang nagpakipot."



Inambahan ni Justine ng pitik si Elijah, mabilis naman na nakalayo ang isa. Tatawa tawa pa ito habang mapang asar na nakatingin kay Justine na pulang pula na ang mukha.




"Hindi naman kasi yun ang ibig niyang sabihin! Sadya lang talagang madumi ang utak mo! Jusko, maligo ka nga ng holky water. Kinikilabutan ako sayo."



Namaywang naman si Elijah saka mataray na tinitigan si Justine.



"Sus, hindi mo ako maloloko. Alam kong isinuko mo na ang virgin coconut hole mo kay pareng Finligh. Palusot ka pa e."


"Ano ba kasi yang virgin coconut hole na yan!?" galit na tanong ni Justine.


Si Finligh naman na kanina pa tahimik ay namamangha na nakatitig labg kay Justine. Sa halip na mainis dahil sa laging galit si Justine, mas lamang ang pagkamangha niya. Ang cute kasi nitong magalit.



"Fvck, my heart. I'm so whipped."



"Virgin coconut hole lang di mo pa alam. Yvck. Where is your utak?"


Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterWhere stories live. Discover now