EPISODE 19: STARTS FROM HERE

393 12 49
                                    

ALYSSA POV

After ng birthday celebration ay hinatid na namin sila Tatay Willy at Matthew sa maliit nilang bahay. Mahirap nga lang talaga sila dahil halos di pa magkasya yung mga regalo namin sa sala nila sa sobrang liit. Pero magtataka ka talaga kay Matthew, hindi siya mukhang mahirap. Mukha syang mayaman.

I decided to call Den after kong kausapinv ang parents ko nang makauwi ako dahil mag-isa lang siya sa bahay nila ngayon and after a few rings ay sinagot din nya ang tawag ko.

Den: Hello, Aly, bakit?

Aly: Naks! Himala, sumasagot ka na sa tawag ko hahaha

Den: Tumawag ka lang ba para mang-asar? Nays!

Aly: Hindi naman, naninibago lang, ganito pala ang feeling kapag hindi ini-ignore hahaha

Den: Hahahaha sorry na nga..

Aly: Joke lang po babe, naintindihan ko naman kung bakit di mo sinasagot ang mga tawag ko. Anyway, how are you? Napagod ka ba sa Birthday party ni Matthew? (tanong ko habang nakaupo sa receiving area ng kwarto ko)

Den: Hmm hindi naman kahit na maghapon kong inasikaso si Matt, grabe yung batang yon, ang likot tsaka ang kulit hahahaha nakakatuwa siya kasi tuwang-tuwa talaga siya kay Jollibee. Ikaw, napagod ka ba?

Aly: Hindi, hindi ko ramdam yung pagod ko kasi masaya ako, masaya ako kasi kasama kita tsaka si Matthew.

Den: Ako din. Masaya akong kasama ko kayo. Parang na miss ko na tuloy bigla si Matthew, Ly.. Dalawin kaya natin siya ulit bukas?!

Aly: Agad-agad? kakahiwalay niyo lang kanina.. kina-career mo na yata masyado ang pagiging mommy sa kanya.. tsaka buti pa siya nami-miss mo, samantalang ako hindi! (kunwaring nagtatampo na sabi ko)

Den: Eh kasi naman ang bibo-bibo nung bata eh, nakakatuwa talaga siya, Aly. Mommy? Di naman, dati ko pa kasi gustong magkaroon ng kapatid na aalagaan ko eh, kaya lang wala pa yatang plano ang parents ko na sundan ako. Eh kung mommy ako? sinong daddy?

Aly: Eh di ako. (mabilis kong sagot) alangan namang si Tatay Willy, hindi naman ako papayag noh.. (natatawang sabi ko at narinig ko siyang tumawa)

Den: Hahahahahahah Aly alam mo sira ulo ka. (natatawang aniya) but Speaking of Tatay Willy, ano kaya sa palagay mo ang pwede nating gawin para matulungan sila? Sana magkaroon ng mas stable job si Tatay Willy para makapag-aral na si Matthew. Ano sa palagay mo, Aly?

Aly: Eh kasi naman, nagtatanong ka pa ng daddy eh nandito naman ako. Well, speaking of, wag mo na silang masyadong isipin, nagawan ko na yan ng paraan, mahal ko.

Den: Nagawan mo na ng paraan? Paano?

Aly: Opo, basta. Leave it to me. Everything is settled.

Den: Okay, sabi mo eh, hindi ko man alam kung anong ginawa mo, pero ngayon pa lang Aly nagpapasalamat na ako sayo sa pagtulong mo sa kanila. Thank you talaga, idol Aly.

I Love You From Now On (CwL Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon