EPISODE 24: HAPPY VALENTINE'S

272 9 47
                                    

DENNISE's P.O.V

"Today is the big day!" excited na sabi ko while checking my things at isa-isa ko silang inilalagay sa Volleyball bag ko.

Start na kasi ng First ever Sports Fest ng Academy kaya super excited kami.

Tiningnan ko yung Grading sheet ng Sports Fest at grabe naman yung gradings and points na ibibigay nila.

  STATUS            GRADE       PERF. POINTS

CHAMPION           100                       1000
SEMI-FINAL            90                         900
3RD GAME               80                         800
2ND GAME               50                         500
1ST GAME                   0                             0

Sa totoo lang mas natatakot ako sa gradings na to kesa sa makakalaban namin eh. Imagine, kapag 2nd game lang ang inabot namin tapos natalo pa 50 lang yung ibibigay na grade sa amin... Mababa pa sa 75 na pasang-awa! Pero mas malala kung 1st game pa lang talo na kami agad, 0 yung ibibigay na grade sa amin pati na rin sa Performance Points. Nakakahiya yon!!!

Kaya dapat first game pa lang, magpakitang gilas na agad kami.

SAN SEBASTIAN HIGH ang una naming makakalaban mamaya. Excited na kinakabahan ako. First official game ko 'to ever since natuto akong mag volleyball.

"Kailangan manalo!" nakangiting sabi ko sa sarili ko.

Tapos bigla na lang may tumawag sa phone ko kaya dali-dali kong binuksan ang bag ko.

It was Ella who's calling me this early and 6:15 AM pa lang.

"Hello, Besh..." sagot ko

"Besh, tumawag lang ako para sabihin na wag mong kalimutan yung mga gagamitin mo sa laro mamaya, okay?!" dire-diretsong sabi niya.

"Oo naman, kumpleto na po. Kagabi ko pa prinepare at dinoble check ko pa bago ko ilagay lahat sa bag. Eh ikaw? Baka mamaya ikaw pala ang may nalimutan, ah?! Naku! Patay ka kay captain Mika." natatawang sabi ko.

"Yan naman ang di pupwedeng mangyari noh?! Ako pa ba?! Hahahahaha Good luck sa atin mamaya, Libero Lazaro."

"Oo, good luck sa atin mamaya. Mananalo tayo,  diba Outside hitter, De Jesus?"

"Tinatanong pa ba yan? Hahahahaha Oo naman, mananalo tayo, walang duda!"

"O, sige na.. Nag p-prepare pa ako. See you na lang sa Building, besh.." nakangiting sabi ko tapos pinatay na niya.

I was about to put back my phone inside of my bag when someone texted me and it made me smile.

From: ALY

Goodmorning mahal kong prinsesa ate ganda! Good luck po sa first game niyo mamaya. I love you <3

I immediately pressed the reply button to answer her text while smiling.

I want to show her what I've got. Gusto kong ipakita sa kanya lahat ng pinagpraktisan ko ng ilang linggo at kung gaano ako kagaling sa volleyball.

To: ALY

Good morning.. manonood ka po?! <3:)

sent✓

I Love You From Now On (CwL Book 2)Where stories live. Discover now