EPISODE 18: PRIDELESS become PRICELESS

342 9 55
                                    

ALYSSA POV

Napailing na lang ako sa mga sinabi ni Sam, 'hindi daw niya ako mapapatawad' ganon siya ka-seryoso sa pagiging Detective niya. Siguro tulad ko ganon din kataas ang pangarap niya kaya hindi isang biro ang sinabi niya, alam kong kahit naka ngiti pa siya ramdam ko ang pagiging seryoso niya. Ganon kahalaga para sa kanya ang maging isang Detective.

Naalala ko dati, ganyan na ganyan din ako. I broke my promise to my best friend Laura just to be a Prosecutor. Sabay kaming magiging Doctor, Sabay kaming g-graduate. Kaya lang, saan nga ba nagsimulang magbago ang puso ko? Hindi ko maalala. Parang isang araw pag gising ko sa hospital, iba na ang gusto ko.

My best friend left me without saying goodbye, siguro ganon ko siya nasaktan. I disappointed her that much.

Then, I met this annoying girl, sa Playground, after nun tuluyan ng nagbago ang buhay ko. Ewan ko ba kung anong meron si Den at bakit gustong-gusto ko siya... Kung titingnan mo naman siya, wala namang special sa kanya, bukod sa mga mata niya, sa ilong, sa mga labi niya, sa mga yakap at pag dampi ng mga palad niya sa balat ko, sa boses niyang napaka lambing..

Napasapok na lang ako sa noo ko ng mapagtantong, marami pala akong rason para maging special si Den sa akin....pero hindi na siguro ngayon...

Speaking of the day when I met her? Actually, noong tumayo siya at walang takot na tinulungan yung bata humanga na ako sa katapangan niya, hinarap niya ang mga bullies na 'yon kahit na mas malalaki ito sa kanya.

Ang tapang-tapang niya noong mga oras na 'yon kaya naman tumayo ako para protektahan siya, hindi ako nagdalawang isip na tulungan siya..

Pero bakit nga ba?! Eh kung tutuusin pwede ko namang tawagin yung guard at mga staffs para tulungan sila. Pero bakit ko nga ba ginawa 'yon?

Siguro dahil doon pa lang,

Naramdaman ko ng gusto ko na siya.

Hindi ko pa siya kilala pero na gustohan ko na agad siya...

Pero may gumugulo sa isip ko, yung tungkol sa trauma ni Den.

Saan niya kaya nakuha 'yon? Bakit ganon na lang ang takot niya? Bakit kaya halos hindi siya pinapatulog ng mga masasamang panaginip niya?

Speaking of Trauma, may kilala pa akong may trauma. Kumusta na kaya ang batang 'yon? Okay na kaya siya? Matapos kong mangako sa kanya, hindi na kami nagkita. Hindi ko na siya nadalaw sa hospital. Dalawang taon na rin ang nakalipas.

Kumustahin ko kaya siya?

Pero paano? hindi ko naman alam kung nasaan siya. Hanapin ko kaya? Para matanong ko na rin kung anong cause ng trauma niya, baka sakaling matulungan ko si Den na ma-overcome niya yung sa kanya.

Tama!! Pwede...

Pero ang tanong saan ko siya hahanapin?

Alam ko na....

And from that thinking nagkaroon ako ng magandang idea na pwedeng makatulong kay Den..

-----

Kinabukasan pagkatapos ng breakfast maaga kaming pumasok ni Sam, palagi naman eh. We always 30 Minutes early sa call time. Wala pa naman kaming schedule kaya nakakagala pa kami kasi di pa tapos nag court activity yung ibang prosecutor, after mag perform ng lahat saka ulit kami bibigyan ni Sam ng case file, yun nga lang Attendance is a must pa rin kaya kailangan pa rin naming pumasok on time at magpakita sa mga professors.

I Love You From Now On (CwL Book 2)Where stories live. Discover now