EPISODE 3: The New Path I want To Take!

308 9 3
                                    

ALYSSA POV

"Are you sure?" gulat na sabi ni Laura habang naka pamewang sa tabi ko. "Hindi ka pa kaya fully recovered." dagdag pa niya. tumingin ako sa kanya at nakita kong salubong ang dalawang kilay nito.

"Yes I'm sure." sagot ko at saka nagpakawala ng malalim na paghinga, Daig pa niya ang mommy ko kung mag-alala. sabi ko sa isip ko. "Itong mga bruises at itong ulo ko na lang naman ang hindi pa fully recovered pero pwede na itong ituloy sa bahay basta bawal yung mga dangerous things." dagdag ko pa.

Umupo siya sa bed ko at saka sumimangot

"Oh para saan naman yang pag simangot mo?" pangaasar ko sa kanya sabay kurot sa pisngi niya

"Ang tigas kasi ng ulo mo, Aly!" sagot niya, "Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako dahil napaka tigas niyan o maiinis ako dahil sobrang tigas talaga niyan?" sabi pa niya

Alam ko naman kung ano ang gusto niyang sabihin, alam kong nagaalala lang din siya sa akin. alam kong natatakot lang siya na baka may mangyari na naman sa aking masama pero I don't want to stay here anymore.. I want to go home. Staying here for two months is like a 2 years for me, wala akong ibang nakikita kundi sila mommy, daddy ninong George at ang makulit na 'to.

"Laura, I know you're worried but I hope you understand that I don't want to stay here anymore." paliwanag ko sa kanya, "Natatakot ka ba na baka hindi mo na ako madalaw kapag naka uwi na ako sa mansion?" tanong ko, tumingin siya sa mga mata ko at kita ko ang magkahalong inis at luha sa mga mata niya.

"I already have a full-access sa mansion niyo with 24/7 visiting hours" inis na sagot niya

"Yun naman pala eh, anytime pwede mo akong puntahan don." sabi ko

"Pero iba kasi kapag nandito ka sa hospital Ly, kumpleto ang gamit dito, paano kapag biglang sumakit yang ulo mo o kaya mauntog ka sa bahay niyo? Serious injury or minor injury delikado parin para sayo, dapat nga dito ka muna hanggang pwede ng tanggalin yang head bandage mo eh.." mahabang litanya ni Laura.

Hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa inaasta niya. Laura is a very good friend to me, she always shows her care sa akin kaya nga madalas na rin siyang tuksuhin nila Daddy at Ninong George na may Crush sa akin.

But I'm not biting it. Laura is a very good friend of mine but I don't see her as more than that..but I'm not closing my door to her, maybe sobrang bata pa namin for some kind of love game and wala akong intensyon na saktan siya.

Mahal ko si Laura pero hanggang friends lang..

maybe for now..

who knows

baka someday

magbago ang ihip ng hangin...

Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sa kanya para matanggal ang pag-aalala niya kaya niyakap ko na lang siya..

"Aalagaan ko ng mabuti ang sarili ko para hindi ka na mag-alala, so don't worry, okay?" sabi ko habang yakap-yakap ko siya.

"Pag may nangyaring masama sayo lagot ka talaga sa akin, walang silbing kabalyero" naka simangot niyang sabi sa akin.

Ang cute niya talaga... sabi ko sa isip ko

"Talagang desidido ka ng umuwi ah.." sabi ni Ninong George ng makapasok sila kwarto ko.

"Kagabi pa nga ako inaaway niyan dahil gusto na daw niyang umuw eh, ewan ko ba sa batang yan napakatigas ng ulo." asar na sabi ni mommy, natawa na lang ako dahil nakikita ko sa kanya yung old age version ni Laura.

"Basta Alyssa ingatan mong wag na wag madidisgrasya yang ulo mo ha?! Tsaka No dangerous activities." bilin ni Ninong George

"Opo, ninong, masusunod po." sagot ko at saka sumaludo sa kanya.

I Love You From Now On (CwL Book 2)Where stories live. Discover now