EPISODE 15: Don't Do This To Her

320 13 45
                                    

DENNISE's POV

I was so worried about Alyssa after hearing those words from Jovee and Robi.

Sana okay lang siya.. sabi ko sa isip ko.

Den: Gaano ba talaga nakaka-nerbyos sa court room? (curious na tanong ko)

Jovee: Gaano? Hmmm, siguro isipin mo na lang, after mong mag-aral at mag memorize ng mga Medical Terminologies bigla ka na lang isasalang sa operating room para mag opera ng high risk case patient and knowing it is your first time to do it. And one wrong move and decision the patient will die.

Robi: Kahit nagpractice ka ng maraming beses, iba pa rin yung pakiramdam kung gagawa ka na ng actual operation without a proper residency and full knowledge. At nakakadagdag pa ng kaba yung panonoorin ka ng mga Professional Judges, Lawyers at Prosecutors at ia-assess ka nila sa Opening statement mo, isipin ko pa lang para na akong masusuka.

Den: Ganon ba?! Nakaka-kaba nga yon.. Pero mag tiwala lang tayo kay Alyssa, kayang-kaya niya yon. Kayang-kaya niyo din dahil magagaling kayo.

Jovee: Sana nga, mag dilang anghel ka sana, Den! (sabi niya habang naka yuko sa table) After ni Alyssa, Ako na ang susunod. (halos mangiyak-ngiyak niyang sabi)

Robi: Tapos ako after mo. Gusto kong patigilin ang oras. (daing naman niya habang kinakabog ang dibdib niya)

Bianca: Ano ba kayo? Para kayong hindi mga lalaki niyan eh. Lahat naman tayo dadaan sa ganyang pagsubok eh. Kahit kami darating din sa Hospital Duty activity namin. Wag kayong masyadong kabahan basta ipakita niyo lang kung ano ang kaya niyo.

Jovee: Oo nga, alam naman namin yun, pero di pa rin namin maiwasan na kabahan, syempre. Kahit sino naman siguro kapag first time, diba?

Den: Pero paano niyo nalaman na kayo agad ang susunod after niya?

Robi: Si Aly ang TOP 1 sa department namin at siya ang inuna nila, kaya for sure yan by Ranking ang picking nila at hindi random.

Den: Wow!! Talaga? Top 1 siya? Ilan ba kayo sa department niyo?

Robi: 15 Aspiring Prosecutors kami.

Jovee: Bat na gulat ka pa? Hindi ba niya sinabi sayo?

Den: H-hindi eh, di kasi namin napag-uusapan yung mga ganong bagay..

Bianca: Grabe ha?! Ang weird niyo. So, pag magkasama kayo, anong mga pinag-uusapan nyo?

Den: Ah, w-wala naman masyado. Mga random things lang..

Jovee: At sa random things na yon hindi pumapasok sa isip niyong mag tanong ng mga personal info ng bawat isa?! Kakaiba ah!..

Den: H-hindi. Nahihiya kasi akong magtanong..

Bianca: Haynaku! Den, you should ask her para mas magkakilala din kayong dalawa.

Jovee: Oo nga, tsaka para hindi ka rin palaging nagugulat sa mga nalalaman mo tungkol sa kanya.

Den: S-sige. Tatanungin ko siya. (sabi ko na lang kahit na di ako sigurado)

Ang totoo, may matagal na akong gustong itanong sa kanya kaya lang hindi ko naman alam kung papaano ko itatanong ng hindi siya masasaktan o mag-iisip ng masama sa akin.

Robi: Totoo. Minsan mag "Getting to know each other challenge" din kayo para makilala niyo ang isa't-isa, di yung puro kayo halikan lang. (nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya)

Binalot kami bigla ng katahimikan sa sinabi ni Robi. Nag usap-usap kasi kaming mananatili lang sa Batangas kung ano man yung mga nangyari doon lalo na yung mga pinaggagagawa namin ni Alyssa. Secret lang dapat yon.

I Love You From Now On (CwL Book 2)Where stories live. Discover now