EPISODE 5: Missing Memories

334 11 12
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw, buwan at taon sa elementarya. Sa totoo lang ang bilis ng mga pangyayari.. Parang sa isang iglap lang, High School na ako.

Noong first day ko sa Grade 6 pag tapak ko pa lang sa entrance gate ng G.H. Academy parang nanghina na agad yung tuhod ko. Bat nga ba hindi ko na isip 'yon?!

I suddenly change my dream from Doctor to Prosecutor pero hindi ko na isip na magpapalit nga din pala ako ng building na papasukan.

New Building means New Set of Friends and New Sets of Challenges.

Sa G.H.Academy kasi hiwalay ang classroom at building depende sa kung anong career ang target mo.

Kung nangangarap kang maging doctor that means lahat ng classmates mo sa loob ng room kapareho mo ng pangarap, magkakaiba lang kayo ng Major na gusto kapag nag college na kayo. Unlike sa ibang Elementary and High schools lahat halo-halo, labo-labo, naka base kasi sa Average kaya ang gulo.

Dito sa Academy, ang cute! Kasi lahat ng naging classmates ko gustong maging Prosecutor. Parang College set-up na per-Department..

1 week before ng Enrollment noong Grade-6 ako nagkaroon muna ng Free Trial. in-Assest kami according sa mga Dreams and Future career na gusto naming makamit someday, parang binigyan nila kami Preview sa future namin, para just in case mag bago ang isip namin, we still have the chance to change our career and path before the enrollment.

Isa yon sa nagpa-Excite sa amin ng husto, para siyang mini-trial game na pwede naming subukan lahat ng career before the enrollment. Pero hindi na ako nag-abala pa na mag-isip. Sigurado na ako sa career na gusto ko, pero noong araw na 'yon, iilan lang kaming sigurado.

Na pansin ko ang isang babae na naka eyeglass sa may dulo na hindi tumatayo sa kinauupuan niya at nagbabasa lang ng libro niya.

'Siguro sigurado na rin siya sa career na gusto niya.' sabi ko sa isip ko.

tapos bigla na lang siyang tumayo at lumabas ng function hall.

"Sandali lang.." pigil ko sa kanya, huminto siya pero hindi niya ako nilingon. "hindi pa tapos ang Free-Trial Career kaya hindi pa pwedeng umalis." dagdag ko pa.

naglakad siya papunta sa picnic area ng Academy kaya sinundan ko siya, umupo siya at muling binuksan ang libro niya.

"I won't leave, I just want to read my book in a quiet place." sagot niya dahil naramdaman niyang sumunod ako sa kanya.

"Medical book? so, you are surely sure to become a Doctor?" naka ngiting tanong ko.

narinig ko siyang bumuntong hininga at saka nagsalita,

"Not just a doctor but THE BEST DOCTOR in the country." sabi niya emphasizing the words 'The Best Doctor'

Natulala ako sa sinabi niya.

She wants to become the Best Doctor?? Like Laura?? napangiti ako sa narinig ko.

Kung nandito lang si Laura siguradong mapapalaban siya sa isang 'to, mukhang determinado eh. May kaagaw sana si Laura sa pangarap niyang maging Best Doctor.

I Love You From Now On (CwL Book 2)Where stories live. Discover now