"Thanks," Saad ko at kinuha na ang plastic. Tinalikuran ko na ang babaeng cashier at hinarap si Benjamin. I smiled at him and I was ready to say a word when Benjamin preceded me.

"Sige, mauna ka na." Benjamin said that makes my mouth dropped. "Huwag mo na akong hintayin, mamaya pa ako uuwi." He gave me a timid smile.

Huh?

That's not what I am going to say! I was about to say thank you, but...

"Okay." Sagot ko ba lang at malungkot na tumango. Pagkatapos nito, tumalikod na ako at nagsimulang maglakad habang ang balikat ay nakababa.

I'm a bit disappointed, and I don't know why.

Tiyaka lamang ako nakahinga ng maluwag at maayos na para bang galing ako sa isang giyera na nakakapanghina nang nasa labas na ako ng mall. Sa huling pagkakataon, sumulya ulit ako sa kabuuan ng mall. Ngumiti ako ng mapait at ibinalik na sa harapan ang buong atensyon. Naghihintay ako ng masasakyan na tricycle na hihinto sa harapan ko. Ayaw kong magtaxi, masyadong mahal.

May iilang mga tricycle na humihinto, pero umaayaw ako. Pa'no ba naman kasi ang mahal mahal ng pamasaheng sinisingil nila sa akin.Two-hundred daw gayong malapit lang naman ang bahay namin sa mall na ito.

Napailing na lang ako dahil ilang minuto na din akong nakatayo dito pero wala pa rin akong nakukuhang tricycle. Overpriced kasi kung maningil. Nakakagigil.

Dahil nangangalay na ang dalawa kong paa, napili ko nang umupo muna sa blecher na nasa gilid lang naman ng kinatatayuan ko. May dalawa pang tao na nakaupo doon at kapuwa sila nagcecellphone. I didn't bother them, hindi ko din naman sila kilala. Ipinatong ko ang plastic na dala ko sa hita ko habang ang ulo ay naglilibot. Naghahanap ng tricycle na mapapara, pero sadyang maiilap ang mga ito.

"Puwede bang tuma—" Kaagad akong lumingon sa kanan kong bahagi nang may marinig akong boses na nagsalita pero huminto ito sa kalagitnaan. "Hindi ka pa rin umuuwi? May hinihintay ka?" Hindi na inulit pa ni Benjamin ang kaninang sasabihin n'ya, nagtanong na lamang ito ng bagong tanong. Nang magtama ang mga mata namin napansin ko ang pag-iwas n'ya ng tingin kaya umiwas na rin ako ng tingin sa kan'ya. Nakatayo pa rin si Benjamin sa gilid ko.

"Wala. Naghahanap lang ng tricycle na masasakyan," Tipid akong ngumiti habang ang mga mata ay nasa harapan, pagkatapos nito ay umurong pakaliwa para bigyan s'ya ng espasyo. Alam ko kasi na gusto n'yang umupo. "Dito, oh, upo ka." Tinuro ko ang espasyong nilaan ko para sa kan'ya.

Benjamin immediately sat next to me but our shoulders did not touch. There was a little space between us, and I meant it. Nang nasa tabi ko na si Benjamin kaagad na umurong ang mga dila namin. Walang nangahas na magsalita sa pagitan naming dalawa. Nagpapakiramdaman lamang kami kung sino ang unang magsasalita sa amin.

"Nakakainip." I prolong my word while stretching my body. "Walang tricycle," Ibinaba ko na ang dalawa kong at humikab. Inaantok na ako dahil sa paghihintay.

"Walang magsusundo sa'yo?" Tanong n'ya.

Umiling lamang ako bilang sagot. Still not looking at him.

Hindi na ulit nagsalita si Benjamin kaya nilingon ko ulit s'ya. Wala sa akin ang mga mata n'ya, nasa kalsada 'to at pakiramdam ko ay may gusto s'yang sabihin pero pinipigilan lamang n'ya.

"H-Hindi ka susunduin ng boyfriend mo?" Makalipas ang ilang segundong katahimikan hindi na nakatiis pa si Benjamin at nagtanong na ito sa akin habang ang boses ay parang kinakabahan. Napansin ko kaagad ang paglunok n'ya na para bang natatakot s'ya.

"Boy friend? You mean lalaking kaibigan? O boyfriend na nobyo?" I asked while laughing, as if I was joking. Idinaan ko lamang sa biro ang tanong ko na 'yon, ayaw ko kasing maging asyumera.

Promises Beneath The Blue Clouds (Rich Girls Series #4)Where stories live. Discover now