KABANATA 19

2.7K 61 5
                                    

Kabanata 19

         MASUGID ANG NAGING pag-aasikaso ni Zach sa kaniyang anak na si Zero. Nang masiguro niyang ayos na ang lagay ng kaniyang anak ay akmang aalis na siya ngunit natigilan siya ng hawakan ng anak ang kamay niya.

Bumaling siya ng tingin dito. "What's wrong?"

Nag-dadalawang isip si Zero kung kaniya bang itutuloy ang gusto niya o 'wag na lang. Pero sa huli mas nanaig sa kaniya ang kagustuhan. "Dad.. can you sleep with me? Can you cure my fever using your yakapsul like before?"

Sino ba naman ang hi-hindi? Definitely not Zach. Para sa kaniyang anak, gagawin niya kung anoman ang gusto nitong ipagawa sa kaniya. Ibibigay niya kung anoman ang gusto nitong hilingin sa kaniya. Iyon ang paraan niya ng pagmamahal dito, bukod sa mga ipinapakita niya.

Matagal na rin niyang hinihintay ang pagkakataong ito. Kailangan pa palang magkasakit ang kaniyang anak para muli niyang maranasan makasama ito sa pagtulog. It may be the last, but for Zach, it'll will be unforgettable.

Tinabihan ni Zach ang kaniyang anak, mabilis naman itong yumakap sa katawan niya. 'Yung yakap na pinakasasabikan ni Zach muling maramdaman. 'Yung yakap ng anak niya sa kaniya.

Hinalikan ni Zach ang noo ng anak sabay bahagyang ngumiti. "Get well soon, son."

Bilang pagtugon, mas hinigpitan pa ni Zero ang ginawa niyang pagyakap sa ama. Walang anong panukat ang kayang sukatin kung gaano siya nanabik sa ama, kung gaano niya gustong gawin ito matagal na. Ngayon, pinagbigyan lang ni Zero ang kaniyang sarili. Kapag umayos na ang kaniyang pakiramdam ay muli niyang gagawin kung ano ang nararapat niyang gawin. Ang pag-iwas muli dito.

Sa ngayon, susulitin ni Zero ang gabing ito. Ang gabing yakap pa niya ang ama na magsisilbing huli na niyang pagyakap dito.

Idinikdik ni Zero ang kaniyang mukha sa dibdib ng ama. Ramdam na ramdam niya kahit may damit itong suot ang init na nagmumula sa katawan ng ama. 'Yung init na palagi niyang hinahanap-hanap. Dagdag pa roon, ramdam din ni Zero ang pintig ng puso ng ama.

Napangiti siya ng mapait. Nakakaramdam siya ng selos sa puso ng ama. Sana ganito rin kakalma 'yung pintig ng puso niya kapag malapit ang ama? Sana ganito rin kapanatag ang kalabog ng dibdib niya sa tuwing yakap ang ama. Hindi sana siya nahihirapan.

Traydor na puso. Sa maling tao umibig.

Ilang oras pa ang lumipas. Narinig na ni Zach ang mahinang pagharok ng kaniyang anak. Napangiti siya dahil doon at muli pa niya itong niyakap.

"I wish we could stay like this forever, son. I wish you could be my sweetest son forever. I wish this would not end."

Nangangarap na lang si Zach ng mga bagay na alam naman niyang suntok sa buwan bago mangyare. Ume-edad na ang anak, hindi na ito bata, kaya dapat maging masaya na rin siya.

Kinabukasan maagang nagising si Zero. Magaan na ang pakiramdam niya, humapa na rin ang kaniyang lagnat. Mukhang epektibo talaga abg yakapsul ng amang si Zach.

Unti-unting gumalaw si Zero. Napagtanto niyang yakap-yakap parin pala niya ang kaniyang ama. Naka-baon pa ang kaniyang ilong sa dibdib nito dahilan para malanghap niya ang mabango nitong amoy. Kay akit-akit.

Heto't bumalik na naman ang pamilyar na nararamdaman ni Zero. 'Yung tibok ng traydor niyang puso. Muli ay gusto na naman siyang traydurin.

Tumingala si Zero at bahagyang lumayo sa ama. Tinanggal na rin niya ang kaniyang kamay na nakayakap dito.

Saglit ay napatitig siya sa g'wapong mukha ng kaniyang ama. Sobrang ang naging pagkalabog ng kaniyang dibdib habang pinagmamasdan ang kaniyang ama ng ganito kalapit.

Love Me Harder DaddyWhere stories live. Discover now