KABANATA 26

3.1K 70 4
                                    

Kabanata 26

            "UWI NA AKO, Tyson. Salamat pala sa pagpapatuloy sa'kin." pagpapaalam ni Zero sa kaibigan ng matapos na ang kanilang eskwela ngayong araw. Baka hinihintay na rin si Zero ng kaniyang ama.

"Sige, ikaw bahala. Kita na lang tayo bukas." sambit naman pabalik ni Tyson.

Kapwa pa sila naiilang sa isa't-isa. Pa'no ba naman, kapwa sariwa sa kani-kanilang mga alaala ang mga ginawa nila kagabi. Parang lilipas na ang taon ay hindi parin nila malilimutan ang maiinit na tagpong 'yon.

Mauulit pa kaya iyon?

Sumakay na si Zero ng taxi at doo'y sinambit niya kung saan siya paroroon.

Habang sa kabilang banda'y tanaw lang ni Tyson ang kaniyang kaibigan. Iiling siya dahil natatakot siyang baka pagkatapos ng paalam na 'yon ay hanggang dulo na. Baka paunti-unti'y magkahiyaan na silang dalawa ng kaibigan. Ayaw niyang mahiwalay dito. Gusto niyang kaibigan parin niya ito hanggang dulo. Sana talaga, bukas o makalawa, hindi parin magbabago kung anong mga naka-ugalian nilang gawin. Hindi parin magbabago kung ano sila noon at hanggang ngayon.

Hapon na't palubog na si Haring Araw ng makarating si Zero sa nasabing bahay. Pagpasok na pagpasok pa lamang niya sa loob ng bahay ay ang ama na ang bumungad sa kaniya. Ang amang si Zach na animo masama ang timpla.

Sino ba naman ang amang hindi sasama ang timpla. Kung nalaman nilang ang kanilang anak ay hindi man lang nagpaalam na manunulugan pala sa ibang bahay. Ni text or tawag ay walang natanggap. Buong gabi hanggang umaga'y hindi nakatulog kakaisip na baka may nangyare na dito. Kakausal ng dasal na sana'y walang masamang nangyare sa kanilang anak.

"Saan ka galing?" malamig ang tinig na tanong ng kaniyang amang si Zach kahit alam naman na nito kung saan galing ang kaniyang anak. Kung saan natulog ang binatilyong si Zero.

"Sa school, dad." tipid namang sagot ni Zero.

"'Wag mo'kong pinipilosopo, Zero!!" umere ang galit na boses ng kaniyang ama ngunit batid niyang nagagawa parin nitong mag-timpi. "Saan ka galing? Saan ka natulog!!" halos pasigaw na ang tanong ng amang si Zach. Nag-ngingitngitan na ang boses ng ama.

Ito ang unang beses na nakita ni Zero sa mga mata ng amang si Zach ang galit. Ngayon lang niya ito nakitang magalit sa buong buhay niya.

Ang hindi alam ni Zero ay hindi galit dahil galit ito. Kundi galit dahil nag-aalala ito.

Nabigla man si Zero nagawa parin niyang higitin ang sarili pabalik. "Sa bahay po ng kaibigan ko, dad." sagot naman ni Zero. 'Yung sagot sa mahinang boses.

"Alam mo ba kung gaano ako nag-aalala. Buong magdamag akong hindi natulog kakahintay sa'yo, i even went to the, school, to asked about you. Kung lumabas kana. Sabi naman ng guard nakalabas kana raw." titig na titig ang seryosong mga mata ng amang si Zach sa kaniyang anak. "I waited for so many hours, but you didn't showed up. You didn't go home. Alam mo bang sa pag-aalala ko'y pumunta pa ako ng police station! I even went to that police station, to report about you, missing."

"Zero, what were you thinking? Gusto mo ba talagang mag-alala ako sa'yo? Yeah, i know—i know. Binata kana na palagi mong sinasabi sa'kin. Malaki kana at dapat hinahayaan na kita sa mga gusto mong gawin. But, please. Just tell us where you are going.. just a little information, para alam namin kung nasaan ka," iniwas ni Zach ang kaniyang tingin sa kawalan. Pilit pinapakalma ang sarili. Ayaw ni Zach dumating sa puntong matakot niya ang anak. Gusto lang niyang pangaralan ito. "Zero, tanggap ko.. tanggap ko bilang ama mo na lumalaki kana. Na hindi mona kailangan ng alalay ko. But as your father, I deserve to know just a little. Kahit konting impormasyon, anak."

"Wala naman akong masamang hatid sa'yo. Kabutihan mo lang ang inaalala ko. Sana 'wag mo naman kaming pag-alalahanin na parang wala kang pamilya. We are still alive, son! Buhay pa kami't humihinga ng mommy mo. Parang sa ginagawa mong 'yan ay pinapatay mona agad kami ng mommy mo sa puso't isip mo. Hindi mo man lang naisip na mag-aalala kami sa'yo. Tinatawagan kita, nakapatay naman ang cell phone. I made a lot of messages but you didn't respond. Ganiyan ba ang paraan ng pagpapalaki namin sa'yo? I love you, son, but please, don't abused my love for you." pagkasabing-pagkasabi niyon ni Zach ay agad na niyang nilampasan ang kaniyang anak. Nag-tungo na siya sa silid ng mga alak upang kahit papaano'y maikalma niya ang sarili.

Love Me Harder DaddyWhere stories live. Discover now