KABANATA 21

3.1K 63 4
                                    

Kabanata 21

         NAWALA LANG ANG bumabagabag sa isip ni Zero ng sila'y magsimula ng mag-inom. Tagay-dito at tagay-doon ang kanilang ginawa ni Tyson.

Ito ang unang beses ng pag-iinom ni Zero, sa totoo lang wala pa siyang ideya kung pa'no malasing. Unang beses palang 'e. Ngayon palang niya i-e-experience ang alak. Kung ano nga ba ang tama ng alak sa tao kung bakit hanggang ngayo'y paulit-ulit parin itong kinukunsumo ng mga tao. Ano nga ba?

Pinag-umpog ni Zero at ni Tyson ang magkahawak nilang mga baso.

"Cheers."

"Cheers."

Sabay nilang nilagok ang kani-kanilang alak.

Kumunot ang noo ni Zero ng kaniyang malasahan ang mapait na alak na gumuguhit sa kaniyang lalamunan. Naningkit pa ang kaniyang mga mata, matapos ay napabuga ng marahas na hangin.

"Hmmm.."

Kumuha ng ginayat na lemon si Zero at mabilis niyang isinubo sa kaniyang bibig. Sabi kasi ni Tyson ay mawawala daw ang kahat ng alak kapag sinimsim ang katas ng lemon. It's effective, though.

Another minutes passed, Zero was a li'l bit tipsy. Medyo umiikot na rin ang kaniyang paningin. Ramdam na rin ni Zero na tila nagiging hyper siya ng mga araw na 'yon. Para bang kay energetic niya. So.. ganito pala malasing?

"Cheers, Tyson.." sambit niya matapos masalinan ng alak ang kaniyang baso at ganun din naman ang baso ni Tyson. Itinaas niya ang baso at siya na ang nag-umpog niyon sa baso ni Tyson, matapos ay agad niyang nilagok.

Sa pagkakataong 'yon, muling gumihit ang mainit at mapait na likido sa kaniyang lalamunan pababa sa kaniyang tiyan.

Hindi pa siya nasiyahan.. dahil narin siguro sa malaki ang kaniyang pino-problema ngayo'y mas gusto pa niyang magpakalasing.

Kinuha ni Zero ang bote ng alak. Wala ng salin-salin sa baso. Agad na niyang idineretso ang bibig ng bote sa kaniyang bibig upang doo'y tunggain ang alak.

Ibinaba ni Zero ang bote matapos mapag-tantong wala na 'yong laman.

Samantala, hinayaan na lang ni Tyson ang kaibigang si Zero na magpakalasing. Sa isip kasi niya'y ito lang ang kaya niyang ibigay na way upang kahit papa'no ay gumaan-gaan ang pakiramdam ng kaibigan.

Gayonman, sinabayan parin ni Tyson si Zero sa pag-iinom. Kahit pa nga tulad ni Zero ay nalulula na rin siya. Nararamdaman na rin niya ang nararamdaman ni Zero.

"God! Shit!" bulalas ni Zero kapag-kuwan.

Ipinikit ni Zero ang kaniyang mga mata at ipinagpahinga niya ng mga ilang saglit. Hindi inaasahang sa kaniyang pagpikit, makikita niya roon ang maamong mukha ng kaniyang amang si Zach.

Daddy..?

Sa puntong 'yon, nararamdaman ni Zero ang rumaragasang sa bilis ng tibok ng kaniyang puso. Pakiramdam niya sa mga panahong 'yon ay totoong nakikita niya ang kaniyang ama.

Nang imulat niya ay doon niya napagtantong isa lang pala iyong imahinasyon.

Iginala pa ni Zero ang kaniyang paningin hanggang ang tingin niya'y mapunta sa kaniyang kaibigang si Tyson.

"Daddy..?" bulong ni Zero sa kaniyang isip. Sukat ba naman na pagkamalan niyang ang kaniyang kaibigang si Tyson ay walang iba kundi ang kaniyang ama.

Sa gabing ito, iyon ang nakikita ni Zero. Nakikita niya sa kaibigang si Tyson na ito ang kaniyang ama.

Sa sobrang pananabik at naghalo-halong emosyon na matagal ng kinikimkim ni Zero sa kaniyang dibdib ay unti-unti ng kumakawala at ngayo'y bumabalot na sa kaniyang buong pagkatao.

Love Me Harder DaddyKde žijí příběhy. Začni objevovat