KABANATA 17

2.7K 57 2
                                    

Kabanata 17

        TAPOS NA ANG KLASE, napagpasiyahan na rin ni Zero umuwi, pero naisipan muna niyang dumaan doon sa playground na may swing. Kung saan doon siya palaging dinadala ng kaniyang ama noong bata pa siya.

Wala ng tao doon. Wala ng mga bata dahil maghahapon na, ilang oras na lang ay malapit ng lamunin ng gabi ang liwanag.

Binuksan ni Zero ang hawak-hawak niyang lollipop at sinubo niya iyon sa kaniyang bibig. Tulad ng kaibigang si Tyson ay ito na rin ang stress reliever niya. Kapag labis-labis siya nag-iisip ng mga kung ano-anong bagay. Isubo lang ni Zero ang lollipop at sipsipin ang katas nito ay nababawasan na ang isipin niya.

Muli habang nasa kalagitnaan si Zero ng pagliliwaliw ay pumasok sa kaniyang isip ang itsura ng ama niya kanina. Sobrang lungkot nito sa puntong ng dahil doon naramdaman ni Zero na may kung anong nagwasak sa puso niya.

Gayunman ay hindi naman masisisi ni Zero ang kaniyang sarili. Ginagawa niya iyon upang maiwasang lumago ang pagmamahal niya para sa ama.

Hindi nga ba lumalago? Sa tuwing iniiwasan kasi niya ang ama mas lalo niyang nararamdaman ang labis-labis na pangungulila dito, parang sa tuwing pag-iwas pa nga niya ay mas lalong lumalago pa ang pagmamahal niya sa ama.

Ipinikit ni Zero ang kaniyang mga mata ng maramdaman niyang nagsisimula ng pumatak ang malalaking butil na nanggaling sa kalangitan. Umuulan na pero hindi parin kumikilos si Zero upang maiwasang mabasa ng nagbabadyang ulan.

Parang sa mga puntong 'yon gusto niyang saluhin 'yung ulan at makisabay sa nararamdaman niya. Gusto niyang sabayan ito sa pagtangis.

Sa totoo lang, gustong-gusto ni Zero makapag-isa. Pumunta sa lugar na walang tao at doon isigaw lahat ng mga gusto niyang sabihin. Isigaw lahat ng mga kinikimkim niya sa loob-loob niya. Kasi habang tumatagal mas lalo niyang nararamdaman ang bigat sa dibdib niya. Pabigkat ng pabigat sa puntong hirap ng dalhin ng puso niya.

Rumagasa ng mabilisan ang malalaking butil ng patak ng ulan. Nagpatianod lang si Zero sa ulan at hinayaang mabasa nito ang sarili.

Bumagsak ang luha sa mga mata ni Zero kasabay ng pag-agos ng tubig-ulan sa kaniyang mga mata pababa sa kaniyang pisngi.

Ramdam na ni Zero ang lamig na dulot ng tubig ng ulan. May dalang ginaw iyon.

Naimulat ni Zero ang kaniyang mga mata ng wala na siyang maramdamang pumapatak sa kaniyang katawan. Bumungad sa kaniyang paningin ang isang g'wapong lalaki na mukhang anghel. Matangkad ito, maputi, matangos ang ilong, at talagang napaka-g'wapo. Sa tantiya at kalkulasyon ni Zero ay nasa early 30's na ang binata.

Nakatingin ito sa kaniya na may ngiti sa mga labi nito habang dala-dala ang payong na sumasanggalang sa tubig-ulan upang hindi siya mabasa.

Tumayo na siya at dahil medyo matangkad din naman siya ay hindi na niya kailangang itingala ang ulo ng todo upang magpantay ang tingin nila.

"Hi.." anito sa baritonong boses. He was pertaining to Zero.

Nauntag naman si Zero. "Hello.."

"I have something to give you." panimula nito. "I'm Rio Anderson, by the way." inilahad nito ang kamay sa kaniya.

Agad naman niyang tinanggap ang pakikipag-kamay nito. Sa lamig ng kamay niya ay nagawa nitong uminit ng maramdaman niya ang ligamgam ng malambit at malaki nitong palad.

"Here." inabot ni Rio ang litratong kinuha nito kani-kanina lang. "I know, it's inappropriate for me, took photo of you. I hope you don't mind. Maganda lang kasi 'yung view. And made a copy for you."

Napukunot naman ang noo ni Zero at pinagmasdan niya ang inabot ng binata. Isa itong picture niya kung saan naka-upo siya sa swing, naka-pikit ang mga mata nagpapakabasa sa ulan.

Love Me Harder DaddyWhere stories live. Discover now