KABANATA 4

3.6K 82 2
                                    

Kabanata 4

       SUMAPIT ANG IKA-siyam, sampo, labing-isang kaarawan ni Zero. Lahat iyon ay naging espesyal para sa kaniya. Lahat-lahat, as-in-lahat.

Sa mga lumipas na taon. Mababasa ang animo'y bukang bulaklak sa tamis ng bawat pagsungaw ng ngiti sa mga labi niya.

Sa bawat kaarawan niya, sa bawat paglasap niya ng buhay sa piling ng mga magulang lalong-lalo na sa kaniyang ama, ay sadyang walang humpay na ligaya ang dulot sa kaniya.

Tulad na lang ngayon. Ang pagsapit ng ika-labing-isang kaarawan niya. Kung saan, siya na siguro ang pinaka-masayang bata sa buong mundo.

Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang kaniyang mga kaklaseng nagsi-datingan para sa kaniyang birthday celebration. Syempre, bagong taon, bagong kaklase.

Ngunit sa lahat-lahat ng nagdaang kaibigan ni Zero, isa lang ang nanatili sa kaniya hanggang sa magtagal silang dalawa hanggang ngayon.

Karamay, kalaro, kaibigan, at tinuring niyang kapatid si Tyson, kasama niya ito sa lahat-lahat ng anumang gawin niya, pilyo man iyon o hihdi.

Zero's dad and mom throw a birthday celebration, of course. Motif niya ay ang paborito niyang character sa paborito niyang palabas. Spiderman.

Nagsimula ng mag-start ang party, kumain na rin ang mga inimbitahan niyang um-attend sa birthday party niya. Talagang masayang-masaya siya. May clown pa talagang binayaran ang mga magulang upang mag-perform sa unahan.

Sumapit ang oras na mag-bo-blow na ng candle sa mamahaling cake si Zero. Kasama niya ang mga magulang niya. Sa tabi niya ang daddy Zach niya, samantalang sa kabilang tabi naman niya ang mommy Pia niya.

"Make a wish, baby Zero." anang ina.

"Yeah, come-on big boy, make a wish." anang ama.

Bumaling si Zero sa kaniyang mga magulang at pagkatamis-tamis siyang ngumiti. 'Yung ngiting makikita lang sa isang batang napuno ng saya sa buhay.

Bumaling si Zero sa cake bago niya ipinikit ang kaniyang mga mata. "I wish to be with my parents forever." he whispered before he blow the candle.

Rinig niya ang palakpakan ng mga nanonood. At syempre ang palakpak ng mga magulang niya bilang suporta. Hinalikan siya ng kaniyang mga magulang sa magkabilang pisngi.

Napuno ng kagalakan ang puso ni Zero. Animo'y busog na busog siya ng sayang nararamdaman. Napakapit tuloy siya sa puso at sinapo 'yon. Medyo hindi niya ma-handle ang sarap ng pakiramdam na tinatamasa niya.

Ilang oras pa ang lumipas, natapos na rin ang birthday celebration ni Zero, nagpaalam na sa kaniya ang mga dumalo maging ang kaniyang kaibigan si Tyson. Nakipag-apir pa ito sa kaniya bago umuwi dahil sinusundo na raw ito ng mga magulang nito.

Sayang nga lang, hindi nakita ni Zero ang magulang ni Tyson, sana man lang nakilala niya.

Naligo na si Zero, matapos ay nagbihis na siya ng damit pantulog. Narito siya sa loob ng kwarto niya kung saan nakatambak lahat ng regalo sa kaniya ng mga dumalo. Hindi niya agad iyon binuksan, lalo't wala pa roon ang regalo ng daddy niya.

Lumabas siya ng kaniyang kwarto at kumatok sa kwarto ng mga magulang. Nagbukas naman iyon, binuksan ng mommy niya.

Nakangiti naman siyang pinapasok ng ina. "Are you happy?" ask Pia.

"More than happy." he answered.

Sinapo ng kaniyang ina ang kaniyang pisngi at hinalikan siya nito sa noo at sa magkabilang pisngi. Hinalikan din siya ng kaniyang ina sa mga labi.

"Na'san ho si Daddy?" tanong niya kapagkuwan.

"Naliligo pa ang daddy mo. Maya-maya matatapos na rin 'yun."

Love Me Harder DaddyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt