Chapter 14

8 1 9
                                    

It was like a dream for me—no, it was a nightmare. I couldn't process everything. Nagising na lang akong basa ang unan at namamaga ang mga mata. Sana panaginip na lamang ang lahat ng ito. Parang nawalan ako ng buhay dahil sa natuklasan ko. Ang nag-iisang lakas ko, naging kahinaan ko na ngayon.

Nakatulog pala ako sa kakaiyak. And I was praying na sana hindi galit sila Mama dahil sa nakatulog ako at hindi ako nakatulong sa paghanda ng hapunan.

Though hinang-hina ako ay lumabas ako sa kwarto. Sumilip ako saglit sa baba at nakita silang tahimik na kumakain. Hindi ko alam kung magiging masaya ako sa katahimikang  nakikita ko o kakabahan sa takot na baka galit sila Mama sa akin. Lakas-loob akong bumaba at inihanda ang sarili sa mangyayari. It might sound oa but if you are in my shoes you would do the same.

Napatingin sa akin si ate at sumenyas ito na tumabi ako sa kanya. "Kumain ka na."

Agad naman akong sumunod sa sinabi niya. Pagka-upo ko ay siya namang pagtayo ni mama. May kirot akong naramdaman sa aking dibdib.

Ano na namang nagawa kong mali?

Sa totoo lang mas mabuti sa akin na pagalitan ako nila mama, oo masakit pero atleast alam ko na nakikita pa nila ang presensya ko. Ayokong maging hangin na lang sa paningin nila. Ayokong dumating ang panahon na hindi na nila ako makita.

I'm silently in pain, may pumutak ng luha sa aking mga mata. Hirap ngumuya habang kumain haha. Tangina.

Siguro naging mabuting anak ako noon lahat ng sasabihin nila sinusunod ko and now that I can live without telling what to do parang hawak nila ang leeg ko nang mahigpit. Maybe they never thought that one day I can do something without them knowing. The disappointment was written all over their faces when I made a mistake.

Sometimes, iniisip ko lahat ng saloobin ko, lahat ng sakit na nararamdaman ko ay masabi ko sa kanila nang hindi ako hinuhusgahan. That I can voice out whatever I want to say. That I can explain myself in front of them, na hindi nila iniisip na I'm disrespecting them.

My thoughts vanished when Yan wiped my tears. He's so precious, he really can comfort a person even without saying anything.

Nang matapos kumain ang lahat, I insisted to wash the dishes since I didn't help earlier.  Naramdaman ko naman ang presenya ni Ate sa likod ko. Wala itong imik parang nakamasid sa bawat galaw ko. I'm getting conscious of her stares.

"Do you have something to say, ate?" tanong ko sa kanya nang hindi lumilingon dito. 

"Hmm?"

"May sasabihin ka ba sa akin?" tanong ko nang malinaw.

"Ah, wala naman," sagot nito at hindi ako naniwala.

"Eh, kung gano'n ate, anong ginagawa mo riyan?" tanong ko muli at hinarap siya.

"Nothing. Bakit bawal ka bang samahan?" balik na tanong nito sa akin. I rolled my eyes at ipinagpatuloy ang paghuhugas.

"Nako-conscious kasi ako sa presensya mo na para bang may gusto kang sabihin," pag-amin ko. Narinig ko siyang bumuntong-hininga at tumikhim.

"Are you okay?" tanong nito na ikinagulat ko naman. A smirk painted on my lips. Tagal ko nang gusto marinig iyon. Finally, haha. "Baka mabinat ka, kagagaling mo lang sa sakit," dugtong nito, nawala rin ang mga ngiti sa aking labi.

Why did I expect too much? I'm glad that she's concerned about my health but I thought it was this thing I'm feeling, the burden I'm feeling she was concerned of. Akala ko masasabi ko na 'yong sakit na nararamdaman ko sa iba.

"You don't have to worry, ate. I'm fine," saad ko.

"Oh, okay."

Ang tanga lang, ba't ba ako umasa? hahaha

Nagkibit-balikat na lamang ako at hinayaan si ate na nasa likod ko hanggang sa matapos ko ang hugasin. Agad naman akong nagtungo sa kwarto ko at kinuha na ang laptop na nasa ibabaw ng side table. Bumungad sa akin ang hindi pamilyar na pangalan ng page.

DISCLAIMERThe truth behind the lies.

At naalala ko na nga na gumawa ako ng panibagong account at gumawa rin ako ng page. Habang hindi pa ako makapagsulat ngayon ito ang pagkakaabalahan ko. Alamin ang taong nasa likod ng issue'ng ito.

Nagulat ako nang makita ko ang sunod-sunod na notification galing sa page na kagagawa ko pa lamang. Ilang oras pa lamang ay agad itong napansin ng mga tao dahil na rin sa issue. They connected the post about DummyYdumb and the writer na hanggang ngayon ay tahimik pa rin. Pero isang comment lamang ang pumukaw sa akin.

DISCLAIMER
Trust no one even the closest person in your life.


Huhu legit 'to༎ຶ‿༎ຶ what if kakilala lang ni Miss Dummy 'yong nagsimula ng issue.

What if nga, 'no? Pero ano bang gagawin ko kapag kakilala ko nga lang pala talaga?

Napailing lamang ako sa ngayon focus na muna tayo sa main goal.

DISCLAIMER

Learning from something is worth to be proud of. So, if I were you confessed to your mistakes and don't run away.

Ohh, I love this, is this meant for someone na kasing tanga ng username niya?

Oho! DummyYdumb could never.

Parang want ko mag-mention kaso naka-deact hahaha loser~

Tangina ng mga 'to? 'Di ko alam kung anong purpose nila sa issue'ng 'to o mga mema sabi lang kasi uso.  They're adding fuel to the fire e.

Bakit nga ba ako nagbukas ng panibagong account at gumawa ng page? The plan? Is to provoke them all and investigate their behaviors. Involved or not kasama sila sa plano hanggang sa kusa nang lumapit sa akin ang clues tungkol sa taong iyon o mas mabuti nga kung siya na mismo mo ang lumapit. 

Hindi ako maghihintay sa karma para sa taong iyon dahil ako ang karma niya. Pinaglaruan nila ako, paglalaruan ko rin sila. Ako ang tatapos sa larong sinimulan nila.

DISCLAIMER

You were all blinded by the lies of that person you never once encounter, lol.

Owemjii! Are you a dummies po? ಥ‿ಥ

Koreque, omg! 5 years na nating kasama si DummyYdumb sa writing community and as a senior myself sa pagbabasa e, I never encounter that writer.

Lol, these dummies are dummy talaga. This post is not about your so-called writer. Hindi welcome dito ang walang originality.

hahaha inilalaban talaga nila kaya for real na silang dumb

Dapat nito i-mass report ang page nagkakalat lang sila.

Hala! Why naman dinadamay 'yong page sa issue. Mga wala talagang magawa 'di nga nila alam kung totoo ang binibintang ng mga paepal na inggit lang naman ang meron sa katawan.

Halo-halong komento ang nababasa ko, oo nakakalungkot ang iba but I'm still happy and thankful na may mga nag-stay para suportahan ako. Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko o kung may patutunguhan ba 'to. But I won't stop hangga't hindi nahahanap ang nagsimula ng gulong ito.

I will reveal you and you will regret tainting my image.

DisclaimerWhere stories live. Discover now