Chapter 9

9 2 23
                                    

Alas tres ako ng umaga nakatulog ngunit nagising akong nilalamig mga bandang alas singko. Hirap rin akong makabangon kanina habang inaabot ko ang kumot na nasa ilalim lamang ng paanan ko. Gusto ko pang matulog ngunit naririnig ko na ang boses ni Mama kakatawag sa pangalan ko. Gustuhin ko mang tumayo at sumunod sa kanya ay hindi ko magawa.

"Yrean! Yrean! Aba, tanghali na hindi ka pa gigising? Anong gusto niyo kami pa magluluto ng almusal para sa inyo?" bulyaw nitong dinig na dinig ko mula sa baba.

Second floor ang aming bahay gano'n pa man maririnig mo pa rin ang sigawan sa baba kahit nasa taas ka. Maliit lang din naman ang aming bahay eksakto lamang sa anim na katao.

Bigla namang may pumasok sa kwarto ko at niyugyog ang balikat ko. "Hoy, gising ka na raw! Ako na naman ang uutusan niyan kapag hindi ka pa bumangon."

"Ano ba? Manhid ka ba?" inis kong tanong sa kanya.

Inilapat naman niya ang malamig nitong kamay sa leeg at noo ko. "Ma! May sakit si Yrean!" sigaw nito.

Narinig ko naman ang mabigat na hakbang ni Mama pataas ng hagdan. Ang epal lang talaga ng lalaking 'to. Sermon aabutin ko nito, e. Sa tuwing lagnatin ako imbes na magmalasakit sila sa akin ay sesermunan nila ako.

"Anong may sakit?" bungad na tanong niya sa amin. Lumapit rin siya sa akin upang i-check ako. "'Yan, 'yan napapala mo sa kakapuyat at kakacellphone mo. Kung ano-ano na lang kasi ang pinagkakaabalahan mo sa internet wala namang mga kwenta 'yan. Napapakain ka ba niyan? Ngayon naman na may sakit ka mabibigyan ka ba niyan ng gamot? Syempre hindi, ako na naman mapapagastos. Aba'y ewan ko na lang kung mamatay ka dahil sa mga pinanggagagawa mo. Bahala ka sa buhay mo!"

Lumabas na ng kwarto si Mama matapos sabihan niya iyon sa akin. Once a year lang naman ako magkalagnat tapos ito pa ang makukuha ko mula sa kanila.

Siguro resulta ito ng anxiety ko, 'yong ang bigat na ng nararamdaman ko kaya nagkasakit ako. Pero sana hindi na lang kasi wala namang nagmamalasakit at mag-aalaga sa akin. Hahayaan ko munang kumahol lahat ng mga taong naninira sa akin lalo na 'yang Freya WP tapos na akong masaktan sa mga ibinabato nila sa akin. Wala naman akong magagawa upang patigilin siya dahil hindi ko alam kung sino ba talaga ang taong nasa likod nito.

"May kailangan ka?" tanong ko sa kapatid kong nakatayo pa rin sa aking harap.

Bigla namang may inabot ito sa akin saka umalis ng kwarto ko. Nang buksan ko ang palad koi sang piraso ng gamot iyon. Yarl was the one who I got into a fight with last time and I never expected this. Napangiti naman ako sa ginawa niya. Mag-away man kami araw-araw at the end of the day sila pa rin ang mga taong maaasahan ko.

Inilapag ko ang gamot sa side cabinet at muli akong natulog. Siguro ito na ang mahaba kong pahinga kung sakali man. 'Wag lang sana nila akong sermunan pa lalo sa pagkakaroon ko ng sakit.

Thirty minutes had passed, but I'm still awake. Sabi ko, hahayaan ko na lamang muna sila bakasakaling lumipas na lamang ito ngunit sa pagpikit ng aking mga mata, mga panghuhusga ang aking nasa isip at nakikita.

I want to get rid of these thoughts kahit ngayon lang. Patahimikin niyo ang isip ko kahit ngayon lang, please. Umiiyak na akong nagdarasal n asana mawala ang lahat ng ito. Parang kanina lang sigurado ako na okay lang na hayaan silang lahat pero parang may gustong gawin ang isip ko para mawala ang isyung ito.

Gustong-gusto ko nang hanapin ang taong iyon pero parang may pumipigil din sa akin, 'yong takot ko na baka kilala ko lang ito.

Naramdaman ko na lamang na may yumakap sa akin mula sa likod. Mga maliliit na kamay ang yumayapos sa aking bawang. And I know who it was, my daily energizer.

Hinarap ko naman ito at napangiti na lamang ako nang makita ang pagkaing nakalapag sa study table ko.

"Have you eaten already?" sinubukan ko namang mag-sign kahit nahihirapang gumalaw. Tumango ito bilang sagot at mas lalong sumiksik sa akin. "Hey, may sakit si Ate hindi mo ako p'wedeng yakapin."

DisclaimerWhere stories live. Discover now