Chapter 5

7 2 9
                                    

Buong hapon kong prinoseso ang lahat, nag-isip ng dapat na gawin ginabi na nga ako kakaisip ng paraan. Kahit hindi makapaniwala sa nangyari naging matatag ako dahil kailangan. Hindi p'wedeng wala akong gawin para sa pangarap ko.

Hindi ko lang talaga maisip kung bakit gagawin iyon ng taong umaangkin ng gawa ko. Bakit kailangan nilang manira at umangkin kung may kakayahan silang gumawa ng sarili nilang akda?

Maraming tanong sa isip ko na kailangan ko ng kasagutan. Kailangan kong malaman ang dahilan, kailangan kong harapin kung ano man ang mga dahilan na ito at para saan? Unang-una sa lahat wala naman akong nakaaway na mga manunulat at kahit na mga readers. Wala akong maisip na taong kayang gumawa nito sa akin.

Pakiramdam ko nakasalamuha ko na ang taong iyon. Natatakot rin akong malaman na kilala ko lang pala ang taong sumira sa pangarap ko. Mas masakit 'yon kaya sana lang hindi ko kakilala ang gumawa nitong issue tungkol sa akin.

"Yrean." Napatingin ako sa taong tumawag sa akin.

"Ano?" matapang kong tanong.

Ano namang kailangan nito?

"May pera ka ba diyan?" tanong niya, napataas naman ako ng kilay. Akala ko ba nagtratrabaho ito, bakit humihingi sa akin ngayon ng pera?

"Wala ka bang pera? Anong sense na palagi kang wala sa bahay tapos nagtratrabaho kung humihingi rin naman sa amin? Tanga lang," komento ko naman dahil matagal na akong natitimpi sa ugali nitong kumag na 'to.

Humarap muli ako sa cellphone ko at nag-type ng ipo-post. Akala ko umalis na siya ngunit bigla na lang akong nakaramdam ng malamig na likido.

"Tanginaa!" Napalaki ang mata ko ng makitang nabasa ang laptop ko. Humarap ako sa gumawa ng ka-childish-an na 'to. "Problema mo? Tangina kong galit ka, magsabi ka! 'Wag mong idadamay mga gamit ko!"

Saktan mo ko o kung ano pa man, 'wag lang madamay mga gadgets ko lalo na ang laptop ko dahil nando'n ang mga isinulat ko.

"Para kang hindi kapatid, humihingi lang naman ako ng pera. Wala man lang kayong naititulong sa akin, wala pa akong tulog!" sigaw nito sa akin.

The audacity of this guy!

"Ay tangina mo! Sino kasing nagsabi na magtrabaho ka? FYI, wala naman kaming nakukuha sa pinagtratrabaho mo, kami pa nga napapagastos sa'yo. Nagtratrabaho ka nga tapos ano hihingi ka sa amin ng pangkain mo tuwing gabi? Oh, saan napupunta mga pera mo? Sa'yo lang naman!" Hindi ko naman napigilang sigawan siya kahit tulog na ang mga kasama namin sa bahay at maghahating-gabi na.

Bigla naman niya akong inambahan ng suntok na hindi ko naman naiwasan. Tumama ang kamao niya sa parte ng braso ko na ginawa kong pangprotekta sa sarili ko. Napainda ako sa sakit pero binalewala ko na lang ito at sinubukang bumawi sa ginawa niya.

"Ay talagang walang mga respeto!" Napatigil ako ng marinig ko ang boses ni Mama. "Alam niyo ba kung anong oras na? Wala na ngang ilaw tapos heto kayo nag-aayaw sa kagitnaan ng gabi? Hindi ba kayo nahihiya? Yrean, ikaw ang matanda sa inyo nangunguna ka pa!"

Yes, ako ang Ate but he never called me like that. It's always Yrean akala mo siya mas matanda sa amin, mas tangkad lang siya.

"Ma, hindi ko naman po kasalanan sinabuyan niya po ako ng tubig pati po 'yong laptop natapunan din," pagrarason ko na pinaniwalaan naman ni Mama dahil nakita niya ang laptop na basa.

Lumapit naman siya sa kapatid ko at binigyan ng dalawang palo. Habang pinapagalitan siya pinunasan ko naman ang nabasa kong laptop. Wala na ngang battery sisirain pa yata ng kumag na 'to.

"Alam niyo ba kung anong oras na? Alam niyo bang gabi na? Nag-iisip pa ba kayo?" 'Yan lang ang mga narinig ko sa mga sinasabi ni Mama sa kapatid ko.

Hindi ako nakikinig sa pinag-uusapan nila pero nang makita kong naka-ngiti ang kapatid ko. Alam kong may binabalak ito. He's manipulative.

"Humihingi lang naman ako ng pera sa kanya tapos sinampal niya ako p'wede namang sabihin na wala siyang pera, e," kwento niya na halos magpaawa. Ang galing, mas magaling pa yata siya sa akin na gumawa ng kwento.

Nagulat na lang ako nang lumapit si Mama sa akin at pinalo niya ang hawak nito sa binti ko. Tatlong beses, 'yan ang nakuha ko mula sa kanya. Umiinda ako sa sakit at pinipigilan kong umiyak.

Bumalik lahat ng alaala ko noong bata pa ako nang paluin niya ako ng bakal hanggang sa dumugo ang may sugat malapit sa ankle ko. Iyak ako nang iyak noon at walang magawa dahil bata pa. Isa ito sa mga rason kung bakit takot ako na sigawan at mapagsabihan.

"H-hindi naman 'y-yon ang nangyari, Ma," sinubukan ko namang magsalita ng diretso.

"Tigilan mo na 'yang ginagawa mo! Sinasabi ko sa'yo, Yrean. Hindi ka na marunong makipag-usap sa mga nakakahalubilo mo at palagi ka na lang nakatutok sa laptop at cellphone mo! Pati mga kapatid mo 'di mo na nakakausap ng matino!" bulyaw niya sa akin. Hindi ko napigilang umiyak dahil sa binitawan niyang salita.

Ako na naman, lagi na lang ako.

Hindi naman ako nagkulang, ba't ba pinipigilan niyo akong abutin ang mga pangarap ko?

Hindi ako umiiyak dahil sa ginawa niya sa akin at sa mga binitawan niyang salita. Umiiyak ako kasi hindi niya pala talaga ako sinusuportahan sa ginagawa ko.

Pagod na ako pero lumalaban pa rin ako sa kabila ng nangyayari sa akin ngayon kasi akala ko may pamilyang nakaalalayan sa akin.

Nakita ko naman ang mga ngiti ng kapatid ko, nagtagumpay siyang masaktan ako physically. Hindi nila alam kung gaano ako nahihirapan ngayon.

"Sinabi ko na sa'yo 'to kanina, Yrean. Kapag nakita talaga kitang nakatutok diyan sa laptop po itatapon ko na 'yan at hindi ako nagbibiro. Ayusin mo iyang ugali mo hindi sa lahat ng bagay kailangan manakit kaya ka hindi nirerespeto ng mga kapatid mo. Nababaliw na kayo sa mga ginagawa niyong 'yan," huling sambit niya bago siya pumasok sa loob ng kwarto.

"'Yan napapala sa'yo," he said, a smirk forming on his lips.

Napaupo ako sa sahig, hindi ko na kaya. I cried, silently. Hindi pa ba matatapos lahat ng paghihirap ko at sabay-sabay kayong dumating ngayong araw?

Kanina lang nabalitaan ko na may issue ako sa mundong binuo ko para sa sarili ko. Akala ko malaya ako roon, nagkamali ako. Iniyak ko na lamang lahat ng sakit na nararamdaman ko bakasakaling mabawasan ang bigat ng loob na dala-dala ko.

I don't even know how I can survive this pain. Hindi ko na alam, hindi ko alam kung hanggang kailan ko ipapakita sa lahat na okay ako, na malakas ako.

Kayo ba, hanggang kailan kayo magpapanggap na okay kayo?

Kasi ako, maybe until being strong is the only choice I have just to be okay. Kasi kaunti na lang mauubos na ako.

Masama ang loob ko dahil hindi man lang ako sinuportahan ng sarili kong pamilya. Paano na ako nito? Hanggang dito na lang ba talaga ang pangarap ko?

May halaga pa ba ako sa mundong ito? Is my life still worth living? Maybe in another life, I can stand in my own pain at lumalaban hanggang sa dulo na hindi ko magagawa ngayon.

DisclaimerWhere stories live. Discover now